Monday, February 28, 2011

Siuton River



Siuton River? di niyo alam yan.
Probinsiyang kinalakihan ko yan, dulo na ng Sorsogon. Libtong ang tawag sa malalim na bahagi ng ilog.Noong bata pa ako iilan lang kaming nakatira sa lugar na ito.Kung kaya kung sino ang nakatapat na bahay sa parte ng ilog na yan sila na nagmamayari paliguang na ito. Pagkatapos maligo aakyat sa sa malaking puno ng baligang Ni Noning sa pangpang saka kakaripas ng takbo pag nahuli ng may ari.Ganon kami noon panahon namin pero iba-ibang iba na ngayon.

Noong umuwi ako sinadya kong kuhanan ang bahaging ito. Napansin ko lang masukal na ang lugar wala ng naliligong bata may mga shower na kasi ang bahay sa amin sosyal na sila at nakatutok lang sila sa TV maghapon. Kung taga dito ka naaalala mo ba ang malaking puno ng baligang (parang duhat pero bilog at mas matamis nandoon pa rin siya walang pagbabago.

Ang sarap balikan ng simpling buhay probinsiya.


Cropping mode. Practice lang.

top commentators

Get this widget

Yiruma