Namamangha ako at namimilog ang aking mga mata sa napakagandang luntiang paligid malimlim ang umaga, malamig ang simoy ng hangin. Mamasa-masa ang mga dahon at damo.Tahimik ang paligid maliban sa huni ng ibon at lagaslas ng tubig sa batis sa magkabilang pangpang.
Ubod ng payapang nakahiga sa damuhan.Nakangiting pinagmamasdan ang sikat ng araw sa paligid na tumatagos sa mga sanga at mayayabong na dahon ng punog kahoy at mga saging. Ang mga paru -parung ligaw animoy mga anghel sa langit ay tuwang tuwang sinusundan ang liwanag papaakyat,paparoon 't paparito.Tulad ko ang dampi ng liwanag ay nakakahalina di masakit sa aking balat at hindi ito nakakasilaw sa aking mga mata.
"Donnnnn ?.Nono...?" pummailanlang sa kawalan, ang boses ni mamang - endearment na tawag niya sa akin tinatawag ako.
Nagising akong naghahabol ng hiningaBago ko pa man makita si mamang sa aking panaginip.
Parang totoong totoo dinig na dinig ko ang boses niya.
Nalungkot ako na miss ko bigla si mamang. Nagpray na lang ako at di na ako nakatulog ulit pag ganiton nalalapit ka ng magbakasyon kung ano ano na ang naiisip mo.
Sana mabasa ito ng aking amo na gustong e move ang aking bakasyon ng July na dapat ngayong May na.Hindi lang siya ang nangangailangan ng aking presensiya meron pang iba.Kung di niya makaya ang isang buwan mawala ako sa kanyang paningin ganon din ang iba.Ang lagay sosoluhin niya ako.( drama lang sos -feeling important).
Sa kaalaman ng lahat sa aming probinsiya di ka makakapag patuyo ng damit ng isang bilaran lang.Uso doon ang tagiptip sa damit. tinutubuan ng molds ang mga damit bago ito matuyo kaya sayang ang mga branded mong damit kung wala kang drier. Ang mga libro inaamag at ang picture natutunaw..
ang sikat ng araw laging makulimlim kahit di umuulan.

Tulad nito alas 10 na ng umaga yan.
Salamat sa pag tiyagang pagbasa.
