Showing posts with label Siuton photos. Show all posts
Showing posts with label Siuton photos. Show all posts

Wednesday, February 8, 2012

Ang bilis!

Mabilis lang ito.Kasingbilis ng araw kung lumipas.

habang di pa nagkakagulo ang mga adik sa Valentines day

Gusto ko lang munang makapag update dahil mukhang inaamag na ang aking blog doon sa kailalilaman ng mga blog roll niyo kung nandiyan pa ako.I'm back  ng masinagan naman ng araw.

Na miss kong mag patubling-tumbling at magpagulong gulong sa mga blog niyo at magkalat ng kung ano- ano.

Pagpasinsiyan muna ang pang aabala kong muli sa mga walang ka kwenta -kwentang post.



Umagang kay ganda bagamat struggle ang araw sa pagsikat. 

Bago naging chocolate ang Cacao meroon muna itong matamis na pulp na  masarap sipsipin

Kung may barakong kape ang Batangas. May maurag na kape ang Bicol

at ang wlang kamatayang kagandahan ng  Cadena de Amor.
Valentines na valentines ang dating ng post kong ito di lang halata mula sa chocolate  napunta ng chain of love saan ka pa? dito lang sa blogospero.



Photobucket

Wednesday, July 6, 2011

Day 6- A Picture of Your Dream House


Design ng house na gusto ko.Simple pero maganda ang tikas ng dating.


Gusto ko paglabas ko ng bahay may gubat na maganda at may batis.



At matatanaw ang isang malawak na bukirin.
Mas gusto ko ang nasa gitna ng bukirin amoy damo, presko. Malayo sa dagat dahil ayoko ng amoy malansa at malagkit sa balat. Maselan kasi ang mata ko at balat kaya gusto ko ng malimlim parang tulad ng sa probinsiya namin parang di sumisikat ang araw.
Kaya ginawa ni Papa God na Malimlim ang aming baryo dahil sa akin. Yon ang alam ko. Kasi perfect ang climate ng lugar namin sa pangangailangan ko.
Re-Post ko ulit ang mga eksena sa aming baryo.

Ang kalsada papasok sa amin

Ang likod bahay
Ang ilog 100 meters away

Saan ka pa?



Photobucket

Monday, April 25, 2011

Madramang Umaga.

Namamangha ako at namimilog ang aking mga mata sa napakagandang luntiang paligid malimlim ang umaga, malamig ang simoy ng hangin. Mamasa-masa ang mga dahon at damo.Tahimik ang paligid maliban sa huni ng ibon at lagaslas ng tubig sa batis sa magkabilang pangpang.

Ubod ng payapang nakahiga sa damuhan.Nakangiting pinagmamasdan ang sikat ng araw sa paligid na tumatagos sa mga sanga at mayayabong na dahon ng punog kahoy at mga saging. Ang mga paru -parung ligaw animoy mga anghel sa langit ay tuwang tuwang sinusundan ang liwanag papaakyat,paparoon 't paparito.Tulad ko ang dampi ng liwanag ay nakakahalina di masakit sa aking balat at hindi ito nakakasilaw sa aking mga mata.

"Donnnnn ?.Nono...?" pummailanlang sa kawalan, ang boses ni mamang - endearment na tawag niya sa akin tinatawag ako.


Nagising akong naghahabol ng hininga
Bago ko pa man makita si mamang sa aking panaginip.
Parang totoong totoo dinig na dinig ko ang boses niya.

Nalungkot ako na miss ko bigla si mamang. Nagpray na lang ako at di na ako nakatulog ulit pag ganiton nalalapit ka ng magbakasyon kung ano ano na ang naiisip mo.

Sana mabasa ito ng aking amo na gustong e move ang aking bakasyon ng July na dapat ngayong May na.Hindi lang siya ang nangangailangan ng aking presensiya meron pang iba.Kung di niya makaya ang isang buwan mawala ako sa kanyang paningin ganon din ang iba.Ang lagay sosoluhin niya ako.( drama lang sos -feeling important).

napansin niyo . I love morning light filtering from the trees



I just love looking at them kasi yan ang alam kong sikat ng araw sa probinsiya namin. Di tulad dito sa AbuDhabi nakakasunog ng balat at masakit sa mata.


Sa kaalaman ng lahat sa aming probinsiya di ka makakapag patuyo ng damit ng isang bilaran lang.Uso doon ang tagiptip sa damit. tinutubuan ng molds ang mga damit bago ito matuyo kaya sayang ang mga branded mong damit kung wala kang drier. Ang mga libro inaamag at ang picture natutunaw..
ang sikat ng araw laging makulimlim kahit di umuulan.
Tulad nito alas 10 na ng umaga yan.



Salamat sa pag tiyagang pagbasa.
Photobucket

Tuesday, April 5, 2011

Eksenang Probinsiya

Kalabaw at Ang pakapang


Na miss ko lang ang mga dating simpling buhay nga ganito. Buti na lang nakita ko pa rin ito noong last kong uwi sa aming probinsiya noong 2009 habang naghihintay ng trysikel papuntang bayan.

Wednesday, March 23, 2011

Meet the Student

Kwentong kunti lang, Naalala niyo pa ba ng minsan nangarap akong matutong mag Adobe Photoshop?wala lang gaya-gaya lang.click here for the post
Una naghahanap ako ng software nito.kahit anong version.preferably CS3 or CS4. Ang dami kong hiningian all of a sudden biglang meron akog bagong roomate na makakasama at merong CS3 at Cs5. Answered prayer.

Ang bilis ng mga kasagutan ni God. Pag ginusto mo talaga makukuha mo.

Trying hard nga akong magaral online. Kaya nag enroll ako sa www- university.Bukod sa meron akong biniling tutorial online. Kung sinong gusto nito pwedi ko itong e- share just let me know. Pati na rin yong CS3 and CS5 share ko lang malay niyo di pala ako nag iisang nangangarap nito.

So ganon na nga. paminsan minsan nagaaral ako sa gusto kong oras na madalas mas mahaba ang time kong mag blog hopping kaysa mag aral.

Ito pala ang isa sa mga ginawa ko sa mga natutunan kong kahibangan.Bawal mag criticize dito.
tarannnn....


The drama of the filtering light by the river.

Mula ngayon to avoid confusion any manipulated photos ay may markang One
ADphotoshop -Ibi sabihn manipulated ang photo. Nang sa ganon di naman pagisipan na di original ang mga photos na meron ako sa blog kasi mahilig akong kumuha ng mga pictures.

-------------------------------------------------------------------------------------

Ito ang original photos nito. Kuha sa aking pinakamamahal na Bario ng Siuton.


ang makasaysayang Spell way ( connecting Siuton -Salvacion & Pawik.)
At walang kakupas kupas na sunrise filtering from the trees sa likod bahay namin
Ito pa yong ibang version ng Photoshop works ko sa subject na ito.Actually the subject is about making a collage of photos through blending.Pero iba ang pinagamitan ko.Matigas ang ulo ko pero ok naman yata ang kinalabasan.



the magic continues in my own backyard

Sunday, March 20, 2011

The Philippine Carabao - In the Morning light

Sa pag papatuloy ng pagpapakabanal mode ko(Ako na)



Ang pambansang simbolo ng kasipagan.
May mensahe sa lahat ng Pinoy na mangagawa sa buong mundo.


Oo, Ikaw na nagpapagal araw-araw.
Gaano ka man kaabala sa ginagawa mo.Magpahinga ka naman.

At manalangin.

----------------------------------------------------------------
Nagawa mo na ba sa buhay mo ang tumangis ng magisa dahil solo mo itong laban ng buhay. Pinahid ang luha at humarap sa ibang tao na parang wala lang nangyari.Nalampasan mo ang lahat ng ito dahil alam mong di ka nagiisa sa labang ito.

"During the days of jesus life on earth, he offered up prayers and petitions with loud cries and tears to the one who could save him from death, and he was heard because of his reverent submision." - Heb5:7

I love this passage.

kung sekreto mo itong ginagawa di ako nagtataka.Ito na ang pinakamagandang sekreto ng buhay na magagawa mo.


Prayer is God greatest gift to mankind.

Sunday, March 13, 2011

Pinagpala ka.

Umagang kay ganda sa likod ng aming bahay sa Bicol


Therefore, be at peace with God,
Sa kung anumang paraan mo siya nauunawaan. At kung ano man ang iyong mga gawain at mga hangarin, sa loob ng magulong kalituhan ng buhay.Keep peace in your soul.
With all its sham, drugery and broken dreams, Isa pa rin siyang magandang daigdig.
Be cheerful.
Magsikap kang maging maligaya.- (Desiderata)

------------------------------------------------

I had a prayer walk this beautiful morning bago ako nag umpisang magtrabaho.To spent time with God.

Nararamdaman ko kasing gusto kong makipag away.Buti na lang Niyakap ako ni papa God and I surrendered sa kanyang mga haplos.

at ito ang kanyang mga paalala:

Maging mahinahon sa lahat ng bagay.Huwag padadala sa bugso ng damdamin dahil sa mga nakikita or naririnig.Iwasang magsalita kung di kinakailangan at di nakakabuti sa iba.Manalangin sa kung anuman ang nararapat at magtiwala ng tapat sa kanya na ikaw ay ligtas at walang dapat katakotan.

Isa ka sa maraming pinagpala ano pa man ang nangyayari sa ating mundo. Kaya ibahagi mo ang kasayahang ito ng may ngiti sa iyong mga labi.

God bless to all.

top commentators

Get this widget

Yiruma