Showing posts with label Siuton river. Show all posts
Showing posts with label Siuton river. Show all posts

Wednesday, July 6, 2011

Day 6- A Picture of Your Dream House


Design ng house na gusto ko.Simple pero maganda ang tikas ng dating.


Gusto ko paglabas ko ng bahay may gubat na maganda at may batis.



At matatanaw ang isang malawak na bukirin.
Mas gusto ko ang nasa gitna ng bukirin amoy damo, presko. Malayo sa dagat dahil ayoko ng amoy malansa at malagkit sa balat. Maselan kasi ang mata ko at balat kaya gusto ko ng malimlim parang tulad ng sa probinsiya namin parang di sumisikat ang araw.
Kaya ginawa ni Papa God na Malimlim ang aming baryo dahil sa akin. Yon ang alam ko. Kasi perfect ang climate ng lugar namin sa pangangailangan ko.
Re-Post ko ulit ang mga eksena sa aming baryo.

Ang kalsada papasok sa amin

Ang likod bahay
Ang ilog 100 meters away

Saan ka pa?



Photobucket

Sunday, June 19, 2011

Fathers Day Special

One acre of diamond pay tribute to the ONE and only ONE
PAPA Don. Si Amang maharlika.

two years ago na kuhanan ko ng larawan ang lugar na ito.at tamang tama ang fathers day para maibahagi ko sa inyo ang connection ng mga picture sa akin bakit ko siya kinuhanan.

May ala-alang nagbigkis sa aming dalawa ni amang ang larawang ito.

Ito kuha sa kabuuan ng ilog malapit sa aming bahay sa kaliwang side .napapagitnaan ng dalawang ilog ang aming bahay sa Bicol. Ang puno ang sentro ng kwento ko ngayon.
May pagbabago na sa punong ito dati rati nakaangat pa ito at ang mga ugat ay payakap sa tubig
Malalim pa ang tubig dito libtong ang tawag
Pwede kang pumasok sa loob at may may kaluwagan sa loob may vacuum kaya may hangin makakahinga ka
 kabilang pangpang dito ako tumatayo habang binabantayan si papang at naghihintay sa kanya. Malamok.

2 years ago papa, umuwi ako doon sa atin sa Bicol. Tulad ng madals kung gawin pinuntahan ko ang isang bahagi ng ilog na malaki ang naging bahagi sa ating buhay dahil sa minsan may pinagsaluhan tayong trahedyang tayong dalawa lang ang nakakaalam at nagbigkis sa ating mag-ama.

Ok lang yong isinasama mo ako sa inuman mo para tagabantay mo at tagabuhat paguwi pag lasing ka na.at gumugulong tayo sa mga palayan dahil sa bigat mo pero nakakauwi din tayo.

Pero dito sa ilog na ito sa mga ugat ng punong ito di ka naman lasing ano ang nangyari sayo ng pumasok ka sa ilalim inabot at di ka na lumabas?

ano ang gagawin ng  isang bata kundi ang lapangin ng lamok at maghihintay sa kung nasaan ka na.Natatakot na ako at gusto ko nag umiyak magisa di naman ako makalapit sa pinasukan mo dahil maliit pa ako.

Doon ako natotong manalangin kay papa Jesus na tulungan ka at gabayan.
Padilim na noon at namumutla na ako.Hindi kita pweding iwanan umiiyak na ako sa pagaalala.
Walang ano-ano lumabas ka pagkaraan ng mahigit isang oras sa tubig.Humahangos.
Ang sabi mo madilim sa ilalim at di mo na masalat ang pinasukan mo nawala ka.
Nakita mo ang takot sa aking mukha. Ipinatong mo ang iyong kamay sa aking ulo na parang wala lang nangyari sayo at ibinigay mo sa akin ang supot ng mga hipon.
Sa murang edad ko noon gusto kong itapon ang mga hipon sa ilog ano ang gagawin ko sa mga ito kung mawawalan ako ng isang ama.

Pa, hanggang ngayon anglinaw linaw pa ng mga sandaling ito sa akin.
Ang dami mong dinaanan at ginawa para sa amin pero bilib ako sa inyong mga ginagawa.
You're one and only.
Kung nasaan ka man alam ka man ngayon alam kung masaya ka na dahil kasama mo na si Lord.
Patuloy niyo po kaming gabayan at bantayan.

Happy fathers day Papa.

Photobucket

top commentators

Get this widget

Yiruma