Showing posts with label Family. Show all posts
Showing posts with label Family. Show all posts

Wednesday, September 21, 2011

HULI ka! Natutulog sa oras ng trabaho.

Galing kay mr. google,Pero ganyan na ganyan ang trip ng empleyado lalaki nga lang at nakanganga  tulo laway pa sa oras ng trabaho sa sa guest room ng hotel. Ay kagaling!

Nag chat kami ni kapatid ngayon at nabangit niya sa akin ang isang kaganapan sa kanyang trabaho. Pag tungkol sa aking mga mahal sa buhay ang involve sa mga ganito pinagiisipan kong mabuti kong sasakyan ko ba at matutuwa sa ginawa niya o sasabihin ang ang totoong nararamdaman ko sa kwento niya.

Isang empleyado nahuli niyang natutulog sa guest room ng hotel na mina manage niya.

Ito ang bungad niya sa akin na parang wala lang na ikinabahala ko.Tama ba na ganito ang gawin niya. Though wala akong alam sa background ng empleyadong nahuli niya.

"Natuwa naman sa akin ang boss ko eh pagkaraniwan lang naman sa akin ang gumawa ng mga reports na talaga namang alam kung magiging patok at controversial. meron ba namang natutulog na empleyado na regular at sa guest room pa at naka aircon. Picturan ko nga. pwede ba namang wala proof kung ako ang maging sinungaling in the end. mga maintenance issues as usual ang laman ng report. sabi ko sa boss ko with photo kasi iba ang response mas mabilis kesa sa wala"

Nakakakot naman pag may kasama kang ganyan sa work.

Sa isang 5 star hotel nagtratrabaho si kapatid at di lang ito ang unang hotel na pinapasukan niya. Sa mga kwento niya madalas kinakatakutan siya ng mga kasama niya sa trabaho dahil masipag siyang gumawa ng report maganda or pangit wala siyang sinasanto (yan yata ang trabaho ng isang hotel manager. Di ko alam kong good for the company ito kasi pakiramdam niya gusto ng mga boss niya ito.Malaki ang believe ko sa kanya dahil hindi siya aabot sa kanyang kinalalagyan ngayon kung wala galing sa kanyang career. Napansin ko lang pero di ako sigurado parang may mali sa ginawa niya.

Ano sa tingin niyo? Pa advice naman.Opposite kasi kami ng style of management.


Ito kasi ang natutunan ko sa aking mga libro about leadership.



THE EYES OF LEADERSHIP by Robin Sharma
The sad fact is that most people see the worst in others - they see them
through the eyes of their own anger, fear and limitation. If someone
shows up late for a meeting, they impute a negative intent on that
person, saying “they are so rude”.
If someone makes a mistake on an expense report, they grumble “that
person is so dishonest”. If someone mis-communicates a point, they
silently say “she's a liar”.
Leaders are different.
They look for the best in people.
I want tto be clear. II''m nott ssuggesting that lleaders do not confront
reality. Not at all. What I'm saying is that the best leaders see
through the eyes of understanding.
If someone is late, they try to get to the truth. Maybe there's a time
management problem to coach around or a sick child to help. An
error on an expense account could be the result of a poor process i
place or the employee's disorganization. The miscommunication might
be all about the person communicating having weak skills in this area.
An opportunity for improvement.
Today, rather than looking for the worst in people, I invite you to look for
what's best within them.
Sure some people really are inconsiderate or dishonest or uncaring. But
in my experience - and I've worked with a lot of people over the years -
most people are good.
Few human beings wake up in the morning and ask themselves: “What
can I do today to mess up someone else's day or undermine my
credibility?”
Most of the mistakes people make are the result of a lack of
awareness. And here's the payoff for you: as you seek out the good in
people, not only will they want to show up more fully for you, but you
will see more good in your world.


Madaling sabihin ngayon pero kung ikaw kaya ang nasa kalagayan niya ano ang gagawin mo.Kailangan pa bang pagisipan yan ng matagal?

Kanino ka mag fofocus sa empleyado or sa companya. Sa sasabihin ng boss mo or mararamdaman ng empeyado. At kung mga ano ano pang mga bagay bagay.

Photobucket

Monday, July 4, 2011

Day 4-A Picture of a Person you would want to be with on a Deserted Island

As if ang tanong na ito ay nasa isa kang lugar na di mo hinahangad pero nangyari parang ala Tom Hanks sa Cast Away.
I want to be honest.Pag nasa peligrong lugar ka kahit ala Borakay Island pa ito kaganda deserted naman wala kang  ibang maiisip kundi siya lang talaga.

Si PAPA JESUS kasi ako ay makasalanan.

Siya ang gusto kong makasama doon para humingi ng tawad ng personal.Spent time kami araw at gabi quite moments naming dalawa.
Ang dami kong gustong hingiin,itanong at ipagpasalamat sa kanya.

At dahil kami na lang ang mga single sa aming pamilya- kay Mommy ko at Younger brother ko na lang umiikot ang mga araw araw na lumilipas malamang maiisip ko rin silang makasama doon. Wala ng iba pa sa ngayon.

Di ko naman masyadong seneryoso at pinagisipan ang day 4.
Struggle big time lang sa katanongang ito.Baka magkamali ng post ng picture patay na.




Photobucket

Sunday, June 19, 2011

Fathers Day Special

One acre of diamond pay tribute to the ONE and only ONE
PAPA Don. Si Amang maharlika.

two years ago na kuhanan ko ng larawan ang lugar na ito.at tamang tama ang fathers day para maibahagi ko sa inyo ang connection ng mga picture sa akin bakit ko siya kinuhanan.

May ala-alang nagbigkis sa aming dalawa ni amang ang larawang ito.

Ito kuha sa kabuuan ng ilog malapit sa aming bahay sa kaliwang side .napapagitnaan ng dalawang ilog ang aming bahay sa Bicol. Ang puno ang sentro ng kwento ko ngayon.
May pagbabago na sa punong ito dati rati nakaangat pa ito at ang mga ugat ay payakap sa tubig
Malalim pa ang tubig dito libtong ang tawag
Pwede kang pumasok sa loob at may may kaluwagan sa loob may vacuum kaya may hangin makakahinga ka
 kabilang pangpang dito ako tumatayo habang binabantayan si papang at naghihintay sa kanya. Malamok.

2 years ago papa, umuwi ako doon sa atin sa Bicol. Tulad ng madals kung gawin pinuntahan ko ang isang bahagi ng ilog na malaki ang naging bahagi sa ating buhay dahil sa minsan may pinagsaluhan tayong trahedyang tayong dalawa lang ang nakakaalam at nagbigkis sa ating mag-ama.

Ok lang yong isinasama mo ako sa inuman mo para tagabantay mo at tagabuhat paguwi pag lasing ka na.at gumugulong tayo sa mga palayan dahil sa bigat mo pero nakakauwi din tayo.

Pero dito sa ilog na ito sa mga ugat ng punong ito di ka naman lasing ano ang nangyari sayo ng pumasok ka sa ilalim inabot at di ka na lumabas?

ano ang gagawin ng  isang bata kundi ang lapangin ng lamok at maghihintay sa kung nasaan ka na.Natatakot na ako at gusto ko nag umiyak magisa di naman ako makalapit sa pinasukan mo dahil maliit pa ako.

Doon ako natotong manalangin kay papa Jesus na tulungan ka at gabayan.
Padilim na noon at namumutla na ako.Hindi kita pweding iwanan umiiyak na ako sa pagaalala.
Walang ano-ano lumabas ka pagkaraan ng mahigit isang oras sa tubig.Humahangos.
Ang sabi mo madilim sa ilalim at di mo na masalat ang pinasukan mo nawala ka.
Nakita mo ang takot sa aking mukha. Ipinatong mo ang iyong kamay sa aking ulo na parang wala lang nangyari sayo at ibinigay mo sa akin ang supot ng mga hipon.
Sa murang edad ko noon gusto kong itapon ang mga hipon sa ilog ano ang gagawin ko sa mga ito kung mawawalan ako ng isang ama.

Pa, hanggang ngayon anglinaw linaw pa ng mga sandaling ito sa akin.
Ang dami mong dinaanan at ginawa para sa amin pero bilib ako sa inyong mga ginagawa.
You're one and only.
Kung nasaan ka man alam ka man ngayon alam kung masaya ka na dahil kasama mo na si Lord.
Patuloy niyo po kaming gabayan at bantayan.

Happy fathers day Papa.

Photobucket

top commentators

Get this widget

Yiruma