Thursday, December 22, 2011

Ang kwento ng Kargador(Repost)


Abudhabi 2006.

Limang taon na ang nakakaraan (buti na lang may picture ako kahit isa.) Nang dumating sa akin ang trabahong kargador ng companyang pinapasukan ko sa kasalukuyan.

May malaking kaguluhan noon time na yon sa Iraq.Kaya lahat ng passport from 2004 onward may naka stamped na " not valid for travel to Iraq"Alam mo na kung bakit..Nagkataong ang passport ko noon ay walang bahid na ganyan kaya pwedi ako. Maraming Kabayan ang mag gustong patulan nag 3000 dolyares na sahod pero kakambal nito ang pangambang may panganib na nakaabang. Nagpaalam na ako na sa aking kapatid na paalis na ako ng Iraq huwag na lang ikwento kina mama sekreto na lang namin dahil baka ikamatay nito ang gagawin ko ito.Dahil madaming masamang balita sa TV napapanood nila tungkol sa kaguluhan doon.Ang rason ko lahat naman ng tao mamatay mabuti ng mamatay na kumikita di naman maguguton ang pamilya.

Ilang araw lang bago ang flight namin isang kakilala ang biglang nag offer sa akin na kung gusto ko ng trabaho dito sa Abudhabi umpisa na kaagad dahil kailangan niya ng kapalit.

Yan ang kwento bakit ako naging kargador sa aming companya kapalit ng 3000 dolyares sa gitna ng kaguluhan at patayan sa Iraq.Ang Panginoon na ang pumigil sa kahibangan ko.

Nagpaubaya na lang ako sa kagustuhan niya.

Dito nagumpisa ang aking career na kargador na dati ay laro ko lang noong bata pa ako kasabay nito ang paglimot sa aking sarili mga kaartehan sa katawan at kayabangan. Ang mahalaga kumikita ng malinis,payak,mapayapa at ligtas.

Malungkot ang nangyari sa mga dapat kasamahan kong tumuloy ng Iraq na gusto lang namang kumita para sa pamilya inabandona sila ng agency kumuha sa kanila sa airport at di na binalikan sa di na naipaliwanag na dahilan.Nakasama o nakabuti diyos na lang ang nakakaalam.

Limang taon na ang nakakaraan.
Nandito pa rin ako.
Bakit?
Dahil masaya ako sa anumang binigay ng diyos sa akin.Natutunan kong pahalagahan ang kahit anong maliit na bagay na meron ako dahil ang iba ay wala.

Akala niyo kayo lang. Repost para makasali  lang sa pa contest ni Gillboard at umaasang manalo ng house and lot.
Photobucket

12 comments:

McRICH said...

naks inspiring, pwede rin tong pang-peba a, at alam ko na kung magkano ang sweldo mo, kaya pala galante!! dahil dyan kelangan na ikaw ulit manlibre sa sunod nating eb ha :)

Akoni said...

Isa nga ito sa paborito ko sa blogs mo...hehe..good luck sa atin!

Anonymous said...

isa ito sa mga paborito kong blogs mo Rommel, sabi nga nila minsan yong akala mong mabuti sayo yon pala ang ang hnd, imagine kong natuloy ka sa Iraq.

Anonymous said...

goodluck kuya rommel :)

kelan ka kaya uuwi?at kelan mo kami ililibre?hahaha...


ingats jan...

Sey said...

Ito yata ang unang post mo na nabasa ko - Naalala ko yung classmate ko naipit sa kaguluhan sa Iraq pero sa awa naman ng Diyos buhay pa din siya at lumipat na ng country. Buti naman.

Good luck!

P.S. buti okay ang blog mo. Ilang beses ako bumalik dito last time pero ayaw magload kasi yung domain mo daw.

Merry Christmas - Advance

khantotantra said...

good luck sa iyong entry

jhengpot said...

sabi nga ni father sa misa kahapo. You can't control all things, but God is always in control.

Isa kang ulirang anak at kapatid. Napakabuti ni Lord at hindi ka niya hinayaan. Sana manalo ka sa house and lot para makauwi kana ng bansa at makasama mo ang family mo :)

Inviting you here
http://heavenknowsmj.blogspot.com/2011/12/slum-book-ni-potpot.html

Unknown said...

I'm sure nabasa ko a ito dati. naalala ko ang kwento eh. Sana manalo ka kapatid.. Napakaganda ng kwento mong ito.

Rence said...

good luck. sama ako pag nanlibre ka ha.

Carlo Adrian Canon said...

Touching yung post nyo po. Galing ng God talaga ano. Buti po at ok kayo. God Bless sa lahat nating mga Kababayn na OFW. Merry Christmas!

Ayie Marcos said...

Parang kilala ko tong building na to, sa TCA. Bandang malapit sa Emirates Plaza?

Tama ba ako o kamukha lang.

web design bath said...

Nice snape,Thanks for sharing this post with us...Keep it up..

top commentators

Get this widget

Yiruma