Thursday, September 6, 2012

Kamelyo

Noong nakaraang sabado ng madaling araw habang binabagtas namin ang kahabaan ng Al Ain truck road papunta sa site may nadaanan kaming mga camel sa highway  Ito yong mga sandaling dapat hinuhuli  sa lente at ibinabahagi sa mundo. Sayang, may kabagalan ang inyong lingkod  at ang bilis ng takbo ng aming sasakyan  magandang  subject sana kakaiba.

Ilang beses ko ng nakikita ang mga lupon ng Kamelyo sa lugar na ito subalit may kalayuan sa highway ang kanilang mga racho. Minsan gusto ko talagang bumaba ng silay malapitan.Sana minsan.

Morning has broken  in silence

Birds hovering  the sky 

 and the camels strolling the highway 


Isang buwan na pala ang nakakaraan ng maasign ako dito sa Al Ain. Masayado na akong napamahal sa lugar na ito parang ayaw ko ng bumalik sa magulo at maingay na lungsod ng Abu Dhabi.Ang payak na pamumuhay dito ay nakaka inganyo. Para lang akong nasa probinsiya namin. Malawak ang paligid at malayang nakakapamuhay kasama ang mga alaga kung pusa.Kung dati ako ay" timawa"   dito "maharlika".
Ikaw na ang makihalubilo sa sa mga taong grasa at gusgusin.

This is life.Savour the moment.

11 comments:

denggoy said...

nice! di pa ko nakakakita ng camel sa personal. ;)

Sey said...

Natawa ako sa maharlika at timawa. naisip mo pa yun, hehehe. Masarpa talaga sa tahimik na lugar na parang probinsiya. Ako din gusto kong tumira sa ganung lugar. Close to nature.

Bakit may mga makukulay na kumot yung Camels?

eArL... said...

sana makakita din ako ng camel. :)

fiel-kun said...

ako din, I haven't seen a real life camel pa hehe... kahit yata sa mga zoos dito, wala yatang camel.

Ka-Swak said...

ganda nong pic na birds hovering the sky. your into photography na pala. galing!

khantotantra said...

onga, bakit may damit ang mga kamelyo?

Mac Callister said...

Hindi pa pala ko nakakasakay sa camel haha

Diamond R said...

@Denggoy punta ka dito magsasawa ka sa mga camel.

@Sey- dapat dating kapitan na naging mayor.Instant celebrity kasi ako dito Sey.

@thirdy- Padadalhan kita ng camel daddy cool.

@Kaswak- thanks, kaibigan na talaga kita you are inspiring me.

@Khantotantra - nakabihis para di mainitan. mode of transport yata sila dito sa lugar na ito na walang mga sasakyan. para di ka mangati pag sumakay.

Diamond R said...

@Mac- sakay na.Para maiba naman di laging emergency patrol

Diamond R said...

@Fiel-Kun- OO nga bakit walang kamel
kakaibang hayop sila talagang they are designed para sa desyertong walang tubig at puro buhangin

eMPi said...

ang ganda ng sunset! :D

top commentators

Get this widget

Yiruma