
Pili nut Tree-Canarium Ovatum
Ang tikas!Yan ang Pili ng bicol uragon.
"You are a child of the universe no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should".-(Desiderata)
Acting inadequate ka ba o pakiramdam lang ? some people do. Your feeling small will never help you and is not encouraging to hear at all.Think otherwise, of who you are and what you can do.Listen to your self.It's Ok to feel good.Does this sound selfish? It is Ok to be selfish when you understand that being selfish is simply an act of self-care.
Pinaguusapan namin ito ng aking kasamang Filipino ng minsan sa aming opisina ang isang Engineer namin ay nautosan kumuha ng tubig sa kusina dahil akala ay office boy (anong magagawa natin baby face,maliit at nakat-shirt and jeans). Kung di pa ito nangyari di siya magigising na iba na pala ang buhay na ginagalawan niya wala na sa school. Ngayon nag iba na siya ng style corporate na ang kanyang dating and i'm proud of him.Nothing is wrong to feel comfortable in jeans and shirt pero ilagay ito sa tamang lugar. Maraming makikita sa ating mga kilos kung ano ang ating paniniwala sa ating sarili.at kung di tayo magiingat yon ang iisipin ng iba sa atin.
Pero pakatandaan lang na higit na mahalaga ay ang pagkilala mo sa iyong angking kagalingan yon ang di matatawaran at mababago ng iba. Ipagsigawan mo ito sa buong mundo and be proud of it.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Para sa kaalaman ng lahat ang kahoy na nasa taas at sa ibaba ay ang puno ng PILI na kilala lang at marami sa Probinsiya ng Sorsogon.Kuha ko noong nakaraang bakasyon ko.
Maraming nakakaalam ng PILI nut pero kung di ka bicolano malamang ngayon mo lang nakita ang puno ito. Para sa inyong lahat Ito.Natuwa lang ako sa Post ni Ishmael Fishcher Ahab ng Before the Eastern Sunset sa post niyang craving for pili nuts.
Ito ang thesis ko noong college (oo naman nag college din ako,natawa ako doon) I developed and utelized the pili pulp as flavoring for Ice cream. Pumasa naman ito at di ko na kasalanan yon.(tumawa ulit).
Ang naalala ko lang noong bata pa ako ang ice candy na gawa sa pili pulp. Nilalaga ang hinog na pili tapos yong pulp ( between ng shell and the skin) ihahalo sa gatas nagkukulay ubi. exotic ang lasa ang sarap.na miss ko bigla.