Oh Yeah, isang taon na ang kahibangan kong giliw habang naghuhukay ng mga diyamante sa malawak at mainit na desyerto sa gitnang silangan.
Di ko alam kong ano ang nangyari sa akin pagkatapos ng isang taon parang biglang may bumatok sa akin na tigilan na ang kahibangang ito dahil wala naman katuturan ang mga pinagagawa ko.
Ang astig kasi ng mga bloggers na pina follow ko. Parang nahiya akong bigla.
Mamili ka Acre POLICE or RAYBAN?
Binilhan ko ang aking sarili ng matinong salamin nagsawa na ako sa disposable plastic safety eyeglass na provided ng store yong salamin na isandaang peso lang. Rayban lang talaga ang gusto kong bilhin pero ng makita ko itong si POLICE na love at first sight ako sa kanya. Saka ko na lang pagiisipan si Rayban kung sakali.
At dahil di matawarang tagumpay ang makabuo ng isang taon.
Ilalagay kita sa spotlight ngayon mismo front page na front page wala ng iba kundi ikaw lang.
What do you think of my cropping style?



