Tuesday, January 17, 2012

Wanted


Marasa pa!
."What is this" yata ang ibig sabihin niyan.Tulad ng "shu hada" sa Abu Dhabi.
Wala lang akong maisip gawin ngayon kaya habang hinahantay ang eroplanong sasakyan ko natatawa lang ako dahil madalas kong marining ang expression na yan sa lugar na ito.

Kaya alam na.
Kung bakit tahimik ang One Acre of Diamond.
Kung hindi ako kumakain ng pinakro,hinulog-hulog o kaya naman tabog-tabog. Nandoon ako sa sagurong naglalaro sa ulan. Saka ko na lang ipapaliwanag sa inyo kong ano ang mga yan.dahil araw-araw sa ginawa ng diyos rain is falling over here at gusto ko ang mga ganyan.

Ang mahalaga  sa lahat ang pakiramdan na wanted ako sa mga puso ng bawat isa dito ramdam na ramdan ko ang mga yan.

Sana ako din wanted mo na rin dahil wanted ko na kayong lahat.

Bawi na lang me sa mga utang kong dalaw.


Photobucket

Saturday, December 24, 2011

Underground Pedestrian Walkways

70 % Pedestrian casualties in Abu dhabi are Asians. Kasama tayo doon sa malalakas ang loob tumawid sa mga highways.Mahigpit ang pagpapatupad ng jaywalking dito ngayon kaya pag nahuli ka 200 dh kaagad ang multa.

Bakit kasi kailangan pang makipag patentero kay kamatayan kung meron naman mga underground walkways dito na ganito kagaganda.

kulang na lang maglagay ng sala set , lampshade parang nasa hotel lobby ka na
at sa mga gilid may mga fountain na ganito
sa itaas ng underground walkways may  mga  garden  kaya naglalaglagan ang bulaklak sa ibaba kaya may mga eksenang ganyan

Kulang na lang massage table at relaxing music pwedi ng gawing walkways spa ang  underground pedestrian  only in Abu dhabi.


Natuwa lang akong kunan ito bahagi na aking photo walk sa Conrniche Area

Pweding mag relax diyan wag naman magdadala ng mga labada  o maliligo at gawing ilog ang walkways.
Adios at ingat sa pagtawid mga kabayan.
Photobucket

top commentators

Get this widget

Yiruma