Showing posts with label Abudhabi. Show all posts
Showing posts with label Abudhabi. Show all posts

Sunday, April 1, 2012

The fun of Summer

Noong bata ka pa alam mong summer na kasi wala ng pasok sa school.
Hindi na umuulan.
Umpisa na ng palarong Barangay.
Nagliliparan na ang mga naglalakihang sarangola at ready na ang iyong sapi-sapi.
May mga naglalako na  sa daan  ng ice scramble at halo- halong  tig piso lamang.
Unahan ng balsa sa ilog
at ang walang kamatayang sayawan sa sa gabi at ang Victory Ball.

'yan ay noong unang panahon.
Iba na kasi ngayon.



Corniche beach , Abu Dhabi

Masaya na ang mga bata  basta may computer lang at may facebook account.
.

Photobucket

Friday, March 30, 2012

Summer

Oh summer day beside the joyous sea!

Corniche, Abu Dhabi

There shall be eternal summer in the greatful heart-Celea Thaxter.

Photobucket

Monday, March 12, 2012

Abu Dhabi International Triathlon 2012

Behind the scene photos taken from  the transition area, East Plaza Corniche March 2,  the day before the big race( US$ 250,000 Abu Dhabi International Triathlon 2012) one of the most exciting races in the world and the biggest  and best -of-its- kind to date.


By the way for the 3rd time, I was asked  again by some people to be the "photographer" as sort of a kind that I like.   In exchange of sharing all the photos I'll be roaming around  unrestricted wherever they go.Feeling good to be one of them.

Enjoy  some  of the photos:
 Bike check in : Transition, East Plaza Corniche


Take a closer look of the glasses they are wearing and the helmet.

1,855 Athletes from 62 countries participates in this event 
Savor the anticipated magic,thrill and excitement of the race


All for the win team  from  Russia





(Denmark) Rasmus Henning 


Faris Al Sultan's Awesome Bike



(Team Abu Dhabi)  Faris Al Sultan

Di ko alam kong natuwa sila sa mga pictures na kuha  ko. Nahiya me kasi walang time mag trial and error. Mahahalaga ang bawat sandali.

Di ako nakapunta sa mismong araw ng Big race kasi Sabado may pasok kami. Nagulat ako na ang dalawang ito:  Rasmus Henning  and Faris Al Sultan ang naglaban sa first and second place. Out of more than 1,500 na nandoon sa araw na yon nakuhanan ko sila ng pictures.

May katuturan pala ang mga pinagagawa kong ramdon shot sa kanila.


Photobucket

Saturday, December 24, 2011

Underground Pedestrian Walkways

70 % Pedestrian casualties in Abu dhabi are Asians. Kasama tayo doon sa malalakas ang loob tumawid sa mga highways.Mahigpit ang pagpapatupad ng jaywalking dito ngayon kaya pag nahuli ka 200 dh kaagad ang multa.

Bakit kasi kailangan pang makipag patentero kay kamatayan kung meron naman mga underground walkways dito na ganito kagaganda.

kulang na lang maglagay ng sala set , lampshade parang nasa hotel lobby ka na
at sa mga gilid may mga fountain na ganito
sa itaas ng underground walkways may  mga  garden  kaya naglalaglagan ang bulaklak sa ibaba kaya may mga eksenang ganyan

Kulang na lang massage table at relaxing music pwedi ng gawing walkways spa ang  underground pedestrian  only in Abu dhabi.


Natuwa lang akong kunan ito bahagi na aking photo walk sa Conrniche Area

Pweding mag relax diyan wag naman magdadala ng mga labada  o maliligo at gawing ilog ang walkways.
Adios at ingat sa pagtawid mga kabayan.
Photobucket

Tuesday, December 20, 2011

UAE flowers and trees

SA pag papatuloy ng photo walk kong inaamag na.

Ganda ng building at ng sanga

ng bulaklak pala! 

Ganyan sa pag picture -picture pag nagkamali ullitin ulit. Nasa iyo naman ang kagandahan.

tulad sa probinsiya namin ang mga bulaklak na ito di mo lang pinapansin sa daan

ito ang nagpapabango ng buong paligid dito di ko lang alam ang pangalan ng kahoy na ito..

Pangkaraniwang mga bulaklak pero dahil nasa UAE iba ang dating ng ganda nila
what do you think.

Photobucket

Wednesday, December 14, 2011

The lake park, Corniche Abu dhabi

Ayon sa aking bubuwit ang dating unang presidente ng UAE na si Sheikh Sayed Bin Zultan al Nahyan ay mahilig sa mga fountain parks,lakes at gardens kaya kahit saan ka pumunta dito tabi tabi lang ang park Park is everywhere.  Kung baga kinahiligan niya lang ito.love niya ang luntiang paligid..Kaya yong mga tulad ko na mahilig sa mga tanawing bundok nagpapasalamat ako sa kanya.Kaya love ko ang Abu Dhabi. Disyertong  nagkaroon ng mga gubat posible yan depende sa hilig ng hari.Remember ang hanging garden of babylon sa desyerto din yon. Kaya wag magtaka sa bansang kinarorounan mo kung ano ang hilig ng presidente yon ang namamayagpag parang huweting lang or sabong yan.Kung ano ang hilig ng hari alam mo na ang sagana.

Ok  sa enjoy niyo na lang ang mga picture at isiping tumatawid kayo sa tulay na ito.

The Bridge and the lake
sa mga gustong mag emo dito ka bagay dahil makakalimutan mo ang lugaming iyong nararamdaman. Kahit sino mapapahinto sa tanawing makikita mo pagtawid mo dito.This is Life. and this is Abu Dhabi
The lake and  buildings 

parang sarap tumalon dito

Kung mapapansin mo sa ibabang google capture photo ang lake na ito ay parallel  sa dagat  mga 100 meters away lang 

iba kasi ang dating ng garden na may lake.Pinagpala ang sinumang nakatira sa mga building na ito pag labas may park, lake may dagat pa.
An tagal ko na dito ngayon ko lang nakita ang lake na ito kasi madalas doon ako sa dagat.
Kaya maganda talaga ang mag lakad lakad paminsan minsan.
Yon lang muna
 Ito ang aerial view ng photo walk ko .Paalala di ako ang kumuha niyan kundi si Google earth.
Photobucket

Tuesday, December 13, 2011

National Bank of Abu Dhabi Headquarters Building

Sa pag papatuloy na aking solo- photo- walk

From the Capital Garden,  ang park na may mala higante at ginintuang thermos na gate sa nauna kong post. Tumingin ka sa kabilang kalsada ito ang bubungad sayo. Wow ang ganda ng building na ito di pa ako nag lalakad niyan.

National Bank of Abu Dhabi headquarters building along E road Khalifa Bin Zayed street

Hindi yan bumaliktad ganyan talaga yan ang tuktok nasa ilalim upside down


This building has a unique double tower structure in  pyramidal section with inversely reflected triangular peaks 

Pagkatapos sumakit ang liig ko sa kakatingala ng giant thermos ito parang bumaliktad naman ang kulit.

It's the second tallest skyscrapper in Abu dhabi 173 meters/568 ft 33 floors  after the Abu Dhabi Investment Authority Tower 185 meters/607 ft 40 floor 2006 up to present
Google captured photo of the exact location of the park and the building
Sa E-Rd ako naglalakad papuntang Corniche area. Next yong mga kuha ko naman sa Park,sa water lagoon at sa may dagat.

Akala nyo kayo lang ang may photo walk. Ako din meron. Ako na talaga.
Photobucket

Sunday, December 11, 2011

Makulay ang Buhay sa UAE

Tabi tabi po.Sa pag papatuloy ng National day celebration. Sa dami ng picture na meron ako naghihinayang naman ako kung di ko man lang siya ma e post. kaya andito pa rin ako di maka move on.

Ito ang taxing sinakyan ko galing Musaffah sa EB namin nina IYA di ko pa alam kong sino ang mga darating. Sharing taxi yan mga kasama ko Indiano at Pakistani.Di na sana ako sasakay dahil naunahan ako ng Indiano sa harapan. Noong sinabi kong kailangan ko kasing mag shoot lumipat siya sa likod akala photographer talaga ako nag give way panalo.Nagmamadali na kasi ako
Sa photo mode.sa taxi palang ramdam na ramdam mo na ang National day Spirit of the Union.

Tumawag si Iya nasa bus station na raw siya.Sabi ko deretso na siyang marina mall doon na lang kami magkikita kita.

Sinong magaakalang pati sa UAE may EB magaganap at National day pa. thanks Moks,Mcrich and Iya_khin .Pagkatapos ng EB namin kanya -kanya na silang uwi. Ako maguumpisa pa lang makigulo  sa kasayahang magaganap hangang hating gabi.Ako na ang pinagpala sa lahat

Isa sa mga attire na nakaw pansin ang ganda ni madam
at ito pa. Naingit ako sa palong ni kuya.Flag lang sa face, cap  at  UAE scarf ang meron ako 

fountain of life  sa dagat yan mismo sumasayaw sa  saliw ng tugtog

Ito na yata nag pinakamasayang pagdiriwang ang meron ang UAE

ang lahat ng sasakyan nagiging ganito bawal ang pikon at wala namang napipikon.Snow spray lang naman yan.Pati sa mukha mo e esprayhan ka.Gusto ko yong spray kasi para ka lang may snow all over your body.Kaya ako sigi sprayhan niyo pa ako the more  the merrier.

isa sa mga activities na kinuhan ko ng picture yong isang bata diyan ang nag invite sa akin sa  event na ito pero di ko siya masayadong nakuhanan kasi tumatabliing lang siya at last performer yata sila.Ito ang  mga nauna.Thanks Parkour.
lahat ng mga sasakyan  ganito ang mga itusra simple lang ito yong iba may mga balahibo pa at flat screen.

iIa sa mga street performer na kinukuhanan ko ng photo. Parang mga beauty queen lang on stilts.Thanks Desiree balik kayo dito next year ako ulit ang photographer niyo. 

Kita kits next year.

Photobucket

top commentators

Get this widget

Yiruma