Simpleng buhay sa isang farm.
pweding gumulong at sumigaw na walang nabubulahaw.
Gigising isang mahamog na umaga na ang mga huni ng ibon at lagaslas ng tubig sa batis ang maririnig.Ang Preskong halik ng hanging amihan ang dadampi sa iyong pisngi at balat.Dalisay at banayad ang bango mula sa mga damo't bulaklak sa ilang na yumayakap sa buong paligid at nagbibigay ng kakaibang ginhawa sa iyong pakiramdam.
Bakit ba kailangang maging kumplekado ang buhay.Makipag siksikan sa mataong lugar at makipot.Naghahabol ng oras. kung may buhay na ganitong tahimik malayo sa perwisyo ng lungsod.