Yan ang sabi ng isang Roman Philosopher na si lucius Annaeus Seneca.
Oo,kasama diyan ang mga pasaway sa buhay mo,mga naliligaw na kaluluwa.
Sa kung ano man ang dahilan at ganito ang kanilang paguugali may dahilan ito at hindi ikaw ang may kasalanan. Naging bahagi ka lang ng kaniyang paglalakbay at may dahilan kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo kayong dalawa ang pinagtagpo ng tadahana.
Ikaw ang sugong bantay.Ang pinagpala.
Madalas naging habit na namin ng aking roomate ang mapagkwentuhan ang mga di kaaya-ayang mga kaganapan sa aming trabaho na sumisira sa aming araw bago pa man ito matapos.Yon lang kasi ang paraan para gumaan ang pakiramdam. Pero paulit-ulit na lang kaya di maganda.
Ibinahagi ko sa kanya ang linyang nasa taas na sinabi ni Seneca tungkol sa paggawa ng kabutihan.
Napagkasunduan naming dalawa ang gawing hamon sa aming sarili ang paggawa ng kabutihan higit sa mga taong di maganda ang pakikitungo o madalas naming kinaiinisan.Para maipanalo ang mga ito at makabuo ng magandang samahan.
Personally inumpisahan ko ito sa aming room kahapon. Tatlo lang kami sa room kaya madali lang ito gawin.
Inuna ko na si Si Tatay(tawag ko lang sa kanya tatay tatayan namin) na sunog baga. Dahil sa bisyo niyang ito nawalan akong ganang makipagusap sa kanya..Madalas pag humihithit na siya ng sigarilyo sa kwarto nagiiba na ang tingin ko sa kanya. Dahil doon para na kaming di magkakilala pagdating niya sa room natutulog na lang.Kinabukasan papasok. Naging ganon ang routine.
Kahapon dinaldhan ko siya ng food at kumain kami together at nagumpisang magkwentuhan. at magbalitaan.Kinagabihan namna may dala siyang newspaper at binigay sa akin. Maliit na bagay lang pero ganon kabilis ang balik ng kabutihang ginawa ko sa kanya.
Wish me good luck and my room mate.
at kung gusto niyo gawin niyo rin and let's enjoy the magical dance of life.
a href="http://s1187.photobucket.com/albums/z394/diamondr1/?action=view¤t=signatureplain.png" target="_blank">
