Wednesday, August 24, 2011

Savor the magical dance of life

" Whereever there is a human being there is an opportunity for kindness."
Yan ang sabi ng isang Roman Philosopher na si lucius Annaeus Seneca.

Oo,kasama diyan ang mga pasaway sa buhay mo,mga naliligaw na kaluluwa.


Sa kung ano man ang dahilan at ganito ang kanilang paguugali may dahilan ito at hindi ikaw ang may kasalanan. Naging bahagi ka lang ng kaniyang paglalakbay at may dahilan kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo kayong dalawa ang pinagtagpo ng tadahana.

Ikaw ang sugong bantay.Ang pinagpala.

Madalas  naging habit na namin ng aking  roomate ang mapagkwentuhan ang mga di kaaya-ayang mga kaganapan sa aming trabaho na sumisira sa aming araw bago pa man ito matapos.Yon lang kasi ang paraan para gumaan ang pakiramdam. Pero paulit-ulit na lang kaya di maganda.

Ibinahagi ko sa kanya ang linyang nasa taas na sinabi ni Seneca tungkol sa paggawa ng kabutihan.


Napagkasunduan naming dalawa ang gawing hamon sa aming sarili ang paggawa ng kabutihan higit sa mga taong di maganda ang pakikitungo o madalas naming kinaiinisan.Para maipanalo ang mga ito at makabuo ng magandang samahan.


Personally inumpisahan ko ito sa aming room kahapon. Tatlo lang kami sa room kaya madali lang ito gawin.
Inuna ko na si Si Tatay(tawag ko lang sa kanya tatay tatayan namin) na sunog baga. Dahil sa bisyo niyang ito nawalan akong ganang makipagusap sa kanya..Madalas pag humihithit na siya ng sigarilyo sa kwarto nagiiba na ang tingin ko sa kanya. Dahil doon para na kaming di magkakilala pagdating niya sa room natutulog na lang.Kinabukasan papasok. Naging ganon ang routine.

Kahapon  dinaldhan ko siya ng food at kumain kami together at nagumpisang magkwentuhan. at magbalitaan.Kinagabihan namna may dala siyang newspaper at binigay sa akin. Maliit na bagay lang pero ganon kabilis ang balik ng kabutihang ginawa ko sa kanya.


Wish me good luck and my room mate.
at kung gusto niyo gawin niyo rin and let's enjoy the magical dance of life.


a href="http://s1187.photobucket.com/albums/z394/diamondr1/?action=view&current=signatureplain.png" target="_blank">Photobucket

27 comments:

Ka-Swak said...

nabanggit mo yang naninigarilyo habang kausap, yan ang pinakaayaw ko. feeling ko nababastos ako lalo na pag kasama mo pa sa kwarto.

buti na lang mag-isa ako sa tinitirhan ko kaya maski hubot hubat ako from kitchen to toilet to room okay lang hehehe

Anonymous said...

its a test para patunayan mo yung kindness mo. hehehe.

kikilabotz is here from kamukamo.com

iya_khin said...

walang matigas sa mapagkumbabang tao! bless u mond n ur roomie

khantotantra said...

ma-try nga gumawa ng simple act of kindness. :D

EngrMoks said...

Yung room ko daw sa camp na pupuntahan ko, solo lang ako, kaya mas okay yun para walang pakisamahan at walang inisn kung may kasama sa kwarto na ayaw ang ugali.

Anonymous said...

baka namimiss lang niya masyado pamilya niya kaya gnun, hayaan mo na lang at intindihin.. God bless

Anonymous said...

tama talaga na pag may ginawa kang kabutihan, babalik sayo ay doble pa ng iyong nagawa

JC said...

gustong-gusto ko yang quote na ginamit ko sa post na 'to. thanks for reminding me!

emmanuelmateo said...

may nabasa rin ako kuya na ang title "The Kindness Returned" sobra akong natouch d2 kya dpat always kind tau sa kapwa.

eMPi said...

That's good, DR! :D

My Yellow Bells said...

be careful, daig pa ng passive smoker ang smoker. pero gusto yang idea ng pagiging kind.

Bart Tolina said...

enjoy lang sa sayaw! mapapachacha man o dougie hehe

punta kayo sa blog ko at may bagong post about sa Facebook dali! salamat!

http://barttolina.blogspot.com/

Sey said...

gusto ko yan. Lately pa naman ang dami ko na ding napapansin na hindi maganda kaya nawawalan ako ng gana. Sabi ko "Pessimistic virus" yun. Kaya gusto ko optimistic people and nasa paligid ko para masaya. Nakakahawa kasi saka nakaka-nega pag puro nega ang usapan.

Buti pinost mo to. Sige sali ako!!!

Rome Diwa said...

ang galing parang "Pay it Forward"-the movie. now your living it, good job!

Unknown said...

magandang gawain yan ang gumawa ng kabutihan sa kapwa. nakakataba ng puso. lalo pa't ginagawa mo ito sa taong di mo gaanong gusto. nice post. :)

Lady Fishbone said...

good luck :))

Anonymous said...

napakabuti mo talaga kua DR...

Mai Yang said...

bakit pag nababasa ko mga post mo eh napi-feel ko na napaka "nonsense" ng post ko. hahahahaha!

napapahiya tuloy ako sa sarili ko. while you're doing some kindness, ako naman eh wla ng ginawa kundi maging mean. hahaha!

Mai Yang said...

re your comment: baka nag kita na kau ni sherry Sir! hehe..^_^
ganda nga ng classmate ko na yon..matalino pa =))

Cheap glasses said...

As an entertaining hobby, during the Summer months, I have resolved to create a living creature in my seasonal palace.

Cheap glasses said...

Just kidding, there are no magical dragons OR happiness clouds (filled with cotton candy and sunshine). Had you going there for a while though, eh?Anyways I'm bored, I have a bio test to study for, and I am beginning to get addicted to Y!A once again =P

Cheap glasses said...

Just kidding, there are no magical dragons OR happiness clouds (filled with cotton candy and sunshine). Had you going there for a while though, eh?Anyways I'm bored, I have a bio test to study for, and I am beginning to get addicted to Y!A once again =P

Ishmael F. Ahab said...

Nice! Tama 'yan. Kung gusto mo na magawan ng kabutihan eh simulan mo sa sarili mo ang paggawa ng kabutihan.

Astig 'yang ginawa mo. ^_^

Ho nga pala, na-tag kita sa isa kong post. Pakitingnan na lang po: When it Rains, It pours

glentot said...

Sabi nga nila Kill them with kindness lol

bagotilyo said...

ARC = act of random kindness

tama , dapat tayong gumawa ng kabutihan .

salamat sa paalala.

Ruby said...

very well said ^_^ dapat talaga patient ka pag gumawa ng mabuting bagay sa isang tao lalo na't ndi mo matiis ung pag-uugali nya o kaya mahirap sabayan... mahirap pero ma-ookay din un in the end..^_^ God bless :)

Jag said...

Masarap tlga sa pakiramdam ang gumawa ng kabutihan sa kapwa...U found the real happiness in it...

top commentators

Get this widget

Yiruma