Wednesday, December 14, 2011

The lake park, Corniche Abu dhabi

Ayon sa aking bubuwit ang dating unang presidente ng UAE na si Sheikh Sayed Bin Zultan al Nahyan ay mahilig sa mga fountain parks,lakes at gardens kaya kahit saan ka pumunta dito tabi tabi lang ang park Park is everywhere.  Kung baga kinahiligan niya lang ito.love niya ang luntiang paligid..Kaya yong mga tulad ko na mahilig sa mga tanawing bundok nagpapasalamat ako sa kanya.Kaya love ko ang Abu Dhabi. Disyertong  nagkaroon ng mga gubat posible yan depende sa hilig ng hari.Remember ang hanging garden of babylon sa desyerto din yon. Kaya wag magtaka sa bansang kinarorounan mo kung ano ang hilig ng presidente yon ang namamayagpag parang huweting lang or sabong yan.Kung ano ang hilig ng hari alam mo na ang sagana.

Ok  sa enjoy niyo na lang ang mga picture at isiping tumatawid kayo sa tulay na ito.

The Bridge and the lake
sa mga gustong mag emo dito ka bagay dahil makakalimutan mo ang lugaming iyong nararamdaman. Kahit sino mapapahinto sa tanawing makikita mo pagtawid mo dito.This is Life. and this is Abu Dhabi
The lake and  buildings 

parang sarap tumalon dito

Kung mapapansin mo sa ibabang google capture photo ang lake na ito ay parallel  sa dagat  mga 100 meters away lang 

iba kasi ang dating ng garden na may lake.Pinagpala ang sinumang nakatira sa mga building na ito pag labas may park, lake may dagat pa.
An tagal ko na dito ngayon ko lang nakita ang lake na ito kasi madalas doon ako sa dagat.
Kaya maganda talaga ang mag lakad lakad paminsan minsan.
Yon lang muna
 Ito ang aerial view ng photo walk ko .Paalala di ako ang kumuha niyan kundi si Google earth.
Photobucket

13 comments:

Akoni said...

Sana dyan ako pumunta noon...hehehe

mommy-razz said...

WOW!!!! BLUE!!!! gumaganda pakiramdam ko pag nakakakita ako ng blue, AS IN.. you know naman how much i love blue, haha! bahay ko pa lang blue na blue..

Ang ganda ng view, kinarrer mo na ang kumuha ng pictures ah, Magaling.. more pa!!

McRICH said...

wow nice set na naman a!

Arvin U. de la Peña said...

ang ganda talaga diyan...........

Engr.Moks Calalang said...

Dyan tyo mamamasyal sa susunod...planking naman trip natin...LOL

krisjewel said...

maganda nga dito sa lake park.... kagabi nasa corniche din kami... pag gusto mo mag isip pwede dito...

uy salamat sa dalaw ha sa bahay ko....

dalasan mo..hehehehe....

see u around....

mwahs!

iya_khin said...

wow sama mo ako dyan ha!

Bino said...

antayin nyo ko dyan hahahah

Vintot said...

ganda!!

khantotantra said...

honggonda nung pics ng mga buildings tapos kita yung lake sa bandang lower part.

Ishmael Fischer Ahab said...

At least yan ang naging hilig ng hari or presidente dyan sa Abu Dhabi.Kung ang naging hilig nyan jueteng nako baka kung saang pulutin yang lugar na iyan.

Rence said...

Inggit lang ako. Gusto ko rin pumunta diyan.

musingan said...

ganda talaga.. sobra,.. walang sinabi ang Saudi sa UAE... ehehhe.... pero historical naman ang KSA... narito ang mecca eh...

top commentators

Get this widget

Yiruma