Wednesday, March 14, 2012

Enough

Minsan kahit anong pilit mong umunawa mapupuno ka rin at aapaw.



Magbawas-bawas sa ikagagaan ng iyong pusong naninibugho.


Madaling lang palampasin ang ilang mga bagay ngunit kong ito'y napapadalas o sinasadya ano ang iyong nararapat gawin?

Iparamdam na ang pagiging tahimik at mababang loob ay di pagpapakita ng kahinaan.Pag nasaling at nasaktan maging ang pinaka maamong pusa ay nangangagat.

Itanong mo pa kay Robin,Sharma at C-one.

Pastela! Hiling ko lang at nasabi ko na sayo'Wag ka sanang mababagok ng kahit minsan lang.

Patawarin.
Photobucket

12 comments:

Mai Yang said...

enough :)
+
forgiven :)

khantotantra said...

pagpuno na ang salop... kelangan ng kamutin... hehehe, diko alam yung kasabihan.

minsan nga kahit anong pang-unawa... may chance na mapupuno ka. pero kailangan mo lang bawasan ang laman para di umapaw.

Akoni said...

Ako rin yung klase ng tao na sobrang lalim ng balde ko, hindi napupuno..hehe hindi ko pa naranasan na mapuno ang salop.

kiko said...

makabuluhan at malalim

jhengpot said...

ang galing mo talaga kuya rommel! para ka ng isang professional photographer. ang ganda ng kuha, superb! ang galing ng shutter speed :)

ang galing din ng sinabi mo, kahit anong pilit mo mapupuno at mapupuno ka. yung pinaka like ko eh yung kahit ganun maging maamong pusa ka nalang. boom!

Bino said...

nauubusan talaga tayo ng pasensiya. kahit ang tiwala pwede ding mawala basta-basta.

mayen said...

Tama.. kahit mahaba ang pasensya nauubos din.. Di ko lang kilala sila robin, sharma and C-one.. di ako nakarelate dun.

by the way ang galing ng pag-capture sa tubig sa balde.. galing mo na talaga.. hehe

McRICH said...

kalma, palipasin muli at timpi pa rin, minsan kasi mas lalo lang lumalala pag pumatol ka, para hindi na rin lumaki, dedmahin mo na lang brother!

Perrine Renoir said...

straight to the point :)

Sey said...

Kung sinasadya niya siguro dapat mo nang kausapin. Minsan may mga taong gawi na ang paggawa ng bagay na alam nilang ikinaiinis ng isang tao or pwede din namang wala siyang idea. The best way is kausapin mo at kapag hindi natinag, banatan na. JOKE. pag hindi natinag, ipag-pray mo na lang. Samahan ka namin sa pag-pray.

musingan said...

tama ka.. napupuno ang salok... aahhaha.. FPJ lang.... sometimes kailangan mo ring magsalita para maintindihan nila.. nangyari na yan sa akin Mond... ako parati ang sinisita.. ayun... pinagsabihan ko rin... kinalabasan... naging ok na kami.. ehehehhe

Toyota Parts said...

I have been working now for over 20 years in a professional office job. I have worked in a variety of professional jobs in a number of different companies. Only one thing is true at all jobs: I have never had constantly enough work to keep me busy all day.

top commentators

Get this widget

Yiruma