Wednesday, November 30, 2011

Panawagan

Sa mga taong totoong nagmamahal :
Kung ang inyong minamahal ay may ginagawang alam niyong makakasira sa kanyang buhay aba eh gumawa ka naman hakbang na mapigilan ito sa ngalan ng pagibig. Palawakin mo naman ang pwedi mong gawin.

Maghurementado ka!

Huwag naman manood lang na pinapatay ang kanyang sarili ng harap-harapan lang.

Enough para sa mga linyang ito!

"Doon siya masaya kaya suportahan"

Dahil alam mong pwedi.Sa iyo umiikot ang buhay niya bahagi ka nito  sa ayaw at gusto mo.

Kagabi.Dumating si roomate.Ang record holder sa paghithit ng sigarilyo.Di siya umuwi ng isang  gabi at wala kaming ka malay malay nag colapsed pala sa trabaho niya at isinugod sa hospital.
Hindi ko na ekwekwento ang kanyang pisikal na kalagayan kasi sobra na ito.

Tahimik lang ako at nakikiramdam.
Alam niyo ng di ako natutuwa. Ikaw ba naman ang nagkwekwentong naisugod sa hospital at kalalabasa lang pero  humihit hit ng sigarilyo at nandadamay pa ng iba. Come on!

Naiiyak ako sa sama ng loob.
Hindi natin hawak ang buhay natin alam ko pero ang tumigil paminsan minsan sa isang bagay na kinakailangan ay hindi pagpapakita ng kahinaan.

You dont have to prove you are ok. Kasi
HINDI
HINDI at
HINDI
May mga taong nasasaktan sa ginagawa mo.

Photobucket

12 comments:

Rence said...

Mapalad siya for having someone like you care enough

Unknown said...

Tama po kayo dyan, ang bigat sa loob na makita ang isang tao na alam mo naman na hindi siya ok e' patuloy siyang nagpapaka-ok.

kiko said...

tsk tsk tsk, God Bless this man!

Anonymous said...

kawawa naman un, pero bakit naninigarilyo pa rin.. lamo bang pinaka number 1 cause ng smoking ay heart attack.. sana ok na siya.

touch na naman ako s background song mo..:( depressed ako ngyn.. nagpapasaya lng sa post, para di halata.. hahaha!

Bino said...

ganyan talaga ang life

Lady Fishbone said...

may mga taong sadyang mga ganayan,pinipilt maging ok kahit hindi..... tsk...

sana maging ok siya...

eMPi said...

saka yan hihinto pag lumala na.... ganun naman talaga.

Anonymous said...

Minsan kasi, ang mga tao.. wala nang pakialam. Kesa masita pa sila na pakialamero, tumatahimik na lang sila. Which I think is NOT okay.

Kung kaibigan mo ang tao, may karapatan kang magbigay ng advice> madalas kasi, pag may ginagawa tayo, isip natin tama lahat. Tayo na ang tama.. pero kelangan din ng opinyon ng ibang tao para maipasok sa kukute mo na mali tayo..

naku. napahaba na. Godbless na lang po..

Unknown said...

Yung best friend ko din nag pass out sa MRT mag- isa lang sya. nag text sya naman nung nasa hospital sya. inaabuso din ang katawan. actually guilty din ako dya sa pang aabuso ng katawan sa maraming bagay. kung minsan talaga nakakalimot na alagaan katawan. hehe..

Arvin U. de la Peña said...

mahirap iwasan ang pagsigarilyo lalo na kung talagang nasanay na talaga na bawat araw nakakailang stick....sa pagsigarilyo ay narerelax kasi ang isang tao.....

Anonymous said...

gabayan mo siya lagE kua.

isa kang mabuting tao at kaibigan

Leo said...

Sarap batukan. Pero minsan nalagay na rin ako sa sitwasyong "in-denial" sa mga suliranin ko sa buhay. What I just need to snap back is to see that there are people counting on me. I think your room mate just need to realize that.

top commentators

Get this widget

Yiruma