Saturday, November 12, 2011

Flamingos Encounter in Musafah Abu Dhabi

Kahapon, sa Taxi along the way  sa Al Jaber camp roundabout sa mafraq  mga ilang gulong na lang accomodation na namin. " ang lawa ng pag-asa"(ako lang ang nag embento ng pangalan niyan) ay may mga bagong panauhin di ko alam kong saan nangaling.Bago sila sa aking paningin.


Gregaroius Wading Birds - Ganyan ang mga Flamingos kung papaano e- describe.
Tending to associate with others of one's kind. Seeking and enjoying the company of others.
Ang dami nila.Nakakawala ng pagod.

Sa mga ganitong eksena Alam mo na ang nasa isip ko.

Pag dating sa camp Inihagis ang mga gamit, hinagilap ang camera sabay takbo sa labas at sakay ng taxi pabalik sa round about.

Nagtataka si roomate kung ano ang nangyayari sa akin at humahagos na parang may hinahabol na mga kaganapan.

"Talaga naman ha" yon lang ang banat niya sa akin.
May kinababaliwan.

Ang alam ko sa sarili ko ito ang gusto ko sa ngayon masaya ako.  Kabaliwan nga  at May ibang katawagan diyan.

Spell P-A-S-S-I-O-N. oo may mga ganon.Passion fruit.hahhahahah.Nag justify sa kabaliwan.Pagbigyan na sa hilig.

TAMA NA ANG SATSAT.


Una frustrated much ako kasi ang layo ng mga ibon sa pangpang mga 200 meters yata.Ayaw pa istorbo.

Never ko pa kasing nag try  gamitin ang zoom-nikkor 70 -300 mm lens.  Ngayon kailangan kong gamitin 
What do yani.?Hinubad ang sapatos at nilusob ang lawa.

Papaano mo palalampasin ang mga ganitong pagkakataon.
Flamingos nag la loving loving. Ganon talaga sila

Pasinsiya ni ito lang ang nakayanan ko. Kailangan pang magaral ng husto.







Flamingo Migration sa Mafraq salt lake Musafah UAE. According to recent census  this gregarious wading birds has been found to be the most abundant bird species in the UAE.  

Nakakapagtaka ano.How come? kahit ako. pero ngayon hindi na. Dito kasi  inaalagaan sila kaya alam nila. Wag ng magtaka pag dating ng araw lahat ng ibon nandito na. Safe sila UAE.

Wala akong ginagawang masama.What to expect nabulabog ko ang kanilang pananahimik
flamingos flying





Pero ganun pa man wala namang nanghuli sa ginawa kong pangbubulabog. Pag pasinsiyahan na lang ang nakayanan kong picture.Better luck next time pag marunong na akong mag gamitin ang zoom lens

Napansin ko lang ang mga dumadaang labor sa lawa parang nakakita lang ng bato wala lang sa kanila ang mga flamingos. Ako lang naman ang naliunon sa mga flamingo

Parang may sarili silang santa cruzan sa mundong meron sila.
madalas ang makikita mo sa musaffah kung hindi mga crane, trailer ay cement mixer  na tulad nito
pero mga flamingos na pink,white and brown bihira lang.




Watch out up coming post...nangagaya lang.
Oh Yeah may mga ganito na ako. Para lang may assignment akong gawin.

Exploring Marina Mall
Corniche Public beach,
Abu dhabi skyline
Dubai Creek
Dubai Mall


Adios.





Photobucket

19 comments:

Roy said...

Galing ng mga pictures.
Professional photographer.

Bechay said...

Amazing photos! Keep them coming!

khantotantra said...

buti dyan, inaalagaan sila at di pinapatay.

ngayon lang me nakakita pics ng flamingo na lumilipad.

:D

JC said...

galing ng mga shots!

naliunon mananggad! Hahahaha

Unknown said...

wow sobrang swerte mo nakita mo sila.. Birds are one of my favorite creatures in the world. I think lahat ng tao my passion. Hindi nga lang lahat handang gawin ang lahat para sa passion nila. Kaya, go, go, go lang sa pag take ng pictures. they are amazing. Excited ako sa mga susunod na post.

Akoni said...

pre, hindi ako magaling na photographer pero alam ko kung alin ang maganda sa at panget na pictures...at masasabi ko, nasa magandang category itong mga kuha mo..astig pre.

bagotilyo said...

ang kyut ng mga flamingos ... 0_o


nice shost ...

Chyng said...

mahirap to, bird photography. good job sir!

Diamond R said...

@Roy, Salamat naman Pareng Roy napangiti ako sa compliment nahiya naman me ng kunti.sa word na professional at photographer.Pero type kong maging isang ganon.

Diamond R said...

@Bechay- thanks. more photos are coming soon talaga.

Diamond R said...

@Khantotantra - akala ko may review- reviewhan ka. ako din akala di sila makalipad. for a long time flamingos pala ang mga umaaligid- aligid na ibon sa lake di ko alam.

Diamond R said...

@Pepe - Naliunon talaga. di ko alam hangang kaylan pero enjoy ako sa hobby na ito.nakakawala ng pagod at inip

Diamond R said...

@Akoni - Dahil sinabi mo naniniwala ako.Ako na. wohhh.at least sulit ang pag lusong sa lawa kahit nagkasugat sugat ang paa ko sa tulis ng mga asin.
Salamat pare. Apir.

Diamond R said...

@Bagotilyo- Ganda nila super. sayang di malapitan kasi wild. nagliparan ng malapit na ako.ang layo ng mga kuha ko.Thanks for the visit.

Diamond R said...

@Chyng- Maraming salamat Chyng.yong mga photos mo saludo ako. Inspired me kung nagawa mo without formal lesson kaya rin ng iba.Kakabilib.

Superjaid said...

astig!ganda ng mga kuha. super nice. ang ganda pala ng mga flamingo.

nomadicmillionmonks said...

wow! ang galing. Gusto ko yung shot ng sapatos tsaka yung pag ka-pano nung shots.

Tsaka yung background yung factory tsaka mga construction worker. galing!

Unknown said...

nice shots! - at talagang may long lens ka na rin! swak yun talaga for wildlife photography. Ngayon ko lang nalaman na may flamingos sa UAE - i thought ang pinaka sikat lang na ibon sa arab countries eh mga falcons (hobby rin kasi ng mga ibang arabs yung falconry?) nice! - fave shots ko yung #13 and #14. Sipagan mo pag post hahaha kahit madugo. Nag hahanap ako ng email mo kung saan kita pwede i-mail para sa mga photography tips/ideas. ^^

Psyche said...

Mel!
wow ako ng wow sa mga flamingos, tapos scroll-scroll down...oops! ay! meron mga concrete mixers hehe, naisip ko naku me buhos sa site bukas trabaho na naman hehe. Anywaysss Magaling ka talaga kumuha ng pics hmp! gifted child ka nga friend. nu sa tingin mo? Open tayo business dito, photo studio???

top commentators

Get this widget

Yiruma