Saturday, February 11, 2012

Sapilitang Pagibig at ang OFW

Gusto kong mamilipit sa tawa habang kinukwento sa akin ng ka roomate kong si"tatay" ang nagpainit sa kanya sa labor office dito sa AUH  ng kumuha siya ng Overseas Employement Certificate(OEC).

Hindi daw siya bibigyan ng OEC  kung di muna niya uunahing magbabayad ng Pagibig, Ganon lang ka simple ang sinabi ni madam OEC na abala sa kung ano man ang kanyang ginagawa di man lang daw siya tiningnan ng saglit.Sa madaling sabi may kasungitan.

Na highblood ang may kalusugang si tatay! Kulang na lang manigas at mawalan ng lakas.Hindi na daw siya bata para mangailangan ng Pagibig dahil kung pagibig lang ang paguusapan marami na siya nito. - Ayan tuloy.

At kaylan pa kasi naging sapilitan ang Pagibig  na yan na dati namang hindi!


Mandatory na daw kasi ngayon ito. Bago ka makakuha ng OEC kailangan may maipakita kang official receipt  na nagbayad ka ng Pagibig funds.

Magkatapat lang ang table ni Madam OEC at Madam Pagibig  kaya nguso lang ang kailangan para magabayan ka sa tamang pupuntahan ayon kay tatay.

Ang galing diba? Sure ball nga naman ang pagibig funds ni madam wala kang kawala.Yan ang tinatawag na coordination o teamwork in action.



Ganon pa man masaya naman na ngayon si tatay.Naitanong ko lang minsan kung kumusta na ang kanyang mga pag ibig. Pupuntahan niya raw si madam OEC para batiin sa araw ng mga puso at matanong ang lagay ng pagibig funds ng makapag housing loan rin.

Kung OFW malamang ganito rin ang mga kaganapan sa inyo.Masaya diba?
Photobucket

11 comments:

Axl Powerhouse Network said...

whaha ang kulit.....

Lady_Blue said...
This comment has been removed by the author.
Akoni said...

Hindi masaya...hahaha..another kupit na naman ng goberno sa atin mga OFW...hehehe.

kiko said...

naku, grabe na ito, kung sa Pinas ka naman kukuha ng OEC mandatory naman ang Philhealth 2,400 Pesos tsk tsk tsk

Anonymous said...

pahirap yang OEC na yan!

Superjaid said...

nakwento nga sa akin to ni papa. di ko lang natanong kung magkano.

Ishmael F. Ahab said...

Ha ha...akala ko naman kung anong Pag-ibig ito at naging sapilitan. Ayn pala yung pagbabayad sa Pag-Ibig Fund 'yung pinag-uusapan dito.

Haay naku...kapag gobyerno ang naningil talagang walakang kawala. Nakakainis na din eh.

spiky said...

advance happy V-day. :)

musingan said...

musta sa iyo mond at kay tatay... walang hindi nakukuha sa maayos na usapan.. pero kung ako yung ginanon ng babaeng yun.. nakuh... tatalakan ko siya....

McRICH said...

kalma hehe, pakisabi ke tatay :) wala tayong choice talaga, yaan na lang natin, hope magamit talaga natin ang mandatory ek-ek na yan in the future!

Leo said...

Hanggang ngayon, di ko magets ang silbi ng OEC na yan. Diba kailangan yan kung uuwi ka ng Pinas at para makabalik ka, dapat may OEC ka? Hanep na pangungurakot talaga.

Gusto ko rin maging OFW, pero magpapakaimmigrant ako for sure.

top commentators

Get this widget

Yiruma