Di na ako magpapaligoy ligoy pa alam niyo na ang kung ano ito kasi madami-dami na ang nababasa ko tungkol dito kaya pagbigyan na.
Nakakatuwa magbasa ng mga ganito pag follower ka ng gumagawa. Nakikilala mo ang blogger kahit sa mga ganito lang.Kalokohan or kaseryosohan pero tungkol sa kanya diba ayos yon.
kung ayaw mo naman ng mga ganito tumbling ka na 'wag kasanang matisod.
Salamat kay Jhengpot at kay AL sa pag tag sa akin.
Kailangang kung sumunod sa sumpang utos na dala nito kaya ito na.
11 random things about me
1.Mukhang mabait pero may katarantaduhan tinatago sa loob.May takot sa diyos.
2.Boring akong kasama pag madami.Ibang usapan na pag tayong dalawa lang kasi ramdam mong mahalaga ka sa akin.
3.Hindi ako tumitingin ng mata sa mata laging lampas lang sa public places para suplado ang dating(naks)
4.Maaga akong natuto ng mga kalokohan sa buhay.Sigarilyo noong lima, bayolente at nagkulong ng pinsan sa loob ng kwarto sa edad na 6.Nananaksak ng lapis noong grade 1, nag padugo ng ulo noong grade 2.
5.Palihim na naglalagay ng bulalak sa altar ni Papa Jesus tuwing hapon pag wala ng tao sa simbahan ng walang nakakaalam.
6.Pinakulong sa salang pagnanakaw ng sariling ama dahil sa kanyang mga patubuing niyog
7 Batang cubao sa edad ng 15 at kumikita sa edad na 17.
8 Tinalikuran ang mundo at sumunod kay Kristo sa edad ng 20 at nag misyon ng 10 taon
9.Nakapatapos ng kolihiyo sa sariling sikap na maligaya.
10.Nanalo ng lawsuit noong 2003 sa pangaabuso ng kanyang amo (sa larangan ng labour law naman)
11.Pinagtratrabahoang maging milyonaryo in pesos kahit sa pananalapi lang sa lalong madalaing panahon.
ang lufeet nito bahala na kayo kung maniniwala kayo sa mga katarantaduhan ko.
Hangang part 2 lang ako kasi di ko na kaya.kasi dalawa ang kailangan kong sagutin.
Mga katanungan ni Jengpot.
1. Ano ang ibig sabihin ng pangalan mo?
Rommel Si ama ang may gusto nyan kinuha niya sa pangalan ng isang German Marshal noong world war 2.ang mapangahas at matapang na si Erwin Rommel na kilalang dessert fox. Gusto ni amang makita sa akin ang mga katangiang taglay nito Erwin.I reminded him of the world war 2 araw-araw.oras-oras.
Diamond - Apelyido ni nanay no need to explain.
Acre -Malaki, matikas, malapad yon parang ako at ang mga pangarap ko sa buhay.
One Acre of Diamond - Hindi pweding acre of diamond lang magagalit si Russell H.Conwell kaya dinagdagan ko ng 'One" ang title ng blog ko para maging akin ito.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng magiging presidente ng Pilipinas maliban kay Pnoy sino ito at bakit.
Pweding si Vilma star for all season o si Nora Aunor Walang himala!.Seriously Pag uwi ko ako na lang.
3.Wagas experience mo about love.
Wala kasi hindi pa siya wagas na wagas kunti na lang wagas na.
4.Anong kulay ng puso mo ngayon seryoso?
Dark RED.bakit mo natanong ito at seryosong seryoso ka talaga sa kulay?
5.Sa anong bagay mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?
Ice cream in cone.
6.Sinong karass mo maliban sa akin?
Si mommy razz.
7.Kung papalitan mo ang pangalan mo ano ito?
Gwapo Ilovyou masarap pakingan pag tinatawag ka.
8.Anong ginagawa mo pag malungkot ka?
Naghahanap ng kasama para madamay. Nagdadasal
9.Ano ang gagawin mo pag nakita mo ang kasabay mo sa dyip na may nakalabas na kulangot sa ilong?
Kuya/Ate, sabay turo may dumi ka yata sa ilong.
10.Gaano ka kasarap mag mahal (wagas na wagas)
Premium, masarap dilaan. Slurrf.
11.Ano ang gusto mo itanong sa iyo ng mga tao.
Kaylan ang ipapalabas ang susunod mong pelikula idol.
Ang mga katanungan ni Al Diwallay
1.What is your favorite and hated food and why?
Favorite: chicken Inasal kahit araw-araw na di ako magsasawa.kaya panalo sa akin ang mang inasal. Bakit: basta masarap sa akin ang dumaan sa apoy at may mga sunog-sunog.
Hated: kahit anong atay.nakakasuka ang lasa niya.
2.If you were to sing in front of many people what song would you sing and why?
This is the moment. Kasi moment ko yon para ramdam na ramdam
3.(Fill in the blank) If I could _____ just, and why?
If I could just read minds.. may pagkatorpe kasi ako minsan.
4.Except from the one you truly love is there's somebody that makes you feel special?
Yep marami.
5.(Fill the blank again)This 2012 I promise i will____and will not___ and why?
Dumudugo ang ilong ko sa mga tanong mo Al.
This 2012 I promise I will share more of my blessing and will not forget how blessed I am.
why? this is a second life, a second chance. Hindi lahat nabubuhay sa isang tragic accident.
6.3 things you regret you did in 2011.
1.Bumili ako ng LG Laptop kaagad instead of Macbook.
2.Invest on a business na di inaral ng husto.
3.Basta- basta nagtiwala sa pagpapahiram sa di masyadong kilala.
7.3 things you regret of not doing in 2011?
1.travel
2.love.
3.and have fun more.
8 If you could make things right what would it be? why?
Hindi hinayaang walang ginawa ang management sa complain namin regarding our driver 2 days bago nangyari ang aksidente.
9.In your own words.. why do you think GOD HAS CREATED YOU?
Kung hindi ako ginawa ng diyos, walang one acre of diamond na sumasagot sa mga tanong mo ngayon.Milya-milya man ang pagkakalayo masaya na nakilala ka kahit sa paraang ito.Nagiisa lang me.
10.What is love for you.
Nabubuhay ako dahil lang sa pag-ibig wala ng iba.
11.If given a chance to talk to your ex(s) what you would say to them?and why.
seryoso ito.malay mo mabasa.
Ex1-Z.. Madalas kong e type ang pangalan mo sa facebook para hanapin ka at magbakasakaling lumabas ang pangalan mo tagal mong tumago paramdam ka naman?
Hangang dito na lang ako.at di ko na kinaya ang iba.11:16 PM sabi ng clock ko.
wagas na wagas ito.
14 comments:
parang rebelasyon lang e no. hehe
Gwapo Ilovyou, ang galing ng mga sagot mo. Sana magpa-blood transfusion ka muna at ituloy ang tasks na gumawa ng questions at mag tag ng 11 ulit. Mukhang exciting ang mabubuo mong mga katanungan. Sa pagbasa ng 11 na bagay tungkol sa iyo, pakiramdam ko close na close na tayo ng 5 per cent. Mukhang exciting yung mga pinagdaanan mo. =)
ang daming kalokohan nung bata ka pa pero okay lang bumawi ka naman sa #5. Grabe ang dami mong napagdaanan sa buhay, nung time na nasa Cubao ka, ako hindi pa pinapa-byahe ng mag-isa. hehehe. Ikaw na talaga ang malufeet. Sabi nga aking Ina, lahat daw ng pinagdadaanan natin sa buhay lahat yun ang magpapatatag sa atin.
-Gusto mo ding maging president, hala laban kayo ni Al.-
-natawa ako sa wagas na love, may konti pa, di mo pa tinodo.
-Chicken? magkakasundo tayo jan.
-natwa ako sa message sa ex eh.
dami ko'ng nalaman tungkol sa iyo hehehe
sa mga random things:
panalo ang no.2
natakot ako sa no.4!
napangiti sa 5
the rest, napakalalim ng mga random things! salamat at ibinahagi mo toh samin. saludo ako sa mga napagdaanan at achievements mo!
dami kong tawa sa sagot mo sa pang no.10 kong tanong!!! lols
aww. so sad sa no.8 na answer(kuya al).
salamats sayo kuya rommel! you're so wagas!!! lel
Medyo naging challenging pala ang kabataan mo ah. Buti nakabawi ka at nakarating sa kung nasaan ka man ngayon...
Naaliw ako a mga sagot mo and natawa ng bongga.
Kung minsan sa sobrang seryoso ng mga post mo namumuo sa isip mo ang imahe na mahihin and oft spoken na lalaki. Pero hindi bakla ah? pero yung tipong mabait lang. Kaya di ko maimagine nanaksak ka ng lapis. Anu beh?
pero lahat talaga dumadaan sa kalokohan. excited na din ako sagutin ang questions ni al. Mukang madugo nga lang. :)
Pag may milyon ka na, libre mo kami ah? :)
Ang lakas pala ng pangalan mo, pang WAR!!
wagas ka... natawa ako sa nag-iisa lang me.. ok siya.. maya na ako magcomment ng matino.. nasa office ako now.... may project na tinatapos... yahoooo.....
@Kol me Empi - Oo nga eh kasi hinihingi.
@Rence - Meron kayang makaisip ng ganong pangalan?nose bleed ako sa mga tanong ni Al.pero kailangan gawin on the spot.napaka haba ng Rence para dagdagan pa. Close na tayo isagad na yan.Marami pang mas exciting pero parang di bagay sa blog kong ito ibahagi.
@Sey-Mas maaga ako natuto ng mga kalokohan sa buhay kaya maaga din grumaduate.totoo nga ito ang magpapatibay sayo bilang tao kaya masarap siya ibahagi.Mas exciting nga ang kabataan ko kaysa sa ngayon mas makulay at mas masaya.Seryoso na kasi ako ngayon.Apir sa manok.
@Bino-Ako marami ng alam sayo.maganda rin ang mga ganito paminsan minsan kasi di sinasadyang naibabahagi mo ang mga ganitogn bagay tungkol sayo.
@Jhengpot- natakot ka talaga sa no 4.at least bata pa ang gumawa kaya ng lumaki na may lesson na sa buhay kaya di niya na gagawin.
Pero masaya ako pag naaalala ko ang mga kalookohan kong pinagagawa noong bata marami kasi talaga.tahimik akong makulit.
parang batang sinapian ng nagaamok laging naghahanap ng sakit sa katawan.magawan ng mga post ito.
@Glentot-mas maganda yatang maagang matuto na sa kalokohan kesa pag may edad na saka nagloloko.Salamat sa diyos at nakabawi naman at bumabawi pa.
@Mayen-Extreme talaga ako mayen. kung di sobrang mainit sobrang lamig naman.kaya inaaral ko pang mabuti kung papaano maging balanse lang.Ganon pa man napapansin ko rin sa mga post ko masayadong seryoso kaya kailangan magkalat minsan. Kaya gustong gusto ko ang mga blog na makulit at may kabastusan pero matino ang may ari.pwedi naman yon.
@akoni- natakot yata si papang sa resulta ng gusto niyang mangyari sa akin dahil kakaiba ang mga kalokohang pinagagawa ko noong bata pa ako parang nasapian ng world war 2 veterans.Bagamat di ko na alam ang kung ano ang ginawa niya nagbago naman ang takbo ng buhay ko paglipas ng mga taon.Pero parang gusto kong balikan paminsan minsan
@Musingan - Sigi hintayin ko ang wagas-na wagas mong mga komento.
dahil pinadugo mo ang ilong ko at napuyat sa pagsagot nito.tama ka napindot ko nga ang publish imbes na preview.
@Lady blue- Safe na safe ako sayo mommy kaya ikaw talaga ang karass ko.maliban na lang kong may violent reaction ka.
astg ang pangalan mo.. at may pinaghugutan.. ahahaha.. yahooo ka at si amang..
nakulung dahil sa salang pagnanakaw. nablog mo na ito. at nabasa ko na...
hindi bakla.. yung tipong mahinhin lag.. - mayen... natawa akos a kumento ni mayen.. Uu nga.. parang hindi ako makapaniwalang ang isang hegante ay isang mabait na halimaw pala...
chicken inasal.. fave ko rin yan... ahahaha...
travel love and have more fun.. yes... tama.. yan talaga ang gusto ko gawin na di ko nagawa last year... pero alisin lang natin ang love.. huwag muna ngayon... ahahahah...
message to ex.. tawang tawa ako sa iyong sagot... as in nagbabakasakali talaga hah.. ahahahha
@Musingan- Pag binabasa ko ang pangalan mo parang machine gun. Mukhang naging busy ka nitong mga nakaraang araw at ngayon mo ka lang nakapag post ng comment sa kautusang ito. Dahil yong message sa X ay may (s) pweding padami sana kaya lang baka magkagulo na.
mag update ka na ng post mo al tama na yang busy-busyhan pangit yan.
ok, now I learned a lot from you.
Post a Comment