Showing posts with label About me. Show all posts
Showing posts with label About me. Show all posts

Sunday, February 19, 2012

11 kautusan

Di na ako magpapaligoy ligoy pa alam niyo na ang kung ano ito kasi madami-dami na ang nababasa ko tungkol dito kaya pagbigyan na.

Nakakatuwa magbasa ng mga ganito pag follower ka ng gumagawa. Nakikilala mo ang blogger kahit sa mga ganito lang.Kalokohan or kaseryosohan pero tungkol sa kanya diba ayos yon.

kung ayaw mo naman ng mga ganito tumbling ka na 'wag kasanang matisod.

Salamat kay Jhengpot at kay AL sa pag tag sa akin.

Kailangang kung sumunod sa sumpang utos na dala nito kaya ito na.

11 random things about me

1.Mukhang mabait pero may katarantaduhan tinatago sa loob.May takot sa diyos.
2.Boring akong kasama pag madami.Ibang usapan na pag tayong dalawa lang kasi ramdam mong mahalaga ka sa akin.
3.Hindi ako tumitingin ng mata sa mata laging lampas lang sa public places para suplado ang dating(naks)
4.Maaga akong natuto ng mga kalokohan sa buhay.Sigarilyo noong lima, bayolente at nagkulong ng pinsan sa loob ng kwarto sa edad na 6.Nananaksak ng lapis noong grade 1, nag padugo ng ulo noong grade 2.
5.Palihim na naglalagay ng bulalak sa altar ni Papa Jesus tuwing hapon pag wala ng tao sa simbahan ng walang nakakaalam.
6.Pinakulong sa salang pagnanakaw ng sariling ama dahil sa kanyang mga patubuing niyog
7 Batang cubao sa edad ng 15 at kumikita sa edad na 17.
8 Tinalikuran ang mundo at sumunod kay Kristo sa edad ng 20 at nag misyon ng 10 taon
9.Nakapatapos ng kolihiyo sa sariling sikap na maligaya.
10.Nanalo ng lawsuit noong 2003 sa pangaabuso ng kanyang amo (sa larangan ng labour law naman)
11.Pinagtratrabahoang maging milyonaryo in pesos kahit sa pananalapi  lang sa lalong madalaing panahon.

ang lufeet nito bahala na kayo kung maniniwala kayo sa mga katarantaduhan ko.

Hangang part 2 lang ako kasi di ko na kaya.kasi dalawa ang kailangan kong sagutin.

Mga katanungan ni Jengpot.

1. Ano ang ibig sabihin ng pangalan mo?

Rommel Si ama ang may gusto nyan kinuha niya sa pangalan ng isang German Marshal noong world war 2.ang mapangahas at matapang na si Erwin Rommel na kilalang dessert fox. Gusto ni amang makita sa akin ang mga katangiang taglay nito Erwin.I reminded him of the world war 2 araw-araw.oras-oras.

Diamond - Apelyido ni nanay no need to explain.

Acre -Malaki, matikas, malapad  yon parang ako at ang mga pangarap ko sa buhay.

One Acre of Diamond - Hindi pweding acre of diamond lang magagalit si Russell H.Conwell kaya dinagdagan ko ng 'One" ang title ng blog ko para maging akin ito.

2. Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng magiging presidente ng Pilipinas maliban kay Pnoy sino ito at bakit.

Pweding si Vilma star for all season o si Nora Aunor Walang himala!.Seriously Pag uwi ko ako na lang.

3.Wagas experience mo about love.

Wala kasi hindi pa siya wagas na wagas kunti na lang wagas na.

4.Anong kulay ng puso mo ngayon seryoso?

Dark RED.bakit mo natanong ito at seryosong seryoso ka talaga sa kulay?

5.Sa anong bagay mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?

Ice cream in cone.

6.Sinong karass mo maliban sa akin?

Si mommy razz.

7.Kung papalitan mo ang pangalan mo ano ito?

Gwapo Ilovyou masarap pakingan pag tinatawag ka.

8.Anong ginagawa mo pag malungkot ka?
 Naghahanap ng kasama para madamay. Nagdadasal

9.Ano ang gagawin mo pag nakita mo ang kasabay mo sa dyip na may nakalabas na kulangot sa ilong?

Kuya/Ate, sabay turo may dumi ka yata sa ilong.

10.Gaano ka kasarap mag mahal (wagas na wagas)

Premium, masarap dilaan. Slurrf.

11.Ano ang gusto mo itanong sa iyo ng mga tao.

Kaylan ang ipapalabas ang susunod mong pelikula idol.


 Ang mga katanungan ni Al Diwallay

1.What is your favorite and hated food and why?

Favorite: chicken Inasal kahit araw-araw na di ako magsasawa.kaya panalo sa akin ang mang inasal. Bakit: basta masarap sa akin ang dumaan sa apoy at may mga sunog-sunog.
Hated: kahit anong atay.nakakasuka ang lasa niya.

2.If you were to sing in front of many people what song would you sing and why?
This is the moment. Kasi moment ko yon para ramdam na ramdam

3.(Fill in the blank) If I could _____ just, and why?

If I could just read minds.. may pagkatorpe kasi ako minsan.

4.Except from the one you truly love is there's somebody that makes you feel special?

Yep marami.

5.(Fill the blank again)This 2012 I promise i will____and will not___ and why?
Dumudugo ang ilong ko sa mga tanong mo Al.

This 2012 I promise I will share more of my blessing and will not forget how blessed I am.
why? this is a second life, a second chance. Hindi lahat nabubuhay sa isang tragic accident.


6.3 things you regret you did in 2011.
1.Bumili ako ng LG Laptop kaagad instead of Macbook.
2.Invest on a business na di inaral ng husto.
3.Basta- basta nagtiwala sa pagpapahiram sa di masyadong kilala.

7.3 things you regret of not doing in 2011?
1.travel
2.love.
3.and have fun more.

8 If you could make things right what would it be? why?

Hindi hinayaang walang ginawa ang management sa complain namin regarding our driver 2 days bago nangyari ang aksidente.

9.In your own words.. why do you think GOD HAS CREATED YOU?

Kung hindi ako ginawa ng diyos, walang one acre of diamond na sumasagot sa mga tanong mo ngayon.Milya-milya man ang pagkakalayo masaya na nakilala ka kahit sa paraang ito.Nagiisa lang me.

10.What is love for you.

Nabubuhay ako dahil lang sa pag-ibig wala ng iba.

11.If given a chance to talk to your ex(s) what you would say to them?and why.

seryoso ito.malay mo mabasa.

Ex1-Z.. Madalas kong e type ang pangalan mo sa facebook para hanapin ka at magbakasakaling lumabas ang pangalan mo tagal mong tumago paramdam ka naman?


Hangang dito na lang ako.at di ko na kinaya ang iba.11:16 PM sabi ng clock ko.
wagas na wagas ito.






Photobucket

Thursday, July 7, 2011

Day 7- A Picture of the Background that is on your Laptop/Desktop

"The heart is what makes a person beautiful give yourselves a lots of hugs and love more than anyone else ever can" - Galing sa  isang kaibigan.
Nakadikit pa rin yan sa tapat ng lamesa hangang ngayon. Powerful affirmation.

Tayong tao  lamang ang nagbibigay ng kung ano ang maganda at pangit sa ating paningin kaya magandang sa atin mismo nagmumula ang kung ano ang gusto natin.

At umpisahan mo ito sa iyong sarili.

Oo nga naman dapat di lang ang nanay mo ang patay na patay sa kagwapuhan mo dapat magumpisa ito sa iyong sarili   and the world will follow ika nga ng law of attraction. Seryoso ako dito. 

Sabi nga ni Bulakbolero.Sg "Gwapo mayabang at gwapo ulit". Pahiram bulakbol ng iyong di matawarang  mantra. Kahit nakasanayan nating mga kalokohan ito may kakaiba itong naibibigay sa atin.

At dahil diyan kinasangkapan at kakutsaba ko ang aking personal laptop sa kabaliwang ito.Magiisang taon na. Pag nagkaroon nga ako maraming pera bill board sa EDSA naman ang ipapagawa ko.

to share with you an old post matagal na ito tumbling ka dito. Bakit naging ganito ang aking desktop background. Make pindot me now.
POWERFULL AFFIRMATION in video panoorin niyo magbabago ang iyong paniniwala sa iyong sarili. malamang gagawin niyo rin ang mga ganito.

Ito ang aking deskstop

Personal laptop  background
Di ko masyadong pinagiisipan ang background sa deskstop  basta di masakit sa mata ok na yan.
Dahil wala akong Microsoft office sa aking Laffy  si  sticky notes laging naka standby sa deskstop. Diyan kasi ako  nagta type at copy paste na lang deretso sa dashboard. Pero kong meron may alam papaano magkaroon ng libre lang na Microsoft office Help me please nanghihinayang naman ako sa aking salape para lang dito.

Pag kailangan magpahinga ng modelo dahil may iba itong pinagkakaabalahant ito ang pumapalit.

Walang kahirap hirap ang Day 7
Oh Yeah. Wag kayong mauumay.Tayo- tayo lang naman.
Photobucket

Saturday, May 28, 2011

Trip lang: ako na lang at ako

Nahalata ko puro tulog ang ginawa ko maghapon.Kayat naisipan kong lumuwas ng Abudhabi.
Dumaan muna ako sa Mzayad Mall  para pakiusapan si mamang security guard na kodakan ako.

Galing kumuha. Parang ginulat lang ako. Sandali lang Manong titingin ako at ngingiti ok?

Siya pa itong nag sorry, Ang kapal ko. Kung ok na daw ito.



 Ito talaga ang sadya ko. Para bumili nito. Fruit extractor.

  Nainganyo  na si mamang gwardiya Isa pa raw. Naks.


Abu dhabi at night walang kwenta .Nakakaumay na.Puro ako, ako na lang at ako.


Gawa -gawa ko lang yan pentel pen.


Alas dose na ako nakauwi. Sa taxi naalala kong bigla ang bisita naming mga pusa sa campo.Kung kayat pinakiusapan ko si mamang driver kong pweding dumaan ng gasoline station para makabili ng food ng mga kuting kahit sana sardines pero wala.
No choice  ako. Kapit sa patalim.  Nangalkal ako ng  food sa basurahan ng mga bengali at Pakistani nag hanap ng mga tira -titra  ng manok  sa awa ng diyos meron naman akong nakita malaman pang kalahating petso ng manok at ulo ng isda.

Ayos na ito. di naman nila alam.

Naghihintay na nga mga pobring bisita.

Photobucket

Friday, April 29, 2011

7 facts about me: Relative ko C.Edward

Utang ko kay Mayen.

at kasabay sa pag lakas ng loob to grab this award ang pabibigay ng 7 facts about your self.Pero makwento ito. just pick up what you think is facts. and ignore what is not.

Para lang sa mga close ko na kung di naman skip read ka na lang at basahin ang no.7 seven proof that may lahi akong tulad ni Edward Cullens.

Seven Facts about me.

1.CERTIFIED FD. technologist po ang inyong abang lingkod("luto-luto lang yan" sabi ng kapitbahay namin. Ang sabi naman ng kapatid ko ng malaman niya ang kinuha ko "ang bantot naman ng Kurso mo, ano ba yan?". Nag college pa daw ako.Bakit daw di Doctor or Engineer.

Fd Servesafe certified by the international Restaurant association- A Canada base Org. Kaya safe ka if you hire me.wala lang nabangit ko lang. Yong Kheneda kasi maganda pakingan at with a slang sound.Baka mag iba ang tingin mo sa Kurso ko di tulad ng iba diyan mabantot daw.Kung alam niyo lang ang mga nagagawa namin.

2. IN FAIRNESS may mga pinayamang ordinaryong businessman na ako mga dati kong mga naging amo.kung di lang masamang bangitin ang kanilang mga pangalan dito. Yong isa sound like musingan yes,ka sound name mo Al. Ka badmenton lang sangang-dikit pero ng natabunan ng pera nag kaamnesiya na. di niya na ako kilala ngayon. pero yong mga prudokto niyang nasa local and international market na ngayon ako ang gumawa kumikita pa at ang mga pruduktong galing sa aking mga talento pumapalo pa sa mga resto niya. Woh. thats enough, ang yabang mo na mahirap ng mahumble. Pero ang totoo i have all the original formula in my pocket of what you have.kung sino ang interesado just let mo know wohh.

2.NOONG KABATAAN ko wala akong ibang ginusto kundi mahawakan ang lahat ng posisyong pwede para sa aking line of work,RND,QA,Prodn,Purch,Warehouse, at gustong- gusto ko yong may nakadikit ng Mgr sa mga title na yan and ako dapat ang head. Ewan ko ba kong bakit ganon kahit di mo na ako sahuran basta ibigay mo sa akin ang posisyong yan.I'm just fine. kaya sa mga harmless na kahilingan binibigay nila.Pagkakasawaan mo rin pala ito at in the end pera lang ang mas mahalaga sayo kunyari ka pa.May kokontra?

3.NAG PAKA OFW SA IBANG BANSA dahil sa bad experience sa local jobs sa isang business partner na tawagin nating "Divination Experience" after na ito ng "Musingan experience" meron pang mga law suit yan at syempre ako ang panalo.
(kailangan magpakalayo layo ng makalimot) ka churchmate pa naman ng masetup na ang lahat iba na ang mga nangyari,ang pera nga naman root of all evils talaga. yes it happened in the world.Pag ikaw ang walang pera at talent lang ang alam mo.(oo meron ako niyan promise).Pero wag magdamdam mas magandang ikaw ang nagbigay. Maging maingat in dealing with this kind of people. Marami kasi sila diyan pakalat kalat lang.

4.GM (GAWING MADALI) next to owner ang aking ranking power(saan ka pa)Yan una kong work dito sa UAE Sa Sharja at Food industry ito(tamang linya).Gastos ng amo ko lahat ang pagparito ko ni isang kusing wala akong ginastos.kung di ko magugustuhan pwede akong lumipat ng ibang company na gugustuhin ko na walang babayaran sa mga ginastus nya.We are friends again.
Military tactic ang style ni amo kasi dating sundalo si boss yong tipong kalampag niya lang sa gate pag pasok niya ang mga workers parang sinisilaban na ang mga puwet sa takot- in short di ko siya nagustuhan ang tingin ko sa kanya hindi yong business niya ang kailangan ng tulong kundi mismong siya.(pag may time ako kwento ko na lang mga pangyayari tungkol dito kasi masaya ang bahaging ito ng aking buhay )

5.PARA MADALING makawala sa warzone- lumapit ako sa Subway Para maging sandwich Architect sa Abudhabi natangap naman kaagad kayat wala ng magagawa si Major general.Kundi ang hayaan akong makalaya pagkataos ng anim na buwan.Take note ang 6 na buwan na yan mga tatlong beses akong nagpabalik balik sa Kish Island to change visa. Kasi nga ayokong magparesidence sa kanya( Kwento ko rin ang mga kwento ng exit pag may time ako sa mga susunod na post)

5.DITO KO NALAMAN na ang food industry sa UAE is not a lucrative career compares to construction kung kayat I decide to change line na sana or go somewhere else.Di rin ako nag pa residence visa sa Subway pero this time ako ang nagbayad sa ginastos niya dahil ayaw sa aking ibalik ang mga papers ko, Yong IRAQ dito pumasok.At dito nag umpisa ang Construction line of work ko.Ngayon either gumawa ako ng food business empire or maging construction magnate in the near future if kung di magbago ang aking isip kasi gusto kong pasukin ang showbis o kaya porn business.madali kasi ang pera. Yon kasi ang hanap lang naman ng tao.Haizzz.

6.DI KAYO MANINIWALA. Dahil nauso ang twilight at si... ano ba ang pangalan noon. (kinuha yon book ng twilight para tingnan ang pangalan ng bidang lalaki yong vampire.--yon si EDWARD kasi nakalimutan ko na.
tulad niya -

I was born long time ago pero dahil may lahing vampire yata ako or pusa kaya di ako tumatanda physically like Edward.people might think im in the mid 20's mga hula-hula lang nila. Oo that phenomena is existing at least ngayon niyo nalaman.I have a pamangkin age 28 noong umuwi ako sabi noong katrabaho niyang babae sa kanya ng makita ako kapatid mo.alam niyang may mas bata siyang kapatid dahil dalawa lang sila.See.this facts.I look 28 younger.Ganon talaga ang mga payat.

ang arte ko naman di pa sabihin ang edad. bakit ba? you have to be mysterious sometimes. diba nga I dont' celebrate birthdays kaya wala ding kinalaman ang edad sa buhay ko.


7.PROOF that I have inner power like Edward Cullens:
1.Nasuntok na ako sa face pero tumagos lang ang kanyang kamao sa mukha ko.(watch out for this story coming soon.)1996
2.Naipit na ng dambwaiter and aking paa.2005
4.nabanga ang sasakyan 2010
5.lumipad ang buong bubungan ng opisina ng dahil sa sands storm 2007
6.Tumalon sa balong may baga.(naekwento ka na ito)
7.natabunan ng narang aparador.(dahil sa kakulitan noong bata pa)

Napansin mo pag patungkol sayo ang kwento ang ganagana mo magkwento. Ang worry ko lang nakakairita na. kaya.

that's enough.

Photobucket

top commentators

Get this widget

Yiruma