Showing posts with label pet. Show all posts
Showing posts with label pet. Show all posts

Wednesday, July 27, 2011

Day 20 - A picture of your pet(s)

Day 20- A Picture of your Pet
Kahapon sa pangalawang pagkakataon pag pasok ng kasama ko sa trabaho naapakaan niya si Sharma (ang aking pusang brown)kaya sumigaw ito.SAKLOLO ACRE!

Nag one- on- one talk kami at pinaalalahan  ang Bengali kong assistant na di ako matutuwa pag nasaktan ang alaga kong pusa or namatay dahil di siya nagiingat. Mas mabuti ng ngayon pa lang magkaintindihan na bago mahuli ang lahat.Nakatingin lang siya sa akin dahil seryoso ako sa sinasabi ko.
Si Borj,Einstein, Rob,Sharma , Samsam at si Acre


Di naman obvious na mahilig ako sa pusa at aso kasi yon ang madalas ninyong nakikita sa blog ko.  Sila lang sa mundong ito ang pag minahal mo ibabalik nila ito ng sobra sobra sayo at kahit anong mangyari di ka nila sasaktan di magrereklamo di ka mumurahin ng nakatalikod naghihintay lang sila sayo kung ano ang ibibigay mo sa kanila.

Si Sharma bago lang siya pero ang sweet niya


Photobucket

Wednesday, July 20, 2011

Day 18 - A Picture of last thing you Bought

After watching Harry Potter in 3D last Friday sa Al Mariah Grand Cinema.Di ko alam kung ano ang nangyari sa akin at bigla ko silang binili. On sales kasi 50 % off matagal ko na silang gusto noon pa kasi ang lambot ng katawan nila kakaiba sila at kung makatingin parang nangungusap at may sinasabi. At gusto ko silang padamihin kaya  binili ko male and female.. Sabi  ni Kashimiri ang mga pusa daw na ito mahiwaga.Mukha nga nagka titigan lang kami nabili ko na.

Two little "Monks the sage of Sivanas" are in the house. Adorable kaya di ko naman pinagsisihan.


Ang makulit ang madaldal na si Robin ang sabi niya marami daw siyang alam na sekreto ng mga buhay buhay ng mga monks ng Himalayas lahat yon ay ituturo niya sa akin basta wag ko lang kalilimutan ang ang kanyang mga pangangailangan niya.Alright

Prince Robin "rob"


Princes Sharma"sharm"


Break time sa office .Binabantayan ng isa ang mouse,yong isa naman ang keypad.
Based on Record Turkish Mix breed sila di ko alam kung papaano sila nakarating ng Himalayas.

Ako na ang may pet house sa trabaho.

Monday, July 11, 2011

Day 11- A picture of your favorite Animal

The Pekingese,pekines or peke (also commonly referred to as a "Lion Dog", or "Pelchie Dog" due to their resemblance to Chinese guardian lions) is an ancient breed of toy dog, originating in China. They were the favored pet of the Chinese Imperial court, and the name relates to the city of Beijing where the Forbidden City resides. 


Ninakaw kasi siya mag iisang taon na ang nakakaraan.Kahil dalawang guwardiya ang naka duty di siya napansin. Nang mawala siya parang ayoko ng mag alaga ulit ng Aso.Broken hearted ako much.
Miss you Einstein 
Borjs my cat
Samsam my Arabic Dog

Pag uwi ko sa Bicol gusto kong mag alaga ng Biik naman.Pero gagawin kong Bonsai para di lumaki(joke).Babe ang itatawag ko sa kanya.
Photobucket

Wednesday, June 22, 2011

I Got unusual love

I'm not feeling well today.
  Buhay pa yan natutulog lang
Ito ang ginawa nila sa akin pagdating ko ng office. 
Sabi ko sa inyo dumilat ang mata at ginalw ang paa. Buhay pa siya mukha lang walang malay.

Unnecessary stress.

Last night pagkatapos kong patayin si laffy at ang lampshade dahil tamang antok na gumapang ako ng swabe sa aking higaan para matulog sabay talukbong ng aking kumot bigla kong naalala mag set ng alarm. Hinagilap ko aking mobile pero hindi ko ito makita. Naiwan pala ang flaslight-alarm -mobile ko sa trabaho. Nawala ang antok ko na stress ako bigla ng grabe sa pag-alalang di magising ng tamang oras.Isang halimbawa ng unnecessary stress.Bad trip.

The torment of the lost mobile

Bangungot.Sinasabi ko na nga ba umabot hangang umaga non- stop ang dalaw ni panaginip paulit ulit nag papaalala sa aking magising sa tamang oras.
Nagising nga ako ng eksaktong oras.masakit naman ang talukap ng mata ko kinaumagahan.
Oo ,dahil lang sa alarm I'm not feeling well today at sira ang aking panunaw.May LBM ako.

Unusual love

Pagdating ko ng opisina pagkaupo ko nagulat ako sa mga alaga kung kuting for the first time naglapitan sila sa akin una nilaro ang paa ko kagat dito tumbling doon. Umakyat sa binti ko hangang balikat at diniladilaan nila ang likod ng teynga ko habang pinaparinig sa akin ang malakas nilang hinga.

Nararamdaman nila na masama ang pakiramdam ko.Nakakatuwa diba?
Parang kaylang lang TNT (tago ng tago) sila ng una kong makita ko sila sa camp dinala dito sa aking teritoryo para bigyan ng tahanan.

Totoo kaya na ang alagang hayop matalas ang pakiramdam sa mga nararamdaman ng nagaalaga sa kanila.At totoo kaya na hinihigop nilo ang negative na energy tulad ng sakit sa katawan ng amo nila.Yan ang sabi sa akin ni Papa noon maliit pa ako. ibulong ko daw sa kanila ang kahit anong nararamdam kong sakit at mawawala ito.

Nag tataka lang ako sa ginawa nila sa akin ngayon.
at naramdaman ko ang kakaibang ginhawa sa ginawa nila.

kahapon pa ito pero ngayon ko lang na e post kasi not feeling well nga. Ang dami kong napalampas na post kahapon

Photobucket

Saturday, May 28, 2011

Trip lang: ako na lang at ako

Nahalata ko puro tulog ang ginawa ko maghapon.Kayat naisipan kong lumuwas ng Abudhabi.
Dumaan muna ako sa Mzayad Mall  para pakiusapan si mamang security guard na kodakan ako.

Galing kumuha. Parang ginulat lang ako. Sandali lang Manong titingin ako at ngingiti ok?

Siya pa itong nag sorry, Ang kapal ko. Kung ok na daw ito.



 Ito talaga ang sadya ko. Para bumili nito. Fruit extractor.

  Nainganyo  na si mamang gwardiya Isa pa raw. Naks.


Abu dhabi at night walang kwenta .Nakakaumay na.Puro ako, ako na lang at ako.


Gawa -gawa ko lang yan pentel pen.


Alas dose na ako nakauwi. Sa taxi naalala kong bigla ang bisita naming mga pusa sa campo.Kung kayat pinakiusapan ko si mamang driver kong pweding dumaan ng gasoline station para makabili ng food ng mga kuting kahit sana sardines pero wala.
No choice  ako. Kapit sa patalim.  Nangalkal ako ng  food sa basurahan ng mga bengali at Pakistani nag hanap ng mga tira -titra  ng manok  sa awa ng diyos meron naman akong nakita malaman pang kalahating petso ng manok at ulo ng isda.

Ayos na ito. di naman nila alam.

Naghihintay na nga mga pobring bisita.

Photobucket

Thursday, April 28, 2011

Pinagkaabalahan

Una. Sana maintindihan ko ang sinasabi ng mga pusa kahit saan ako pumunta. Kasi I love cats. Kahapon, habang naglalakad ako sa Abu dhabi City sa likod ng Crown Plaza hotel nakita ko itong kalyeng pusang ito at sabay lumapit sa akin at humalik sa paa ko(nakita niya ang nawawala niyang ama).talagang humiga siya at pinapahid niya ang mukha niya sa aking sapatos matagal yon. Amoy pusa na kaya ako or may mensahe lang siyang di ko lang maintindihan. Nakuha niya ang puso ko instantly.

Sa camp din meron din pusang lalag madalas nadoon sa may pintuan namin.Nakunan ko na ito ng video ibabahagi ko sa inyo some other time. Ganon din ang ginagawa niya sa akin pag nakikita niya ako pinapahid niya ang mukha niya sa paa ko habang tumitihaya at gumugulong gulong. Ngayon ko lang napansin ang ugali nilang ito pero natutuwa ako sa ginagawa nila.Napagisip-isip ko.. Di kaya Pusa ako noon na naging tao.

Pero Hari ng mga Pusa(lufeet lang)

Nakuha ko na ang cheki ko for my personal insurance reinbursement kahapon kaya ako pumunta ng City para maedoposit ito sa aking banko.Ang yaman-yaman ko na ang daming zero.Salamat kay Mr. Ani of the Insurance comp. Madami na itong sisiw at biik para sa aking multi million business.At makakain na ako ng tatlong beses sa isang araw.Thanks God.
Alam niyo naman ang kwento nito diba. Pero ang masasabi ko lang maging mahinahon lang at medyo maging makulit makukuha mo rin para sayo.May mga naging problema along the way pero pinakita naman nilang pweding itama ang lahat. Good Job.
Kaya nag iba ang tingin ko sa mga paligid ko kahapon.
Tulad nito
Ang ganda pala ng halamang ito(talahib) Di ko kasi ito pansin sa aming probinsiya tumutubo lang sila sa parang.Pero dito ornamental plants sila.Parang balahibo lang ng mga pusa
madalas kong palamapasin ito pero kahapon iba ang tingin ko dito lucky me to be here.
Pinaka malaking mosque dito sa UAE pangatlo yata sa buong mundo.lagi ko lang dinadaanan
trying hard akong kunan ito sa loob ng sasakyan. Isa sa mga bridge dito sa Mussafa
Isa lang ang naalala ko dito. ang bagong blog ni Leah.
Gayan ang wordpress icon sa post niya.click here Di ko alam ang pangalan ng building na yan pero bilog siya astig diba?
Ang aking Paa-kinakatam
pagkatapos steelbrushing
Highlight ng araw ko kahapon.Pumunta ako sa isang Filipino Salon para magpalipas ng oras sa init ng araw.Gaya-gaya lang kung ano ang nakikita kong pinapagawa ng iba sabi ko gusto ko rin yan. Syempre tanong kaagad kong magkano baka mamaya ginto magulat ako.Kahit ba ang yaman yaman ko ngayon.
Dahil noong isang araw lang nakapag pagupit na ako nahiya naman akong magpagupit ulit kaya sabi ko magpapavacuum na lang ako ng mukha. Vacuum ang tawag ko kasi may ginamit siyang parang vacuum talaga ang sakit at Pagkatapos pinaso paso ng iwan ko ang tawag doon parang glass ng may ilaw sa loob. Hahiya akong sabihin na sensitive ang skin ko(oo saka ko na lang ipapaliwanag kung bakit) kasi pag katapos humapdi. Next time ayaw ko na ito.akala ko naman hihilamusan lang ako at lilinisin ang mukha ko.Ano ba naman yong ginawa ni Ate natakot akong bigla.Gusto ko lang naman marelax.
Next ,foot spa daw pero steel grinding ng ang description ko sa ginawa niya. meron siyang gamit na parang parang katam(wood planner kasi marami ako noon sa store ko.yong pang pakinis ng kahoy.
Ito ang di ko kinaya. Halos maihi ako sa kiliti ng upmpisahan niya nag mag steel brush ng aking talampakan.Oh my God. Anong nangyari sa paa ko at nag rereact ng ganon.Di ako na relax kasi sumakit ang buo kong katawan sa kakapigil dito.tinakpan ko na lang aking ulo ng towel.Tawa ng tawa si ate sa akin.
Mali ang ineexpect ko sa Foot spa. Ang alam ko yong Reflexology na nakaka relax.Hindi yong parang tinatalupan ang paa ko.
That's all folks para lang makapag update.
Umuwi akong happy feet. And take note may Diamond R signature.wohh... Thanks you for the link Sey



Photobucket

Thursday, January 27, 2011

Beautiful Words to Ponder


"Our deepest fear is not that we are inadequate.Our deepest fear is that we are powerful beyong measure.It is our light, not our darkness the most frightens us. We ask ourselves, who am I to be brilliant.gorgeous,talented,fabulous?Actually, who are you not to be? You are a child of God.You are playing small does not serve the world. There is nothing enlightened about shrinking so that other people won't feel insecure around you. We are all meant to shine,as children do.We were born to make manifest the glory of God that is within us.It'not just in some of us.It's everyone.And as we let our light shine. We unconsciouly give other people permision to the same. As we are liberated from our own fear.Our presence automatically liberates others."


- Marrianne Williamson

( A Return to love.Reflections on the priciples of a course in Miracles.



May sakit si Borjs nitong mga nakaraang araw. Nakakatuwa lang siyang pagmasdan kasi feeling niya special siyang pusa at kailangan siyang alagaan makikita mo ito sa kayang mga galaw. Akala niya seguro di siya pusa.kundi tao.

Ikaw ba ano ang pakiramdam mo sa iyong sarili.


You can't imagine what you can do if only you believe of who you are. You are greatest miracle of God. Precious in his eyes. You are not small as you think.


Let your light shines this weekend

bloggers.
















top commentators

Get this widget

Yiruma