Showing posts with label Restaurant. Show all posts
Showing posts with label Restaurant. Show all posts

Tuesday, June 28, 2011

Nakakapag Painit ng mga Sandali

Gumulong ako sa tawa mag-isa habang binabasa ko ang post ni Wickedmouth tungkol sa kakaibang karanasan niya sa isang restaurant ..Nakakapanginit ng ulo pag ikaw ang nasa sitwasyon pero masaya ang pagkakakwento niya kaya parang ok lang. Ano ba ang gagawin natin sa mga pasaway na empelayadong walang magawang katinuan sa dapat inaasahan sa kanila?

Share ko lang din nangyari sa akin kahapon.

IL Forno Restaurant .The True Italian Taste.ABudhabi Mall.

Paborito kung kainan ang restaurant na ito pag pasta ang gusto kong banatan dahil talagang panalo ang lasa. Nagliliparan ang mga mushrooms,bell pepper at kung ano pang halo sa pasta habang niluluto ito sa harapan mong counter kasabay ang nakakapaglaway na amoy ng pagkain.Kadalasan ang mga  favorite    kong kinakain dito ay nadiskubre ko lang at ankikita ditongniluluto. 

Pag upo ko sa harap naglaway ako sa order ng katabi kong baked pasta.Bago sa paningin ko Wohh nakakapanglaway ang  white creamy sauce. Sabi ko sa pinay na waitress yan ang gusto ko.

Habang niluluto ang order ko, grabe ang anticipation kong paglalaway habang binabanatan ni katabi ang baked pasta TAkam na takam na ako.

Pagkalipas ng mga 15 minutes siguro biglang lapit si kabayan sa akin nagkamali daw siya ng order na pasta  iba ang napagawa niya. 

"NO! "ang nakadilat kong sagot sa kanya.
Nababaliw na ako sa kakaisip sa nakikita kong food ng katabi ko sasabihin mong babaguhin mo ang order ko.


"Please,kasi nag abuno na ako kanina pangalawa na ito.Masarap din siya kuya at perehong pareho lang ang lasa"

Paano magkakapareho ang magkaiba ? Ang  lintek na ito paiikutin pa ako sa pagkakamali niya.

Sabay lapit ng isa pa, supervisor siguro at dalawa na silang nakikiusap sa akin paawa at nakangiti pareho.

Para matapos na ang kaguluhang ito.nahipnotismo yata ako. Napapayag ako sa gusto nilang mangyari naawa ako sa deduction nila.Lumipas na ang paglalaway ko pagkain ng katabi ko.

Ano ang mali dito?

Una wag pipilitin ang customer saluhin ang pagkakamaling ginawa mo.May allowance ang restaurant sa mga wrong orders wag itong ipapasa sa customer.Otherwise ang restaurant ang dapat magbigay ng complimentary food para sa customer kung pumayag man ito.Dahil di siya ang nagkamali.

Sa totoo lang nawalan ako ng gana sa pasta ko.Pastelang yawa.Kung hindi ko lang favorite ang resto na ito..


HOTFOOD

Pagpasok ko pa lang sa Restaurant si Indianong waiter na ma mop ng sahig.Ito ang banat niya."Umupo ka doon" utos niya sa akin ,lukot ang mukhang halatang inis kasi pumasok ako para kumain.Alam ko madudumihan ang sahig.Pero wala kang magagawa dahil may pumasok at kakain.

Sa totoo lang di ako sumunod sa sinabi niya  bagkus nnilapitan ko siya at sinermonan sa harapan ng boss niya. Sa init ng panahon sa labas at layo ng pinangalingan ko para kumain lang dito.Huwag mo akong babanatan ng ganyan bastos ka.Bisita mo ako.

Ganon pa man ito lang ang iiwanan kong tip.If you have a restaurant na lagi mong binabalikan. Wag na wag kang  gagawa ng isang bagay na makakasakit sa waiters o cook kahit anong galit mo wag mong gagawin yan kung plano mong bumalik kasi baka ibuhos ang galit sayo sa pagkain mo patay na.

Otherwise magalit ka pero  wag ng babalik.
Photobucket

top commentators

Get this widget

Yiruma