Saturday, November 12, 2011

Flamingos Encounter in Musafah Abu Dhabi

Kahapon, sa Taxi along the way  sa Al Jaber camp roundabout sa mafraq  mga ilang gulong na lang accomodation na namin. " ang lawa ng pag-asa"(ako lang ang nag embento ng pangalan niyan) ay may mga bagong panauhin di ko alam kong saan nangaling.Bago sila sa aking paningin.


Gregaroius Wading Birds - Ganyan ang mga Flamingos kung papaano e- describe.
Tending to associate with others of one's kind. Seeking and enjoying the company of others.
Ang dami nila.Nakakawala ng pagod.

Sa mga ganitong eksena Alam mo na ang nasa isip ko.

Pag dating sa camp Inihagis ang mga gamit, hinagilap ang camera sabay takbo sa labas at sakay ng taxi pabalik sa round about.

Nagtataka si roomate kung ano ang nangyayari sa akin at humahagos na parang may hinahabol na mga kaganapan.

"Talaga naman ha" yon lang ang banat niya sa akin.
May kinababaliwan.

Ang alam ko sa sarili ko ito ang gusto ko sa ngayon masaya ako.  Kabaliwan nga  at May ibang katawagan diyan.

Spell P-A-S-S-I-O-N. oo may mga ganon.Passion fruit.hahhahahah.Nag justify sa kabaliwan.Pagbigyan na sa hilig.

TAMA NA ANG SATSAT.


Una frustrated much ako kasi ang layo ng mga ibon sa pangpang mga 200 meters yata.Ayaw pa istorbo.

Never ko pa kasing nag try  gamitin ang zoom-nikkor 70 -300 mm lens.  Ngayon kailangan kong gamitin 
What do yani.?Hinubad ang sapatos at nilusob ang lawa.

Papaano mo palalampasin ang mga ganitong pagkakataon.
Flamingos nag la loving loving. Ganon talaga sila

Pasinsiya ni ito lang ang nakayanan ko. Kailangan pang magaral ng husto.







Flamingo Migration sa Mafraq salt lake Musafah UAE. According to recent census  this gregarious wading birds has been found to be the most abundant bird species in the UAE.  

Nakakapagtaka ano.How come? kahit ako. pero ngayon hindi na. Dito kasi  inaalagaan sila kaya alam nila. Wag ng magtaka pag dating ng araw lahat ng ibon nandito na. Safe sila UAE.

Wala akong ginagawang masama.What to expect nabulabog ko ang kanilang pananahimik
flamingos flying





Pero ganun pa man wala namang nanghuli sa ginawa kong pangbubulabog. Pag pasinsiyahan na lang ang nakayanan kong picture.Better luck next time pag marunong na akong mag gamitin ang zoom lens

Napansin ko lang ang mga dumadaang labor sa lawa parang nakakita lang ng bato wala lang sa kanila ang mga flamingos. Ako lang naman ang naliunon sa mga flamingo

Parang may sarili silang santa cruzan sa mundong meron sila.
madalas ang makikita mo sa musaffah kung hindi mga crane, trailer ay cement mixer  na tulad nito
pero mga flamingos na pink,white and brown bihira lang.




Watch out up coming post...nangagaya lang.
Oh Yeah may mga ganito na ako. Para lang may assignment akong gawin.

Exploring Marina Mall
Corniche Public beach,
Abu dhabi skyline
Dubai Creek
Dubai Mall


Adios.





Photobucket

Monday, November 7, 2011

One Acre on Holiday

Eid Mubarak sa mga kapatiran nating Muslim sa buong mundo.

Hayaan na nating magkwento ang mga larawan sa mga naging kaganapan sa mahaba habang week end ni Acre dito sa Abu Dhabi.

Unang araw.
Approaching Abu dhabi Metropolis from Musafah road
Il Forno Terrace (Abudhabi Mall)  overlooking Financial District under construction
 Habang hinahantay si Laser at Moksworks Relax muna habang tinitingan ang dagat sa terrace ng Il Forno.Na miss ko ang pasta at ang tanawing ito.


Lasangna Totto mari para sa amin ni Moks at Al Penne di Pollo  naman kay Laser. Sorry naman nakalimutan na picturan dahil sa humahalimuyak na sarap.Basta masarap!


Unang dumating  Laser  at sumunod naman si Moks galing pang simbahan ang mabait na bata .Ito ang una kong EB.Gusto ko sanang ipasyal si moks gamit ang helipad dahil batid ko ang lungkot sa disyerto kaya lang walang available na helicopter.

 At si Laser nakita lang  ang upuang ito tinamad ng mamasyal.
Nagpaiwan na dito.
Moks Bench Marina mall branch


Acre Marina Sea side  Etihad towers far background


Ito talaga ang hinahabol kong maabutan  from marina mall overlooking Abu dhabi skyline na may araw pa.

Nakakatamad naman mag upload ng pictures. Bukas naman yong iba.More picture click here

Photobucket

top commentators

Get this widget

Yiruma