Kung ang inyong minamahal ay may ginagawang alam niyong makakasira sa kanyang buhay aba eh gumawa ka naman hakbang na mapigilan ito sa ngalan ng pagibig. Palawakin mo naman ang pwedi mong gawin.
Maghurementado ka!
Huwag naman manood lang na pinapatay ang kanyang sarili ng harap-harapan lang.
Enough para sa mga linyang ito!
"Doon siya masaya kaya suportahan"
Dahil alam mong pwedi.Sa iyo umiikot ang buhay niya bahagi ka nito sa ayaw at gusto mo.
Kagabi.Dumating si roomate.Ang record holder sa paghithit ng sigarilyo.Di siya umuwi ng isang gabi at wala kaming ka malay malay nag colapsed pala sa trabaho niya at isinugod sa hospital.
Hindi ko na ekwekwento ang kanyang pisikal na kalagayan kasi sobra na ito.
Tahimik lang ako at nakikiramdam.
Alam niyo ng di ako natutuwa. Ikaw ba naman ang nagkwekwentong naisugod sa hospital at kalalabasa lang pero humihit hit ng sigarilyo at nandadamay pa ng iba. Come on!
Naiiyak ako sa sama ng loob.
Hindi natin hawak ang buhay natin alam ko pero ang tumigil paminsan minsan sa isang bagay na kinakailangan ay hindi pagpapakita ng kahinaan.
You dont have to prove you are ok. Kasi
HINDI
HINDI at
HINDI
May mga taong nasasaktan sa ginagawa mo.
