Showing posts with label holiday. Show all posts
Showing posts with label holiday. Show all posts

Sunday, December 11, 2011

Makulay ang Buhay sa UAE

Tabi tabi po.Sa pag papatuloy ng National day celebration. Sa dami ng picture na meron ako naghihinayang naman ako kung di ko man lang siya ma e post. kaya andito pa rin ako di maka move on.

Ito ang taxing sinakyan ko galing Musaffah sa EB namin nina IYA di ko pa alam kong sino ang mga darating. Sharing taxi yan mga kasama ko Indiano at Pakistani.Di na sana ako sasakay dahil naunahan ako ng Indiano sa harapan. Noong sinabi kong kailangan ko kasing mag shoot lumipat siya sa likod akala photographer talaga ako nag give way panalo.Nagmamadali na kasi ako
Sa photo mode.sa taxi palang ramdam na ramdam mo na ang National day Spirit of the Union.

Tumawag si Iya nasa bus station na raw siya.Sabi ko deretso na siyang marina mall doon na lang kami magkikita kita.

Sinong magaakalang pati sa UAE may EB magaganap at National day pa. thanks Moks,Mcrich and Iya_khin .Pagkatapos ng EB namin kanya -kanya na silang uwi. Ako maguumpisa pa lang makigulo  sa kasayahang magaganap hangang hating gabi.Ako na ang pinagpala sa lahat

Isa sa mga attire na nakaw pansin ang ganda ni madam
at ito pa. Naingit ako sa palong ni kuya.Flag lang sa face, cap  at  UAE scarf ang meron ako 

fountain of life  sa dagat yan mismo sumasayaw sa  saliw ng tugtog

Ito na yata nag pinakamasayang pagdiriwang ang meron ang UAE

ang lahat ng sasakyan nagiging ganito bawal ang pikon at wala namang napipikon.Snow spray lang naman yan.Pati sa mukha mo e esprayhan ka.Gusto ko yong spray kasi para ka lang may snow all over your body.Kaya ako sigi sprayhan niyo pa ako the more  the merrier.

isa sa mga activities na kinuhan ko ng picture yong isang bata diyan ang nag invite sa akin sa  event na ito pero di ko siya masayadong nakuhanan kasi tumatabliing lang siya at last performer yata sila.Ito ang  mga nauna.Thanks Parkour.
lahat ng mga sasakyan  ganito ang mga itusra simple lang ito yong iba may mga balahibo pa at flat screen.

iIa sa mga street performer na kinukuhanan ko ng photo. Parang mga beauty queen lang on stilts.Thanks Desiree balik kayo dito next year ako ulit ang photographer niyo. 

Kita kits next year.

Photobucket

Tuesday, December 6, 2011

Stiltwalkers in a Magical Appearances at UAE 40th National day Celebration

Help me to figure out  words to describe   such pretty faces on stilts.
Shining, Shimmering and splendid. Yes! magical.

Abu dhabi beaches indeed comes to life with their  captivating  mesmerizing performances during national day 40th year  spirit of the Union celebration. We love it.













Ms. Desiree of www.wrongsize.co.uk Thank you.
Photobucket

Sunday, November 27, 2011

Beautiful inside and Out of Marina Mall Abu Dhabi

 Ang dami mo pang pweding gawin pag labas mo ng Marina mall. Ang ganda ay di lang natatapos sa loob.
Taxi cab and Horse Carriage side by side
Kung may pupuntahan ka pang ibang lugar maraming nakapilang taxi pag labas mismo ng Marina mall di mo kailangan maghintay wag lang yong magpaabot ka ng hating gabi.Maayos ang mga driver dito walang over singil kaya don't worry.
Ganon din ang  Bus  Bumaba ka kahit saan  1 dh lang and experience a  world class  Bus ride in  Abu Dhabi
Eh ano naman kong sumakay ka ng kalesa de Abu dhabi exploring the Corniche,Abu dhabi palace and Heritage village.

O kaya mag avail ka ng ang Big Bus tours  para tourist na tourist ang dating.Explore the entire Abu dhabi in 24 hours

Jet ski rental for only 120 dh per hour.

Pwedi rin ito kung hanap mo ang thrill and adventure out in the sea at mabasa sa tubig.


 helicopter  tour hovering  abu dhabi skylineAt ito ang the best kong marami kang pera. ride to the max para kakaiba . Abu dhabi in the sky.


Lahat yan hangang pangarap pa lang pero abot kamay.
Only in Abu Dhabi


Ayos ang model ko kuhang kuha  ba ang emote.Moks pasinsiya na di na ako humingi ng permiso ginamit ko na ang picture mo dito Ako na  ang photographer.

End of Marina Mall Experience.
Photobucket

Gawin mo kung saan ka masaya

Kailangan pa bang ipaliwanag yan.

By the way holiday na naman dito sa UAE lumabas na ang aming memo kaya masaya ang lahat. Islamic New Hijri year has been moved to Dec 1 to be continued with the National holiday on Dec 2-3.Ang paliwanag diyan long holiday para mas mag enjoy ang mga mangagawa sa buong UAE. saan ka pa?

May bisita ako kanina ibang lahi PM at tyempong nakita niya ang tatlo kong pusa dahil yong isa nagtatago.(Pusa yon ng pinaka boss namin pinaampon na sa akin) Paano pa kong apat ang humarap sa kanya.

Ang mukha niya di maipaliwanag tipong pangasar di nakakatuwa ang tanong ba naman sa akin bakit daw ako nagaalaga ng pusa.Mahabang paliwanagan ito ngunit wala akong panahon.kaya para matapos na isang matamis na ngiti at balik na tanong ang ibinigay ko sa kanya.

Bakit ka nagsisigarilyo?
Nagulat siya pero medyo ngumiti ng kunti.


Tapos ang aming paguusap.Di naman ako nang aaway niyan.Pasinsiya na ang ang pagsisigarilyo talaga ang napaginitan.


Actually pag mga labor ang nagtatanong sa akin about sa mga pusa kong alaga  o kaya  pag nakikita nila akong nagpapakain ng mga pusang gala sa camp ang pabiro kong paliwanag   at ganito.

Pusa ako dati na naging tao seryoso kong sinasabi yan. Imagine mo na lang nag reaction niya. Minsan kumukuha pa ako ng taong magpapaliwanag sa kanya kasi di siya makaintindi ng english at tudo naman ang paliwanag niya sa sinasabi ko.

 Ito sila ang mga walang malay. Ikaw di ka ba matutuwa sa kanila.
Robin (Turkish mix) ang super makulit

C-one( Persian) Wala pa akong maisip na pangalan sa kanya. Super malambing

Sharms (Indian)  super tahimik at di gumagalaw



o ano ikaw nagtatanong ka rin bakit ang dami kong pusa?
Peace.


Photobucket

Saturday, November 26, 2011

Marina Mall Abu Dhabi

Located on the breakwater of Abu dhabi 's corniche ang Marina mall Ang hirap mag kwento basta maganda siya di kalakihan pero sobrang class ang mall na ito.Nakatayo sa sarili niyang  island na tinatawag na Marina village.
Familliar ba ang likod nito , Si moks ng maligaw sa Abu Dhabi

summer na summer ang dating nito sa akin

Fountain sa entrance.


Pagmasdan ang ceiling. akala mo nasa labas nagiiba-iba ang kulay niyan. At ito ang maganda habang kumakain ka umaambon , kulang na ng kumidlat at kumulog  ang maganda  bumubuhos tlaga ang ulan panalo sa effect.Ikaw na ang bihirang makakita ng ulan kung di ka matuwa pero ang mga pinoy di ko sure kong excited pa sa ulan.Kakaiba sa kanila ang mga ganyang eksena.


Mga Madam.Bawal ang magpicture ng kung sino sino dito pero dahil nakatalikod naman ok lang siguro.

Burj Marina. Revolving tower yan.

Dito ka sasakay ng elavator paakyat ng burj Marina.Coffe shop and restaurant lang ang meron sa revolving tower.Di pa ako nakakapasok diyan.






Gusto ko ang effect nito. parang mga tuyong dahon or bulaklak  na lumilipad sa hangin. Maraming ganyan sa amin na pinaglalaruan namin pag summer.

Photobucket

top commentators

Get this widget

Yiruma