Sunday, November 27, 2011

Gawin mo kung saan ka masaya

Kailangan pa bang ipaliwanag yan.

By the way holiday na naman dito sa UAE lumabas na ang aming memo kaya masaya ang lahat. Islamic New Hijri year has been moved to Dec 1 to be continued with the National holiday on Dec 2-3.Ang paliwanag diyan long holiday para mas mag enjoy ang mga mangagawa sa buong UAE. saan ka pa?

May bisita ako kanina ibang lahi PM at tyempong nakita niya ang tatlo kong pusa dahil yong isa nagtatago.(Pusa yon ng pinaka boss namin pinaampon na sa akin) Paano pa kong apat ang humarap sa kanya.

Ang mukha niya di maipaliwanag tipong pangasar di nakakatuwa ang tanong ba naman sa akin bakit daw ako nagaalaga ng pusa.Mahabang paliwanagan ito ngunit wala akong panahon.kaya para matapos na isang matamis na ngiti at balik na tanong ang ibinigay ko sa kanya.

Bakit ka nagsisigarilyo?
Nagulat siya pero medyo ngumiti ng kunti.


Tapos ang aming paguusap.Di naman ako nang aaway niyan.Pasinsiya na ang ang pagsisigarilyo talaga ang napaginitan.


Actually pag mga labor ang nagtatanong sa akin about sa mga pusa kong alaga  o kaya  pag nakikita nila akong nagpapakain ng mga pusang gala sa camp ang pabiro kong paliwanag   at ganito.

Pusa ako dati na naging tao seryoso kong sinasabi yan. Imagine mo na lang nag reaction niya. Minsan kumukuha pa ako ng taong magpapaliwanag sa kanya kasi di siya makaintindi ng english at tudo naman ang paliwanag niya sa sinasabi ko.

 Ito sila ang mga walang malay. Ikaw di ka ba matutuwa sa kanila.
Robin (Turkish mix) ang super makulit

C-one( Persian) Wala pa akong maisip na pangalan sa kanya. Super malambing

Sharms (Indian)  super tahimik at di gumagalaw



o ano ikaw nagtatanong ka rin bakit ang dami kong pusa?
Peace.


Photobucket

7 comments:

Aubrey said...

Aww. cute. :) Favorite ko si Robin. :D

Rence said...

Kahit naman sino, pag nakita ang mga pusang iyan, talagang aalagaan. Penge.

Jessica said...

gusto ko ung pusang nasa first picture... ang CUTE =)

mommy-razz said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Yannie said...

Pwede pahingi ng isa? gusto ko yung C-one (Persian), total wala pa syang pangalan.... hehehe


super cute nila

Psyche said...

bwahaha! smoking? galing mo talaga friend, subtle yet frank hehe. naku naisip ko lang di pala pede magkaibigan ang mga alaga natin, lagut ang mga bulinggit kong hamsters sa mga tabaching-ching mong multinational at multi-cultured catsss hahaha!

Nowitzki Tramonto said...

aaayaayyyyyy!!! hang kyut (>_<)/

top commentators

Get this widget

Yiruma