Abudhabi 2006.
Limang taon na ang nakakaraan (buti na lang may picture ako kahit isa.) Nang dumating sa akin ang trabahong kargador ng companyang pinapasukan ko sa kasalukuyan.
May malaking kaguluhan noon time na yon sa Iraq.Kaya lahat ng passport from 2004 onward may naka stamped na " not valid for travel to Iraq"Alam mo na kung bakit..Nagkataong ang passport ko noon ay walang bahid na ganyan kaya pwedi ako. Maraming Kabayan ang mag gustong patulan nag 3000 dolyares na sahod pero kakambal nito ang pangambang may panganib na nakaabang. Nagpaalam na ako na sa aking kapatid na paalis na ako ng Iraq huwag na lang ikwento kina mama sekreto na lang namin dahil baka ikamatay nito ang gagawin ko ito.Dahil madaming masamang balita sa TV napapanood nila tungkol sa kaguluhan doon.Ang rason ko lahat naman ng tao mamatay mabuti ng mamatay na kumikita di naman maguguton ang pamilya.
Ilang araw lang bago ang flight namin isang kakilala ang biglang nag offer sa akin na kung gusto ko ng trabaho dito sa Abudhabi umpisa na kaagad dahil kailangan niya ng kapalit.
Yan ang kwento bakit ako naging kargador sa aming companya kapalit ng 3000 dolyares sa gitna ng kaguluhan at patayan sa Iraq.Ang Panginoon na ang pumigil sa kahibangan ko.
Nagpaubaya na lang ako sa kagustuhan niya.
Dito nagumpisa ang aking career na kargador na dati ay laro ko lang noong bata pa ako kasabay nito ang paglimot sa aking sarili mga kaartehan sa katawan at kayabangan. Ang mahalaga kumikita ng malinis,payak,mapayapa at ligtas.
Malungkot ang nangyari sa mga dapat kasamahan kong tumuloy ng Iraq na gusto lang namang kumita para sa pamilya inabandona sila ng agency kumuha sa kanila sa airport at di na binalikan sa di na naipaliwanag na dahilan.Nakasama o nakabuti diyos na lang ang nakakaalam.
Limang taon na ang nakakaraan.
Nandito pa rin ako.
Bakit?
Dahil masaya ako sa anumang binigay ng diyos sa akin.Natutunan kong pahalagahan ang kahit anong maliit na bagay na meron ako dahil ang iba ay wala.
Akala niyo kayo lang. Repost para makasali lang sa pa contest ni
Gillboard at umaasang manalo ng house and lot.