Feel good ang araw na ito.
Bagamat masikip sa dibdib,kapag ako'y napupuno at nasasaid matagal akong naninimbang,nagiisip at maingat sa bawat salitang binibitiwan. Mahalaga ang mga sandaling ito upang maipahayag ng malakas ang isang bagay na gusto mong ituwid ng minsanan ayon sa iyong paniniwala at magpakilala ng may pasabog.nakakagulat pero di nakamamatay.
Mamili ka.
Maaring sumira ito ng tuluyan or magpatatag sa inyong samahan.
Mas ginusto kong maging constructive sa ngayon dahil yong ang tama.
Sa nauna kong post nagpipigil ako pero alam kong ramdam ninyo ang init na gusto sumambulat sa aking dibdib sa ganong paraan nakatulong din ito ng kunti.
Tatapusin ko ang post na ito sa isang magandang balita. Naging maagap at maganda ang sagot ang taong pumuno ng pasinsiya ko kinaumagahan.Masarap siya sa pakiramdam.
Ang pagkasuklam naging mga ngiting kumikislap.
Higit na matibay, matatag at buo ang aming samahan. Higit ko siyang hinahangaan.
Simula ngayon sisikapin kong mapunan ng magagandang bagay ang lalagyang ito.
at pakaiiwasang malagyan ng pagkamuhi.