Showing posts with label Birthday. Show all posts
Showing posts with label Birthday. Show all posts

Thursday, March 1, 2012

In the Morning Light

Early this morning, I spoke to Robin and Sharma while giving them food that it's my birthday today.They just meow and stare at me a second hopeless (Find some human being to kiss you and hug you tight master)then left.

I know.


Last night I had a date with God to give thanks for everything.
and today, listening"In the morning light"
His love is more than enough to go on no matter what.

Try,close your eyes and feel the same.
Life is beautiful.It's what i want to share with you in this very special day with me.


Photobucket

Photobucket

Thursday, September 29, 2011

Happy birthday Iya

Wala na akong gagawin kundi ang batiin ka

An ACRE of birthday to you IYA
bagyohin ka sana ng pagpapala.

Ang kargador off muna para makabati.

When she cries...

she writes beautifully.

Dumidikwat sana ako ng pic ni Iya may lumabas ba naman na I will kill you. Kaya sarili ko na lang ang pinaginteresan ko super safe.



Photobucket

Tuesday, May 24, 2011

A Social Worker's Big Day

May 24 is Mayen's Birthday.
Kung kayat Si ACRE ay muling bumivideo para sa kanya.



Photobucket

Sunday, May 22, 2011

Picture -greetings

Kagabi Ka chat ko si Laser isang bagong blogger. Tambling ka dito mamaya at follow mo siya. Blog niya ang Soul Sanctuary.

Meron siyang mabigat na problemang dinadala hindi ang doomsday.
Nagtatanong lang kung ano ba daw ba yong picture-greetings sa blog dahil may munting hiling.

Ang sabi ko huhubad ka lang at picturan mo ang sarili mo ng may kalaswaan kagat kagat ang happy birthday to you(joke ,di ko sinabi yan).

Gawa ka lang ng pagbati like picture or sulat kamay na galing sayo tapos send mo sa email niya or post it.Malaking kasayahan na di matawaran na ang maibibigay mo sa taong humiling nito.

PICTURE - GREETINGS ALA ACRE
Sa mga finafollow ko
Ito lang ang paraan ko para ipaalam sa inyo na naging bahagi kayo ng aking buhay. Kayo ang tunay na mga Diamante sa Acre of Diamond.You like it or not.

Tumambling kayo dito at batiin sila



HAPPY BIRTHDAY BLOGGERS.
Photobucket

Sunday, May 15, 2011

I'm Here

Today.





Para dito


At para sa Kanila.

Si MOKs -manalo ka sana sa Lotto


Al ang may May touch pad na I phone.

si Mayen ang may brand new hair cut

"We are all here for some unique purpose. Some noble objective that will allow us to manifest our highest human potential while we, at the same time, add value to the lives around us" - Robbin Sharma.

Share ko lang nabasa ko ngayon habang hinahantay si Dok. Kaya alam niyo na kung bakit kayo ang naisip ko sa mga sandaling ito dito sa Italian cofee shop.

Di man niyo alam naging bahagi kayo ng aking araw-araw na buhay.


Maligayang bati sa inyong kaarawan.



Photobucket

Wednesday, May 4, 2011

One AD is on Special Holiday


One Acre of Diamond county on this day May 5, 2011 officially named this place 14th street.
a happy heart deserves a happy treat.


Photobucket

Thursday, March 3, 2011

Ako'y Tao lamang Mapusok at Lumalaban

Oy! tumatangap pa ako ng pagbati. sa mga di pa naliligaw dito. Batiin niyo naman ako please.

Ang daming mga kaganapan lately. Relax mode pa naman ako dahil kaarawan ng poging OFW.Yes! Ang nagkakaedad ay lalong pumopogi. Men age gracefully ang sabi nga ng iba sa wikang banyaga.OO na drama lang yan ng nagbibirthday pagbigyan na.

At ganon na nga.

I asked some love (in any form) at di naman ako nabigo. Hindi lang isa ang nagpaligaya sa akin apat sila at on my birthday at sa kusina ni Popeyes (Lousiana Kitchen) ang sarap ng Manok. oo manok lang.




At maraming salamat sa mga bumati sa akin dito mismo sa Acres of Diamond.Heaven ang feelings.
Ang sarap! kakaibang pakiramdam. Simpling bati lang.
alam niyo na kung sino kayo.
Mwaahhhh love you all.

----------------------------------------------------------------------

Buod ng mga kaganapan:

Araw ng birthday ko nag padala ako sa bugso at init ng aking damdamin.Hindi ko kinaya ang aming itik na accountant.Tinakasan ako ng katinuan sa mga naging sagot niya.
click here for the first post about this issue bakit ako tumatawag sa bahaging:
Usapang Sahod by Phone sa PRO


Usapan namin ng Itik sa Phone umagang kayganda.

Ako: Naghihintay ako sa sagot mo sa aking e-mail kahapon pa. dalawang araw na ang nakakaraan.Ano ang nangyari wala ka paring reply?
Itik: titingnan ko at pagaaralan.
ako: Yan din ang sinabi mo kahapon.
Itik: hindi lang kasi ito ang ginagawa ko.
Ako:Alam ko kaya nga gusto ko sagutin mo lang ang sulat ko kung ano dahilan mo at plano mong gawin. Para doon ako maguumpisa sa kilos na gagawin ko.Kung ibibigay mo or hindi at bakit? mahirap bang gawin ito.Nagawa mo nga itong e hold.
Itik: oo na titingnan ko nga.
Ako: Wag mong tingnan. Gawin mo. kahit isang buwan or isang taon maghihintay ako kung yan ang sasabihin mo. Sagutin mo lang ang sulat ko tapos. ( Pasigaw na ang mga banat ko dito).
Itik: Oo na
Ako: Kung sayo ito gawin at pera mo ito ano ang gagawin mo. titingan mo lang
Itik:................(ibinaba ang phone)
Umosok ang tenga ko.Pinilit ko kung muli siyang tawagan sa landline at sa mobile phone- di niya ito sinasagot. Tumambling seguro sa aking sinabi at pasigaw na banat na di niya inaasahan pinoy sinago sagot siya. at sa Unang araw pa ng Marso.

Ako nagiisa sa kabilang linya Mukhang tanga inuusig ng aking sariling kunsinsiya.Ano ang ginawa mo Mr. Diamante?

Nakita mo yon? Papayag ka bang gawin sayo ang mga ganyan.Ano ang tingin niya sa sarili niya Mayari,hari,sheik.Bakit sino ba siya?

Cool ka lang, dahil wala ka namang magagawa dito kundi maghintay.Biktima ka na kaya harapin mo na lang ito ng may pagpapasinsiya yon ang lakas mo na di kayang talunin.Labanan mo ito ng kabutihan dahil ito lang ang tatalo dito.

Isang buwan na akong nag papasinsya at naghintay sagot lang niya at paliwanag ang kailangan ko in black and white.

Oo na nga. Ano ang napala mo binabaan ka lang ng phone at wala din siyang sinagot.Ganon parin naman. Kung maghintay ka pa ng kunti gagawin niya rin ito dahil wala naman siyang magagawa alam mong batas ang kinakalaban niya. Maghintay ka lang.mamaya gumawa pa siya ng di maganda sayo.Di kasi ito gawain ng matinong tao.Wag kang umasang kikilos siyang tulad mo.at hihingi ng tawad sa pagkakamali nya.

Minsan kailangang ipakita mo kahit isang beses lang sa mga ganitong uri ng tao na di mo papayagan ang kahit na sinong abusohin ang iyong kabaitan. Kung ipapakita mong tumitiklop ka sa mga ginagawa nila at kinakatakotan mo sila.Ito ang kanilang pagkakatandaan. Ikaw na ang may problema dito.

Bakit kasi di mo e deritso na sa mga amo ang iyong sulat.At hayaan silang magayos sa gusot nito kung yan pala ang gusto mo away at gulo.

Ayoko na itong maging kumplikado.

Ganon naman pala, sinisilaban mo na, pinaypayan pa kaya nagaapoy.

Ang sagot niya lang sa sulat ko ang mahalaga.Tapos na ang problema o kung ano ang sagot niya saka ako gagawa ng hakbang para ipaabot ito sa mga nakakataas pero kailangan may katibayan sa pagkakamali niya.

May galit ka nga at may ibang agenda ka.Stop it.

Mabuti ng may katibayan sa mga ganitong pagkakataon.Di mo alam ang plano ng ibang mga tao.Minsan ay may mga patibong na di natin alam.Maaring gusto ka lang galitin para gumawa ka ng gulo at ito ang gawing butas sayo. Mas magandang ang mga hakbang na gagawin mo ay nakaayon sa katotohan at meron kang hawak na katibayan nito.

Ang Sulat ko ay malinaw na nagtatanong lang sa kanyang dahilan.Bakit di niya masagot?Ang pagkakamali niya lang ay sa aking niya ito ginawa at alam ko ang batas at magagawa kong tanungin siya sa paraang nararapat.

Wag ka ngang magisip ng kung ano-ano.Napaparanoid ka na ang pangit.

Kailangan ko bang lumuhod sa kanya at haplos- haplosin ang kanyang buhok,pisil pisilin ang kanyong mga braso na may paglalambing at makiusap pakiayos na ang sahod ko at mangangakong bibigyan siya ng regalo pag nagawa niya na.S$!*T insert here what ever mura na alam mo.

OO, nag patalo na ako sa mga kauri niyang may ganitong paguugali na kahinaang masasabi.Patawad. Ako'y tao lamang mapusok at lumalaban pag nasasaling.

Reminder lang:Kabutihan lang ang tatalo sa kasamaan.Yan ng panghawakan mo.
amen.

ang gwapo mo pa naman ngayon. Happy birthday to you.Tumatanda ka na.

O diyos por santo mahabagin.Patawarin.

Tuesday, March 1, 2011

Birthday ko Ngayon

I need some lOVE

May Malaking Piging na magaganap sa One Acre of Diamond.Tulad lang naman ng birthday party ni Pacman.May mga paraffle din na magaganap.

And yes! tingin muna kayo sa headers ko at Pagmasdan ang Burj Al Arab. Ipapasara ko ito exlusive para sa lahat ng followers ko ng 3 gabi na may ibat ibang theme.Babaha ng caviar at mamahaling alak.

Imahinasyon ko lang ang mga ito.Di kasi ako nagcecelebrate ng birthday ko.
Isipin mo yon March 1 na Pala di ko alam. Feb 28 nga naman kahapon tapos biglang March 1 na parang ginugulat lang ako.

Batiin niyo na lang ako.Birthday ko naman.

top commentators

Get this widget

Yiruma