Showing posts with label People. Show all posts
Showing posts with label People. Show all posts

Monday, May 9, 2011

The winning Secret of Manny "Pacman"Pacquiao

Ang tunay na mukha ng isang Diamante,It is simply shining as it is, shining as shiningness.
Pagpupuri sa isang taong karapat dapat lang purihin.


Noong mga nakaraang araw Sa Yahoo today story nailathala ang top preferred names in America Si Jacob pag lalaki or Isabella naman sa pag babae ang sumisikat na pangalan ng mga baby. Opo ,pati yan pinoproblema nila. At wag na Kayong hihirit kong bakit di kasama si Edward diyan. Dahil wala rin kasi akong pakialam.

Eh ano ngayon...? wala lang, ang alam ko wala ng gaganda, babango pa, sa pangalan ni Manny Pacman Pacquiao of the Philippines.

Nagmumura ang ganda niyang lalaki.

Pasinsiya na po. Di pa kasi ako makatulog sa sayang dulot na naibigay na thrill ni Pacman kahapon. Basta feeling ko kamukha ko na si Pacman.Skip meals din hangang ngayon.Makakain na nga after this.
----------------------------------------------------------------------------

For the first time nakinood ako sa bahay ng may bahay kahapon kahit ayaw nila(joke) para lang makapanood ng balita sa TV Dahil my TFC sila kami wala.Sa gitna ng bagyo sa Bicol at baha sa maynila umaapaw ang galak sa puso ng mamayang Filipino di alintana ang sama ng panahon.Papaano mo palalampasin ng mga ganito di bali ng magmukhang kawawa at makanuod lang. Yong tipong nakikisilip ka sa tv ng kapitbahay sa siwang ng bintana sa may squatter area. sabay sasaraduhan. oh no. (di na totoo yong dalawang huling linya drama lang hehehe.)

Kung si President Obama may "longest 40 minutes of my life" sa helicopter raid na naganap in Pakistan.Meron din si mommy Dionisia- at kahapon yon.

Kung ang lahat ay masaya sa bakbakang naganap. Naramdaman ko ang takot na bumabagabag kay mommy Dionisia sa ABS-CBN news kahapon, Nakita ko kasi sa kanya ang di matawarang pagmamahal ng isang Ina sa anak sa tuwing napapasabak ito sa anumang hamon ng buhay. Kung makapagdasal siya talo pa ang ginawang laban ni pacman sa ring. She wrestle with God in prayer-Ito ang tunay na laban ni mommy ang tunay na laban ng buhay na ligid sa kaalaman ng lahat Ramdan ko ang anumang bagabag na meron siya sa kanyang puso dahil walang higit na masasaktan kundi ang Ina pag nasaktan ang kanyang anak.

Happy mothers day Kay mommy Dionisia. Symbolo ka ng isang ina kahapon.
Congratulations Manny Pacquiao Ikaw ang Mukha ng salitang inspirasyon.

Wala daw siyang hiningi na di ibinigay ni Manny, of course 15$Million dollars yan mommy ano pa ba ang di kayang ibigay ni Pacman sayo. Pero alam ko hindi na yan ang gusto mo.Kundi ang di masaktan si Manny.

Did you wrestle with God in prayer? our mother does all the time para sa kanyang anak. Naiintindihan ko yan dahil nakikita ko yan kay mamang. Yan ang nararamdamn ni mommy Dionisia sa bawat labang hinaharap ni Pacman.

Kaya pwede lang idol last na ito para kay mommy na lang. Tutal wala ka ng paglalagyan ng mga panalo mo.

At dahil diyan Ito ang panalong pangalan sa puso ni One Acre of Diamond
1.Dionisia pag babae
2.Manny Pag lalake

Suma total- my conclusion sa labang ito.
May Manny dahil may Dionisia.
May PANALONG PACMAN Pag pinagsama mo ang dalawang ito.
Yan ang wala ang iba.

Photobucket

Saturday, May 7, 2011

One AD County Pay Tribute to the "Mother of Diamond"

Donya ang tawag namin sa kanya ngayon.Lambing na pagpaparamdam na sagot namin siya dahil gusto naming iparamdam sa kanya na meron siyang mga anak na gagawin ang lahat para maramdaman niya lahat ng kaginhawaan sa buhay na ikakasaya niya. Siyam na beses na ibinuwis ang kanyang sariling buhay upang ang bawat isa sa amin ay magkaroon nito.Siyam na naglalakihang tao, ang kanyang mga kayamanan - mga Diamante.

She is our Queen
The mother of Diamond.
Ang ulirang Ina.

Happy mother's day Mama.
Malayo ka man pero sa lakas ng boses mo sa phone wala an akong mahihiling pa kundi ang maging masaya ka at maginahawa.Maraming salamat sa iyong di matawarang pagmamahal.

Photobucket

Ito tunay na laban natin.


The yellow gloves promote unity against poverty.

"All my life I've had to fight.As a child I had to fight just to eat" Pacquiao said " The biggest fight in my life is not in boxing, the biggest fight in my life is how to end poverty in my country"

Pagpalain ka ng diyos Manny.
Papaano mo di mamahalin si Idol.


Yahoo Maktoob honor Pakman with this awesome article At ako di ko maipaliwanag ang kayabangan ko na mapagusapan ang salitang Filipino sa mga ganito.If you are reading all the news sa Yahoo maktoob you know what I mean. I'm just a proud Filipino a umagang ito click here


Photobucket

Wednesday, May 4, 2011

One AD is on Special Holiday


One Acre of Diamond county on this day May 5, 2011 officially named this place 14th street.
a happy heart deserves a happy treat.


Photobucket

Tuesday, May 3, 2011

A beautiful Rose (Siggins)

Madami akong nawala sa blog roll ko dahil nadelete ko siya ng di ko sinasadya pero kong di mo nakita ang blogroll mo pakisabi naman sa akin kahit ayaw mo itong ilagay kasi mahalaga ka sa akin.


Isa na diyan si Rosemarie ng Rainbow box.Sa kakahanap ko ng link niya para maibalik sa blog roll ko pati si google kinunsulta ko para tulungan ako.Trying hard lang ba pero ito ang lumabas.

Ang kwento ni Rose Siggins. Nakakainspired siya. Ano pa ang erereklamo natin sa ating buhay kong merong mga ganitong tao sa paligid natin na mabubuhay ng masaya.

Share ko lang.




Born with a rare genetic disorder known as Sacral Agenesis, Rose had severely deformed legs with feet pointing in opposite directions. There was no feeling in the legs and, as a child, she was in danger of harming herself. When she was two years old her mother, after consulting with the doctors at the hospital, decided that the best course of action was to have the legs amputated. This insightful decision by her mother allowed Rose to lead a fairly normal childhood.

Rose grew up, with her mentally handicapped brother, in Pueblo, Colorado. Rose believes her parents made the right choice as she cannot imagine being confined to a wheelchair. She describes her physical condition in her own way "If you take a Barbie doll and remove it's legs, the region you are left with is what I have. I have all the female working organs, the only reason I sit shorter or more compact, as people say, is because I'm missing four sections of my spin
al olumn".

For the inspiring story click here.
Photobucket



Sunday, May 1, 2011

Yehey, Yepey si Roomate Magaling na

"Ayus na ako at pati pakiramdam ko hehehe parang ala ng nging sakit mabuti play lng lemon at honey ng bubuyog heheheheh alis rin yong plema ko sa lalamunan"

sent via corporate email ko Sun 5/1/2011 2:08 PM


Si gitna ng mga maiinit na work related emails na kailangang aksiyonan ng inyong abang lingkod ito ang una kong binuksan sa araw na ito.

Kumidlat at dumagundong ang kulog (insert this effect here) sabay ang pagguhit ng mga ngiti sa aking labi.(in slow motion)

Lumuwag ang aking pakiramdam(Yap ako na- ang feeling concern sa ka roomate).Natuwa lang ako kasi alam niya na medyo balisa ako sa mga kaganapan, nag effort siyang mag email tungkol dito Magandang paguugali ang mga ganyan aba... don't ever under estimate such move.


Kagabi pag dating ko sa room kulang na lang magtalon talon siya sa tuwa.Magaling na nga talaga.
Kaya Sabi ko halika may panonourin tayong video.akala niya video ni Kamila ,Al,Iya_khin or Jepoy yan kasi ang mga alam niyang pinapanood namin sa blog ko.

PANOORIN NIYO MUNA ANG VIDEO para makaralate kayo.At matawa di siya pag world class pero nakakatuwa lang ang mga reaction ng judge.



Pag katapos naming mamangha at matuwa sa trick tinanong ko siya kong alam ba ng girlfriend niya na nagkasakit siya at ano ang sinabi nito "oo" sagot niya."Umabsent daw ako at mag pa clinic sabi ko wala nga akong pera at ayaw kong mag absent dahil maraming trabaho"

"Ikwento mo nga sa akin ulit yong panaginip mo na pugot na ulo" Ito kasi ang sadya ko kaya niyaya ko siyang panuorin itong trick na ito.

May nabangit kasi siya sa akin na panaginip niya bago pumasok itong buwan ng Abril. Isang kamagaanak niya daw ang namatay at napugutan ng ulo. Yong ulo daw nakadilat at nakatingin sa kanya.Hindi daw nakalagay sa kabaong nasa ibabaw lang ng mesa.

Alam ko nag alala siya tungkol dito kasi kinausap niya ang girl friend niya na padalhan siya ng scapula at bible.

Inilabas niya ang scapula sa kanyang dibdib at inipit yon sa kanyang labi habang ikinikuwento ulit sa akin ang tungkol sa pugot na ulo sa kanyang panaginip. I sensed na bumabagabag ito sa kanya.

"baka iniisip mo masyado ang panaginip mo kaya kung ano ano ang nangyayari sayo. Kalimutan mo na yan. Magdasal ka nalang." Sabi ko." walang connection sa buhay natin ang mga panaginip. Pag iniisip mong may masamang mangyayari sayo may mga mangyayari ngang di maganda "Dagdag ko pa.

"Di ko naman iniisip yon." Sagot niya di ko alam kong defensive lang.

Madalas ko kasi siyang nakikitang nagbabasa ng bible kahit madilim. Maganda ito kasi ginagawa ko rin ito pero ang mabilisang pagbabago minsan pagtatakahan mo. baka nahihiya lang mag kwento pero may gumugulo sa kanya.

May ugali din siyang napansin ko.Ayaw niya na tinutulungan siya or nililibre ng kahit na ano kahit pagkain.Parang nadala na siya sa mga ginawa ng iba na parang ipinamumukha sa kanya pagkatapos na tinulungan siya or may ginawa sa kanya.

Ng minsan magluluto siya ng ginisang upo.natuwa ako kasi hihingi ako kasi favorite ko yon. Biglang napansin niyang walang bawang. Kaya ang sabi ko bibili ako." wag na ok na ito kahit walang bawang pwedi ng ang sibuyas lang" Sa isip ko di pweding gumisa ng walang bawang nagpapasarap yon.Kayat bumaba ako at bumili ng bawang sabay binigay ko sa kanya. Pero di pa rin niya ginamit yong bawang.Parang gusto ko ng magalit kasi sayang naman bakit anong problema.Pero hinayaan ko na lang kaya kumain kami ng ginisang upo ng walang bawang.

Di baling maglalakad na lang siya O di kumain pero di yan magsasabi na may kailangan siya.
.

Habang nagtitipa ako dito sa blog ayon siya sa kabilang bed.Nagbabasa ng bible" ano ang binabsa mong book" tanong ko. "Pahayag" sagot niya.

"Ikaw ano ginagawa mo" balik niya sa akin.
nag bloblog.

Kung alam nya lang na siya ang bida sa blog ko Ngayon.
Kung mabasa niya man itong blog na ito Sana wag siyang magagalit sa akin.Kasi Gusto kong malaman niya ako ay karamay isang kaibigan or kapatid.
Kailangan ko pa ng more spent time with him para maging open siya sa mga problema niya.Wala akong napala ngayon.

Ganon pa man masaya.
Photobucket


Monday, April 11, 2011

Kwentong OFW

Ang mga bakal ng buhay na nagpatatag sa aking paninindigan

Pag visit visa ka Sa UAE alam mo ang ibig sabihin ng work na partime job.

Na experience ko rin yan minsan lang pero hardcore kong matatawag.

Pag nabasa ito ng isang kaibigan ko na taga Cebu segurado iiyak na naman iyon.Iya-khin siya.

Ito ang eksena.

Partime job

Ang gagawin magbubuhat ng mga isang tambak ng mga tubong bakal at ililipat sa isang lugar dahil merong gaganapin na pagdiriwang.Magiiyakan sila ng isang buwan di ko alam ang tawag doon tradisyon ng isang muslim malamang alam ito ng ating kapatid na siAl Pasumangil.

Nang maguumpisa na kami nakatingin sa akin ang kasama ko itago na lang natin sa pangalan Akoni. Nahahabag ang mukha namumula ang mata at biglang tumulo ang luha. na ikinagulat ko.

Naaawa daw siya sa akin. Sanay sa daw siya sa trabahong mabigat pero ako pero ako mukhang hindi.

Ito ang banat ko sa kanya.akala mo lang yan. trabaho ang hanap natin, ang nageenarte magugutom(para tumigil) mas mabigat pa ang kaya kong buhatin sayo 5'4 ka lang at 5'10 1/2 . O ano? Nagbubuhat kaya ako sa gym ng mga bakal at ako pa ang nagbabayad. Dito tayo ang babayaran. Come' on let's have fun ng matapos na. Buong araw naming ginawa yon. Slowly but surely ligid sa kaalaman kahit isa sa aming pamilya sa pinas.

Pero sa totoo lang ang puso ko ang nadudurog habang tinitingnan siya. Naiisip ko pano kung sa kapatid ko ito nangyayari.
Sa puntong ito pasinsiya habang sinusulat ito na naiiyak na ako.... sandali lang ako'y tao lamang. kailangan ko si mommy -razz

Naekwento ko ito ngayon kasi isa siya sa makakasama ko sana sa Iraq pero sa medical palang bumagsak siya dahil sa Hepa.

Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng humaguhul sa isang tabi sa hospital na parang sinukluban ng mundo. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa kanya. Naka antabay lang ako nakaabang sa kung ano susunod niyang gagawin baka biglang tumalon. Di ko siya iniwanan. Yong care niya sa akin kahit sa mga salita lang at paluha luha dito ko sinukluin- Dinamayan ko siya sa kabiguang ito.

Ito ang mga bonding ng mga OFW pinoy sa UAE di magkakakilala pero may iisang layunin kahit anong bigat at hirap lalampasan at kakayanin.

Sa nauna kong post click here.. Ngayon ko lang mas lalong naintindihan ang dahilan ng diyos bakit may bagay na di man natin lubos matangap sa kaagad-agad pero sa tamang panahon malalaman mo ito.Siya ang humikayat sa akin sa Iraq, mas determinado siya tungkol dito pero una siyang pinigilan.Pumapangalawa lang ako.

Sa ngayon kung maligaw siyang magbasa ng blog ko . Miss you bro.

Kung di man niya nakuha ang Iraq Pinalitan naman ito ng diyos ng isang asawang si Kamila at mga anak na sina Rap, Mayen, Jhengot at Sey. May hihigit pa ba sa mga kayamanang yan?

note: Ang mga pangalan ay sandyang pinalitan ng mga ng sikat na bloggers sa panahong ito.

Monday, March 14, 2011

Babalik Ka rin

Dalawang dating kasamahan ko- Crane Operator at Auto Mechanic ang nag resigned sa trabaho dahil gusto nila ng mas malaking sahod.Umasa silang mag aalok ang kumpanya ng karagdagang sahod ngunit kabaliktaran ang nangyari.Walang sinayang na sandali at salita.

Resignation approved.

Sila ang nagulat.



Umuwing may paghihinayang ngunit huli na ang lahat.
Pagkaraan ng 6 ng buwan na walang ibang mapasukang trabaho. Pikit matang nakikiusap sa companya kong pweding makabalik. Ang offer mas mababa ng kalahati sa dating sahod.Tinangap nila ito kaysa sa wala.

Isa lang ang segurado ako, natuto ng leksiyon ang dalawang ito at ang marami pang iba.
--------------------------------------------------------------------------------------

Hawak na ang hinahanap binitiwan pa.

Sakit ito ng karamihan.
'Wag magpadalus-dalos sa mga balakin.Magisip mabuti

Sumanguni 't makinig ng makasiguro sa hakbang na iyong gagawin

Hindi lahat ng binabalikan ay naghihintay at muling nakukuha.


(Let me know kung may nangangailangan sa inyong kompanya na serbisyo ng dalawang ito.Si Crane Operator ay magaling magluto)
Tulungan natin sila.

Wednesday, March 9, 2011

Enjoy your achievements and plans


"If you compare yourself with others, you may become vain or bitter, for always there will be greater and lesser person than yourself.Enjoy your achievements as well as your plans.Keep interested in your career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time."-(Desedirata stanza 3&4)

I have to do this very fast.Para mapalitan na ang previous post kong nakakapagpabigat ng damdamin.For a change kailangan maging katuwaan naman ito.

Isang ordinaryong araw sa office.

My Bangali asst: (gulat) Model pala kayo sir parang si Sharu khan ay si shahid kapoor pala kasi ang puti( nakita ang cover ng isang lumang magasine sa lamesa ko).
Ako: Oo bago ako naging kargador model dati ang trabaho ko.(seryoso ako niyan)
My Bangali asst: wow ! nagsisigaw bai, bai, tinatawag ang mga kalahi niya si sir model dati tingnan niyo sabay kuha ng magazine at pinagkaguluhan na ito.
My Bangali asst. Ano ang nangyari bakit kargador na kayo ngayon sir.
Ako:Boss naman at asst kita.
My Bangali asst. Sabagay.

Awwwww ibang klase feeling sikat ako all of a sudden.Ano ba itong pinagagawa ko.
paniwalang paniwala sila.what a trip!(natatawa langa ko sa sarili ko)

Di ko ito inaasahan na na seseryosohin nila ang biro kong yon.At di ko na mabawi sa kanila ang paniniwalang ito. Kaya ang gwapo -gwapo at ang bango bango ng tingin nila sa akin. kahilira ko na ang mga bolly wood star at si Shahid Kapoor pa( sorry di niyo kilala yon)Tumatayo ang balahibo ko habang ikinekwento ito ngayon.

Promise katuwaan lang ito.Peace men.

Pero nag model talaga ako ng minsan lang sa magazine na ito at di niyo kilala ito. Isa itong achievements sa buhay ko dahil isang pangarap na nagkatotoo. I enjoyed it. Ang saya nito.




Front cover ng Filipino Expat Magazine December 2004 Issue.
















LISTEN

"Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even to the dull and the ignorant, they too have their story.Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit." -(Desiderata 2nd stanza).

--------------------------------------------------------------------------------------------

Warning :
Malungkot ito pasinsiya na. Pero minsan kailangan natin maramdaman ito para maging tao.Pero kong ayaw mong malungkot. skip read na. balik ka na lang bukas.

Ang mahalaga Naayos na ang problema niya ngayon. Malaya na siya.


Kahapon kasama akong nakinig sa inbestigasyon tungkol sa away nitong nakaraang araw.Click here sa previous post ko.

Nagkinig lang ako at nagmasid sa mga paguusap. Talagang di ako nagsalita.

To be honest habang sinusulat ko ito naluluha ako sa pagkahabag sa isang bagay na nalaman ko. hindi sa watchman ko kundi doon sa isang watchman( ang nagwala)

Napakadaling humusga sa taong pinaparatangan ng di maganda lalo na kung ito lang ang alam mo. Pero kung makikinig ka lamang at bukas ang iyong pusong alamin kung ano talaga ang mga nanyari may mga katotohanang di mo pweding isawalang bahala.

Dalawang taong nagtitiis ang patpatin gusto lang naman ay kumita malayo sa kanyang pamilya.halos puro buto na.Nagiisa sa kanyang laban. Nilalakad ang may may higit 5 kilometro araw-araw sa ilalim ng init desyerto para bumili ng kanyang pagkain at pangangailangan.Dahil kahit isang driver na kasama nya sa isang site ay kayang tiisin siya para paghirapan ito. Walo(8) lang silang nakatira sa lugar na ito. Dalawang watchman at anim na driver with their own pickups na sa kompanya naman.Ilang minutong drive lang ito what a @##.!

Sinong magaakala na magagawa ito ng ilang kasamahan sa trabaho kapanampalataya, ka lahi,Tao at hindi hayop.

Sandali.
Magpapahid lang ako ng luha.


Dios ko mio pardon mahabagin.

Thursday, December 2, 2010

UAE National day

Happy UAE 39th national Day to everyone.
Its holiday today Dec.2 and tomorrow is Friday so its a long weekend.
I took these pictures last year. Sana sipagin ako mamaya para makapunta ng City makigulo at makisaya sa lahat.





Emirate boy in a happy mood displaying UAE colors




Its one of the most celebrated day in the Emirat.Locals took time to repaint their cars of the UAE color making noises and dancing, light and sound display in the road.Including Free concert everywhere.







Sunday, October 3, 2010

Corregidor Island Philippines Watching the Sunrise (Part 3)

The morning after..

Na miss ko ito ng husto. Kay tagal na ng panahon lumipas ngayon ko ulit ito nagawa ang abangan ang pagsikat ng araw.Kaysarap mangarap at mabuhay.

This is life. The real life malayo sa gulo.We need it and we deserve it.


This is not the best photo of a sunrise but being on the spot at that moment it was something else.













at sa muling pamamaalam, ako ay babalik sa iyong kandungan.

Wednesday, September 29, 2010

Corregidor Island Philippines by the Moon Light (Part 3)

I found new love.
Falling in love over and over again.

Bumabalik tanaw sa mga larawan.Umaapaw ang paghanga sa natatanging taglay niyang kagandahan.

The outcry for freedom, the many battles she endured and lives who perished on this rock those "scars of war"on the face of Corregidor constitutes a rich history of the Island.
Scars so beautiful in my eyes.

I realized in some way this is one good reason of blogging. Reaping pure joy of satisfaction sa pagbabahagi ng mga ito. The experiences the photos as I recall them and write today are interestingly "One acre of Diamond" in comparison.


Sa pag papatuloy ng aking Corregidor Island hopping.

Next activity after the tour.The sunset sight viewing on top of the hills followed by the Night tunnel exploration under the ground after the sunset.Para makisalamuha sa mga dead spirits of corregidor.Exciting.
Here are the photos.


Day tour end around 2:30pm at the North dock to get on board bound to manila

Because I took the overnight package tour I'm riding back to the hotel

Enjoying the cool breeze of one beautiful afternoon by the sea road along the way to hotel.

View overlooking the the island of Caballo

road by the Hill


Caballo Island another view angle


The driver dropped me in this spot.Taken from the viranda of the hotel entrance.Majestic view.

I meet the other 2 over night tourist from the the early trip who have enjoyed free time starting 12 pm exlporing the Island by themselves.
This is room#210 on the 2nd flr. at the left corner with two windows & a balcony.I like everything on it.the dark wood panels ,floor, capiz window, native blinds and the clean white bed sheets and towels.


That was the first day. living in the mountain side by the beach.

Napasarap ang tulog ko, so I missed the sunset.


So,the last activity was the tunnel exploration under ground.I'm not really a fan wanderer of darkness but this will complete the corregidor experience.

The silence was deafening. Only some constant drippings could be heard from a distance.One visitor said " it is the most stygian blackness imaginable, a darkness so total it can paralyze all the senses."

We stumbled on some pieces of bones left around and meet unusual living creatures crawling on the ground. a strange coldness touching your skin somewhat this tour is mysterious and one should not be missed by those who come to visit. Momentarily we were disconnected from outside world alone with the dead.This is it. The corregidor experience of world war 2.

With our flashlight and helmet on we dangerously climbed both narrow and wide openings and lost on our way out. Ofcourse it was a joke.

the tunnel is 835 ft long East -west passage 24 ft wide height 18 ft branching into 13 laterals on its north and 11 on the south side.It is under solid rock.


a lonesome sea creatures crawling on the ground
not surprisingly, bones sighting

with our helmet and flaslight trying to climb the opening up above
Other photos





We end the night with a sumptous dinner at the terrace by the moon light over looking malinta hills and south china sea.
I forgot to take photo.





top commentators

Get this widget

Yiruma