Abudhabi 2006.
Limang taon na ang nakakaraan (buti na lang may picture ako kahit isa.) Nang dumating sa akin ang trabahong kargador ng companyang pinapasukan ko sa kasalukuyan.
May malaking kaguluhan noon time na yon sa Iraq.KUng may passport kang hawak yan ang ibig sabihin ng "not valid to Iraq" na naka stamped doon.Nag kataong ang passport ko noon ay walang bahid na ganyan kaya pwedi ako. Maraming Kabayan ang mag gustong patulan nag 3000 dolyares na sahod pero kakambal nito ang pangambang may panganib na nakaabang. Nagpaalam na ako na sa aking kapatid na paalis na ako ng Iraq huwag na lang ikwento kina mama sekreto na lang namin dahil baka ikamatay nito ang gagawin ko ito.Dahil madaming masamang balita sa TV napapanood nila tungkol sa kaguluhan doon.Ang rason ko lahat naman ng tao mamatay mabuti ng mamatay na kumikita di naman maguguton ang pamilya.
Ilang araw lang bago ang flight namin isang kakilala ang biglang nag offer sa akin na kung gusto ko ng trabaho dito sa Abudhabi umpisa na kaagad dahil kailangan niya ng kapalit.
Yan ang kwento bakit ako naging kargador sa aming companya kapalit ng 3000 dolyares sa gitna ng kaguluhan at patayan sa Iraq.Ang Panginoon na ang pumigil sa kahibangan ko.
Dito nagumpisa ang aking career na kargador na dati ay laro ko lang noong bata pa ako kasabay nito ang paglimot sa aking sarili mga kaartehan sa katawan at kayabangan. Ang mahalaga kumikita ng malinis,payak,mapayapa at ligtas.
Limang taon na ang nakakaraan.
Nandito pa rin ako.
Bakit?
Dahil masaya ako sa anumang binigay ng diyos sa akin.Natutunan kong pahalagahan ang kahit anong maliit na bagay na meron ako dahil ang iba ay wala.
33 comments:
"Dahil masaya ako sa anumang binigay ng diyos sa akin." - Tama. Dapat lang tayo magpasalamat sa Kanya kahit anupaman ang ibigay niya. We should be thankful sa lahat, He has good a plan for all of us. :)
diamond r i dont believe na kargador ka jan hehehe.
napaka-optimistic mong tao. gusto ko ung ganyang attitude, ung sa kabila ng nangyayari, may maganda pa ring pananaw sa buhay.
baku buti na lang hindi ka natuloy sa Iraq. I admire your determination and love for your family. It's true na mas maganda ang pan ni God for us kesa sa plan natin sa sarili natin. Nakakabilib ka!
naku, kawawa naman yong mga kaibigan mo na napunta sa iraq..
dapat natin pasalamat kong ano man ang mayron tayo now. hanga ako sau.. god bless you!
God is good talaga sa mga taong mabubuti...hindi ka niya pinabayaan. napabilib mo ako dito, "Ang rason ko lahat naman ng tao mamatay mabuti ng mamatay na kumikita di naman maguguton ang pamilya" basta para sa family, ilalaban ng pasagan ng mukha.
I agree with Charles, ngayon lang ulit ako nakadaan dito sa blog mo busy kasi ako masyado sa work harhar.
Hindi rin ako naniniwala kargador ka haha!
Yngat palagi and Goodluck sa work!:)
what a nice testimony you just shared, the Lord really knows what's good for us. He is good all the time...buti na lang at hindi ka ngpumilit sa Iraq at sumunod ka lang sa will ng Lord! Nice move, Godbless you po
pose kung pose sa picture ah.. ahahaha
mabuti naman at masaya ka. Hindi ka pa din nakakalimot magpasalamat sa Taas... maging positive lang tayo lagi, may magandang mangyayari din satin.... saludo ako!!!
Hi Diamond R,
nakaka-inspire ang iyong kwento. we will always be in good hands with God.Hinding-hindi Niya tayo pababayaan lalu na yung mga may mabuting puso na kagaya mo. :-)
"Trust in the Lord with all your heart, and lean not on your own understanding; in all your ways acknowledge Him and he shall direct your paths." - Proverbs 3:5-6
wow.. ALHAMDULLILLAH.. hijndi ka natuloy sa iraq.. kung hindi baka kasama kana sa mga naiwan at inabandon sa air port.. pasalamat ka ng malaki.. dapat magpakabsa ka.. ehehehhehe... pero seryoso.. dapat talaga mag pasalamat ka.. kasi kung hindi.. ewan na lang... kahit dyan.. mag ingat ka.. anyway.. malaki ka namang tao eh.. kaya walang problema.. ehehe
i have friends who is currently working in Iraq. 2006 pa sila dun, until now hindi sila umuuwi dahil sa ban :)
ang ganda ng pananaw mo sa buhay. God Bless!
.. muntik ko na rin patulan yang iraq. dati di ako mapakali sa kinatatayuan ko, gusto ko ng mas malaking sahod. pero napagisipan ko, dapat magpasalamat ako kung ano ang meron ako ngayon na bigay ng diyos. simula noon, naging makalama ang kalooban ko at di pa naghangad ng lubos at pinasasalamatan lahat ng biyaya na bigay niya.
.. napadaan from chyng's blog kabayan. - rob from ksa
hala grabe... kawawa naman mga napunta sa Iraq.. ibig sabihin lab kang tunay ni Lord Almighty...!!
tnx GOd..at napigilan ka nya na magtuloy dun...
sa mga kaibigan mo dun
sana ok lang sila...
ingat lge..
GBU!
Charles- totoo yan. Kung iisipin mo ang lahat ng nangyari sa buhay mo ang lahat ay may dahilan at bahagi ng kung ano ka ngayon.Wala ka dapat pagsisihan kasi ang buhay na meron ka ngayon ay sapat upang ipagpasalamat ito. OPen your heart.Be cheerful & strive to be happy.
@Ka-swak- Kargador talaga ako yon ang alam ko sa work ko. kaya lang first day ko sa work naka long sleeve ako ng puting puti at with matching neck tie kaya nagiba ang tingin nila sa akin.Wala na akong magawa doon. pero sa puso ko alam kong kargador ako.Nadaan lang sa porma "first impression last"Masaya na silang nandoon lang ako sa site.At first pinoy.
@Mayen-Salamat naman.Pag ang magulang mo ang nasa isip mo kakayanin mo ang lahat para sa kanila. kailangan mong maging malakas at matapang.at minsan makakalimutan mo ang mga pansarili mong kagustuhan.Masaya ka na para sa kanila.
@mommy-razz-Ikaw ang unang nanay nakita ko na may blog.kaya i connect sa mga nararamdaman ng isang ina Dahil seguro sa ginamit mong name.alam ko madami pang nanay at tatay na pero di lantaran. I admired you being a cool mom.God bless.
@akoni- Hi classmate, oo nga talagang pag ang pamilya na ang paguusapan tatapang ka totoo yan.Tatawirin ang mga dagat aakyatin ang mga bundok para sa kanila.Babait ka sasama at the same time sa ngalan ng pamilya.
@Pluripotentnurse-Pahirapan talaga sa pangalan. i have to check your name ng tatlong beses para makuha ng tama. Pwede bang PPN na lang.
salamat pala.sa pagdaan kahit ikaw ay busi sa pagpapayaman.
@nash - Pag si God na ang gumawa ng paraan at obvious na ito mag surender na lang sa kanya.May plano siyang maganda.MInsan we are trying to find our diamond somewhere else e nakatayo ka na pala tayo sa isang acre of diamond di mo lang nakikita.
@leonrap- FPJ lang naman ang pose kong ito napansin mo ba ang angas ng porma.Yong roomate ko ang nagsabi niyan.ahaha.
Salamat sa diyos at he embraced me tightly sa mga panahon na ayaw ko ng makinig.Kaya close kami.Ikaw din naman.
@animus - ang timing ni papa God swak na swak.Di ka nya hahayaang sa isang bagay na alam niyang you deserve even better. Magtiwala ka lang.
Pero wag mo lang kalilimutang ipagsigawan ang desire ng iyong puso.kasi yon ang exactong ibibigay niya sayo.
@musigan-Pa hug Al.Magkaiba man tayo ng relihiyon pero ramdam ko ang iyong puso.madalas kong sabihin ito sa mga kaibigan kong muslim. I hug them kasi no words enough to appreciate nakikita ko ang napakandang puso na meron siya.Ipagpatuloy mong magpasaya ng ibang tao.they are the true diamonds sa buhay natin.RARE.
@Rob- sa mga panahong yon alam ko ang nararamdaman mo kasi yon ang nararamdaman ko.Mga panahong wala kang karamay at di mo alam kong ano na ang gagawin mo.Thanks for dropping by.
@bhing- wala na akong balita sa kanila mula noon. sa dahilang ang sinumang pumunta ng Iraq sa paraang ito dahil may Ban ay illegal at walang ibang nakakaalam sa kung nasaan ka maliban sa sarili mo at kung kanino ka nagpaalam. nakakalungkot lang na kailangan daanan ito ng ilang OFW.Si God na lang ang bahala sa kanila doon.marami ang napunta doon dahil maraming kailangan.
@kamila- ganon tayo ka love ni God gagawin ang lahat para sa kabutihan mo. kahit naman seguro pumunta ako doon di niya ako iiwan.siya haharap sa lahat ng panganib.Pero di niya na ako pinahirapan kaya he provide what i want. dito sa mismong kinatatayuan ko i found my diamond.acre of diamond.
@Jay rules- naaalala ko pa sa briefing sa amin para di kami mabigla pag datin doon. ang maghahatid sa amin ng sasayan ay from airport to camp.ay napapagitnaan ng mga armor car at tanke may nakabullet prook kami dahil inaambus sa daan palang ang mga sasakyang pumapasok sa camp.Doon maguumpisa ang laban ng buhay para lang kumita. Yon ang totoong papasukin ng mga OFW naglakas loob pasukin ang buhay na ito.Ganon kalakas ang loob namin.
yup. and u made a big impact wt d people u worked wt during dat 5yrs. salute 2u frnd!
it's always HIS will, but please remember we have ours too. and He cant control that. kaya we have to be more careful sa ating decisions. not eveything is HIS plans. minsan it's ours. kaya tayo napapahamak minsan..
Wow. Ikaw ay isang kargador. ^_^ Ok lang yan at least hindi ka napadpad sa isang mapanganib na lugar at baka kung anong mangyari sa iyo na masama. Tiyak madudurog ang puso ng nanay mo.
Sana ok lang yung mga kasama mo sana sa iRAQ. Pasaway yung recruiter nila ah.
ika'y mag ingat... baon mo ang panalangin ko kuya :)
naku buti na lang at hindi ka natuloy kundi baka walang blog na One Acre of Diamond
Sana naman naging ligtas ang kalagayan nila dun. Sana nakauwi sila ng ligtas kasi naalala ko may classmate akong nagpunta dun minsan daw pauwi sila ng dorn may nagpapaulan ng bala. God is really great in leading you where you should belong.
Post a Comment