Ang mga bakal ng buhay na nagpatatag sa aking paninindigan
Na experience ko rin yan minsan lang pero hardcore kong matatawag.
Pag nabasa ito ng isang kaibigan ko na taga Cebu segurado iiyak na naman iyon.Iya-khin siya.
Ito ang eksena.
Partime job
Ang gagawin magbubuhat ng mga isang tambak ng mga tubong bakal at ililipat sa isang lugar dahil merong gaganapin na pagdiriwang.Magiiyakan sila ng isang buwan di ko alam ang tawag doon tradisyon ng isang muslim malamang alam ito ng ating kapatid na siAl Pasumangil.
Nang maguumpisa na kami nakatingin sa akin ang kasama ko itago na lang natin sa pangalan Akoni. Nahahabag ang mukha namumula ang mata at biglang tumulo ang luha. na ikinagulat ko.
Naaawa daw siya sa akin. Sanay sa daw siya sa trabahong mabigat pero ako pero ako mukhang hindi.
Ito ang banat ko sa kanya.akala mo lang yan. trabaho ang hanap natin, ang nageenarte magugutom(para tumigil) mas mabigat pa ang kaya kong buhatin sayo 5'4 ka lang at 5'10 1/2 . O ano? Nagbubuhat kaya ako sa gym ng mga bakal at ako pa ang nagbabayad. Dito tayo ang babayaran. Come' on let's have fun ng matapos na. Buong araw naming ginawa yon. Slowly but surely ligid sa kaalaman kahit isa sa aming pamilya sa pinas.
Pero sa totoo lang ang puso ko ang nadudurog habang tinitingnan siya. Naiisip ko pano kung sa kapatid ko ito nangyayari.
Sa puntong ito pasinsiya habang sinusulat ito na naiiyak na ako.... sandali lang ako'y tao lamang. kailangan ko si mommy -razz
Naekwento ko ito ngayon kasi isa siya sa makakasama ko sana sa Iraq pero sa medical palang bumagsak siya dahil sa Hepa.
Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng humaguhul sa isang tabi sa hospital na parang sinukluban ng mundo. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa kanya. Naka antabay lang ako nakaabang sa kung ano susunod niyang gagawin baka biglang tumalon. Di ko siya iniwanan. Yong care niya sa akin kahit sa mga salita lang at paluha luha dito ko sinukluin- Dinamayan ko siya sa kabiguang ito.
Ito ang mga bonding ng mga OFW pinoy sa UAE di magkakakilala pero may iisang layunin kahit anong bigat at hirap lalampasan at kakayanin.
Sa nauna kong post click here.. Ngayon ko lang mas lalong naintindihan ang dahilan ng diyos bakit may bagay na di man natin lubos matangap sa kaagad-agad pero sa tamang panahon malalaman mo ito.Siya ang humikayat sa akin sa Iraq, mas determinado siya tungkol dito pero una siyang pinigilan.Pumapangalawa lang ako.
Sa ngayon kung maligaw siyang magbasa ng blog ko . Miss you bro.
Kung di man niya nakuha ang Iraq Pinalitan naman ito ng diyos ng isang asawang si Kamila at mga anak na sina Rap, Mayen, Jhengot at Sey. May hihigit pa ba sa mga kayamanang yan?
note: Ang mga pangalan ay sandyang pinalitan ng mga ng sikat na bloggers sa panahong ito.
32 comments:
naku nakaka-relate ako ng konti, kasi ang bf ko nasa UAE din. Medyo hindi rin nya linya ang ginagawa nya dun. Dito supervisor sya ng store nila doon medyo malayo sa pagiging supervisor ang ginagawa nya. pero ginagawa nya yun para sa amin. Hindi para sa pamilya nya kasi okay naman sila dito para sa aming dalawa talaga. ang sweet diba?
Gusto ko yung line na ito “Ngayon ko lang mas lalong naintindihan ang dahilan ng Diyos bakit may bagay na di man natin lubos matanggap sa kaagad-agad pero sa tamang panahon malalaman mo ito.” Naniniwala ako dun. Kapag may nararanasan akong sobrang hirap iniisip ko lagi na balang araw mapapaliwanag kung bakit nangyari yun at mas maiintindihan ko.
Thank you sa pag sama sa akin sa mga sikat na bloggers. Kahit hindi ko naman nararamdaman na sikat ako dito. Hehe.. natuwa ako sobra. I’m sure malayo ang mararating mo (nasa UAE ka na nga eh) kasi positive ang outlook mo in life. God bless!
At ang haba ng comment ko pasenya na. hehe..
nakakaiyak naman toh.. alam mo sa tuwing nakakakita ako ng manong o manang sa kalsada na hirap-hirap na namamalimos nakikita ko sakanila ang mama't papa ko. Pag sa jeep naman may nakaksabay akong construction worker na banat na banat ang amg kulubot na balat, nakikita ko ang papa ko.. Napakalungkot, kasi wala kang magawa, kung meron man, hindi sapat... tama ka, iba talga yung naibibigay ng pagtutulungan kahit di kayo magkakakilala... Isasama ko sa prayers ko ang tao sa likod ng kwentong ito.. (yes andrama ko!)
" Ang mga pangalan ay sadyang pinalitan ng mga ng sikat na bloggers sa panahong ito. "
--------
may ganun? ahaha...
katouch naman tong entry na ito...kala ko talagang magkakarelate kayo ni Iya, Al at Akoni... pero binago din pla ung name.... kaw naman ang nakakaalam ng kakayahan mo eh.. kung magpapatalo ka sa sasabihin ng iba, para ka na din sumuko. may layunin ka at gawin mo yun!
be strong po! ^^
Alam mo ba kuya ROmmel... bago ko simulan basahin toh.. sabi ko.. aba magtatampo yata ako kase parang lahat ng kilala ko nandito..sabay ako wala.. yun pala nakalimutan mo lang i-link.. at ang dami ko namang anak.. hahahahahha...
Nice one kuya!
kakaiba din tong sau ah, salamat napasama ako..
ay kakalungkot naman ang kwento mo .. im touched :(
maswerte pala si papa kasi nagwowork siya ng nasa linya nya..haaay
nakakaiyak naman ito, una kasi ang daddy ko nag-OFW din sa Sudan. mga pinsan ko nasa abroad din. Parang ang hirap ng pinagdadaanan ng lahat ng mga OFW dahil una sa lahat hindi linya ng iba ang trabaho nila. Mahirap yun lalo na kung maging kargador pero kinkaya para sa pamilya.
Tulad ni Mayen, gusto ko din ang linyang “Ngayon ko lang mas lalong naintindihan ang dahilan ng Diyos bakit may bagay na di man natin lubos matanggap sa kaagad-agad pero sa tamang panahon malalaman mo ito.” Palagi kong pinanghahawakan yan tapos sabay sabi na sige kung ito ang gusto mo for me, kakayanin ko.
Salamat at napasali ang name ko sa mga pseudonyms.
Wow!!! habang binabasa ko ito.. nararamadaman kita.. nararamdaman ko ang hirap na dinadanas mo.. yung pagbubuhat.. although hindi naman ako nakapag buhat ng bakal.. pero nasubukan ko na yan.. minsan sa buhay ko.. naranasan naming mmagpapamilya ang maghirap... alam mo yun?
tanging si Paps lang ang may trabaho sa amin,... tapos si mama naman ay may maliit na pwesto sa palengke.. kung saan mga produktong tela galing china ang binebenta niya... isang araw... nasunog ang building kung saan kami nagtitinda... ayun.. mha halos isang taon din kami.. namalagi sa Bangketa upang magtinda... at lahat ng paninda ni mama ay binubuhat namin at hinahakot pauwi ng bahay... at ganun din ang ginawa namin kinabukasan... mula sa bahay hinahakot naman papunta sa palengke.. ang masaklap pa eh .. eh hindi lang kami isa o dalawang beses na ulanan... si mama na may sakit.. ayun kawawa naman at nakaupo sa bangketa...
thanks for sharing this...
tulad ni Mayen at Sey gusto ko rin ang linya mo na "ayon ko lang mas lalong naintindihan ang dahilan ng Diyos bakit may bagay na di man natin lubos matanggap sa kaagad-agad pero sa tamang panahon malalaman mo ito." kasi.. when my long time partner broke up with me last 2008.... sobrang sakit ang naramdaman ko nun.. 8 1/2 lang naman kami... ayun.. wala lang.. di ko maintindihan.. bakit kailangan matapos ang pagsasama namin.. ng ganun ganun na lang.. so far.. now ko lang mukhang naiitindihan... ang lahat...
P.S.
hindi ko po alam ang tinutukoy mong iyakan ng halos isang buwan? ano kaya yun? naging curious tuloy ako.. baka tradition lang talaga ng taga UAE yan.. kasi dito naman sa Saudi.. meron din ako nakikita na tuwing ramadan.. pagsapit ng 6pm eh nagpapaputok sila ng kanyon.. ehehheh
huwawww...ung story ko, romance-comedy, ung kay rap, love story, itong sayo, family-drama, horror nalang ang kulang...hehe..
magaling...nafeel ko. wala talagang hihigit sa pamilya.
@mayen-Gusto ko itong ekwento dahil gusto kong mahalin ng lahat ng tao ang sinumanang kilala nilang ofw.Karamihan sa kanila ay masayahin,gwapo at makinis tingnan parang ako. joke. pero may mga dinadaanan silang mga sacripisyong wag nating kalilimutan.na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.drama ko ano.
Unang-una... WOW! Taas mo pala bro!.. hehehe
Ganyan talaga pag nasa abroad na. gagawin ang lahat para sa pamilya. Kaya tinuturi kayong mga bayani....
Naalala ko lang ang kantang.... "bagong bayani, and sandata ay luha....".... nakakaiyak at nakaktouch ng sinulat mo bro
@jhengpot- Kung ganyan ang nararamdaman malaking bagay yan na tutulong upang mas higit mong maunawaan ang mabuhay ng may puso sa kapwa.Feeling the pain ng kahit na ano.kahit ang hayop or mga puno. Naguumpisa siyan sa pamilay. Ganyan din ang nararamdam ko sa mga matatanda si mama ang nakikita ko sa kanila.Mahiwaga ang buhay ng tao kung bakit meron tayong mga ganong pakiramdam.
@Leonrap- Totoo yan. Ikaw ang nakakaalam ng kakayahan mo.Lahat ng bagay ay kaya mo.Pag ginawa mo panindigan mo ng masaya kong di naman magpaalam ka ng maayos at maghanap ng kung ano ang sa tingin mong magagawa mo ng maluwag sa iyong puso.
Magpasalamat sa mga taong nagpaparamdam ng kanilang pagmamahal sa kahit na anong paraan. nandiyan sila dahil bahagi sila ng iyong buhay.
OO kayo ang sikat ng bloggers sa mga panahong ito.
@kamila- Ikaw pa ang mawawala.magastar ka na sa blogosphere.Keep your light shining.
kalungkot naman to... grabe naman yung paghihirap ng isang OFW... sa ibang bansa...
eto lang masasabi ko.. isa kayong HERO...
kahit anong mangyari eh... sumusurvive ang lahing pinoy...
@Sey - Malamang meron din silang mga kwento tulad nito pero di ibig sabihin e kawawa na sila.Di ko minsan naiisip sa aking sarili yon dahil alam kong lahat ng tao ay dumaraan sa ibat ibang pagsubok ng buhay.
Pero madalas ang ayaw naming magkwento sa mga malapit sa puso namin dahil ayaw namin silang magalala.Mas gusto namin silang maging masaya dahil yon ang sadya namin sa abroad ang bigyan sila ng ginhawa.
kaya dito na lang ako sa blog magkwekwento.ng mga trials na napagtagumpayan sa tulong ng diyos.
@musingan- damang dama kita ngayon sa haba ng comments mo. a form of prayer daw yon ng mga Iranians Muslim, di ko alam kong may connection kay Imam Hossein.Pinapalo nila ang kanilang dibdib.
May mga time na kailangan nating ikwento ang mga trials natin dahil masarap silang balikan.
Life is good.Mahirap pero yon ang nagpapaganda ng buhay.
huaw..nman...another story!
leufets!!!
kua Diamond kelan po kayo
mag-o-audition?!
sabay tayo ah!!!! jejeje
@mommy-razz- sana di mabasa ni mama ang kwentong ito kasi iiyak yon malamang. Lagi kong sinasabi kay mama na wag niya akong aalalahanin dahil si God ang kasama ko dahil gabi gabi niya akong ipinapanalangin kay God.Malakas ang mga nanay kay papa Jesus at mga panalangin nila ay powerful and effective.tagos hangang buto.
kaya dapat minamahal ang mga nanay.
Love you mommy- razz
@SuperJaid- Masuwerte ang mga OFW may pamilaya,Kapatid,mga anak na nagmamahal sa kanila.
Palagi mong iparamdam yan sa kaniya dahil wala silang ibang iniisipa kundi kayo.minsan nalilipasan na sila ng gutom at kung ano ano nalang ang kinakain dahil walang pamilayang nagaaruga.
@akoni- Oo nga. napansin ko comedy romance yong sayo, kay rap love story at sa akin family drama. inulit lang ang sinabi mo.
sa susunod magcocomedy naman ako.
Natutuwa lang ako sa mga ginagawa niyo kasi we find connection sa buhay buhay.
Magpatuloy kang maging ilaw para sa lahat akoni.
kakatapos lang basahin...
ermmmm...at dahil jan naalala ko si ate...
nakakalungkot dahil ang laking hirap ang kapalit ng bawat pirang pinapadala para sa pamilya..isa pa ay malayo ka sknla...
be strong pfowhz kua!
ika nga ng mga students ko...AJA!
means fighting!!
jejeje
@Yannie - salamat sa pagdaan dito sa bahay ko sandali templahan kita ng chai at pakakaining ng matamis na dates.
Nakakagulat bang matangkad ako kasi reaction din ng iba yan. di daw halata na matangkad ako sa mga pic pero pag tumayo ayon na.towering heights.
salamat sa pagbasa.
@lhuloy- tara nag hahanda na ako sa aking audition. basta kita kits na lang doon sa bahay ni kuya.
YEAH. GOD HAS BETTER PLANS ;)
hanga ako sa mga katulad mo bro magigiting na Pilipino, hindi tlga madali ang malayo sa mga mahal sa buhay at sa bayang sinilangan. Ingat!
it's what I call, blessing in disguise.. it's a gift to be able to understand and accept that God has a bigger plan. :)
hands down ako to those working abroad. dream ko mag-work sa SG pero i still haven't got the courage. hihi. :)
waaah!! nawindang ako!!! talagang nangunguna sa listahan?!!! hahahaha! oi malapit lang ako sa cebu sa tacloban ang probinsya ko..
oo hirap talaga,malayo sa pamilya though kasama ko sila pero mas masaya parin kung kumpleto ang angkan...
naloka ako kay kamila! waah! dinaig pa ako sa dami ng anak nya! hahahah apir!!
EB na tayo malapit na!!!!
@akoni ako gagawa ng horror!! hahahah
Nice parekoy! simple way of tagging din yan in a manner na napost mo pa yung story regarding OFW. hhehe..
Yun nga lang wala ako.. hehe, kung sa bagay, di pa ko sikat. hehe
Mabigat na pasanin nga ang binubuhat ng mga katulad ninyo na aming kababayang OFW. Malayo sa pamilya kaya kapag naharap sa problema ay mga kababayan lang ang natatakbuhan.
Ipagdasal mo ang iyong kaibigan. Nawa siya ay nasa mabuting lagay.
Post a Comment