Wednesday, April 20, 2011

Priceless Moments

Nagpapalit na ng panahon dito sa UAE .Dalawa lang ang mararanasan mo Mag ka sandstorm - ang mga buhangin ay nagsasayaw sa kalsada, swirling in circle up and down. O kaya naman umagang nababalot ang buong paligid ng white smoke dahil sa fogs.

Gumagapang ang sasakyan namin ngayong umaga dahi zero visibility. Senyales lang ito na ang taginit ay nasa kanto lang.

one foggy morning in mussafa kanina lang
mas enjoy ko ang mga ganito pero sana ice falling naman parang sa UK
kodakan with Pakistani foggy morning background

Tulad ng pagpalit ng panahon may nakasanayan akong trip lang na pagpalit ng pangalan at nationalidad ayon sa grupong gusto kong kausapin.

Pag dating ko ng site area inabutan ko ang mga pakistaning ito naguumpukan.Nagtayuan sila ng bigla.Nagulat.

Sabay ngiti ko at bati ng walang kasing tamis.(imagine the the delivery and movements)
" Assalamu alaikum! meranam Aspaq khan, from Pakistan "

Instant changes of faces - gumuhit ang matatamis na ngiti at aaliwalas na mga mukha. Kung anong hiwaga meron ang kahibangan kong ito di ko maipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman ko sa mga likod ng ngiting ito.

My name is Aspaq Khan from Pakistan. Spiel ko yan pag pakistani ang naguumpokan.Ramesh pag mga Indians.Meron ding version na para sa Bangladeshi

Ikaw na ang makarining ng isang Indianong kumakanta ng" Bahay kubo" or Pakistaning sumasayaw ng" osto osto" kung di ka matutuwa.

Madalas kong gawin ito sa bakala or sa labas ng camp At asahan mo may magbibigay sa akin ng libring tea o kaya tinapay. at pag nagluto sila ng special na beryani may ipapadala ang mga yan sa aking room. Ang di matawaran mga ngiti ang di ko makaakalimutan sa mukha nila Panandaliang nakakalimutan ang hirap dala ng trabaho sa araw-araw.Pero ngayon nakikihalubilo at nakikiisa.

Priceless moments.
Diba libre lang naman?

Wala lang Masaya lang ako.Umaapaw



43 comments:

Roy said...

gusto ko ring makaranas nyan! hehehe

Ka-Swak said...

sandstorm dito sa lugar ko at wala ng lamig...sign na papasok na tag init.

mas magandang makitungo mga pakistani kaysa sa indians pero mas magandang utusan ang mga nepalese kasi matatakutin sila hehe

bulakbolero.sg said...

pagkabait ga kaya ka pinagpapala ser.

\m/

Anonymous said...

Ahh.. may nakita ako dating picture sa google.. isang sandstorm. Nakakatakot.. :( Super foggy naman. Kakatakot rin magbyahe ano, kasi zero visibility..

Haha.. Natawa namn ako. Ayos ang diskarte mo ah. Nagpapalit ka ng name, base sa mga nakakahrap mo? Hihi.. Matry nga yan.. joke. Hindi ko naman pwedeng magaya ang trip mo, puro Pinoy mga kaharap ko eh. lol.

Hehe. Sige. Join ako sa kasiyahan mo, Kuya Rommel. :D

Rod Rivera said...

bigla kong na miss ang middleast, lalo na yung pagpalit ng panahon na inaatake ng rhinitis, kaya may bitbit ako laging steroid spray.

Anonymous said...

Hahaha, namiss ko bigla ang middle east pagnagbabago ang panahon,inaatake ako ng rhinitis, kaya singhot ako ng singhot ng steroids.

Sey said...

yahaay, buti masaya ka. ako din masaya kaya sasabayan kita sa pag-sayaw ng otso-otso at pagkanta ng bahay kubo.

Stand-out ka dun sa picture! hehe! Matanong ko lang bakit naman paiba-iba ang name mo? may ready made na pangalan. Halatang napaka-saya mo ngayon, at dahil diyan, I'm happy for you.

nga pala, san ko isesend yung link para sa tutorial ng signature and yung link para sa fonts download?

Diamond R said...

@hi I'm Roy - Try mo minsan matutuwa sila sayo.reaching out ba sa ganitong paraan nga lang.

Diamond R said...

@Ka-Swak-noong mga nakaraan sandstorm parang bumabagyo ang sound. pero dito kanina foggy naman. bukas ano kaya.
oo napansin ko rin mababait ang pakistani, wala kaming nepalese kaya wala akong idea para silang pinoy din ano.

Diamond R said...

@Bulakbolero.sg- Di naman mukhang Suplado kasi ako dahil masyado akong seryoso.at di pala kwento kaya kailangan mag reach out para masaya.Bumabawi lang ba.

Diamond R said...

@leah- actually nakakatakot talaga ang sandstorm kasi may kasama siyang malaka na hangin. minsan lahat ng bagay nagliliparan. mga yero lamesa at kung ano-ano pa kaya kailangan wag lalabas.

mahirap nga ito gawin diyan kasi dito lang ito pwede.

reaching out lang ito leah.

Diamond R said...

@Rod Rivera- saan ka dati dito sa Middle East.thanks for visiting at pagiwan ng comment.

Diamond R said...

@Rodridgo75- ikaw pa din ito. mukhang nahirapan kang mag comment.kaya you tried both your ID

Diamond R said...

@Sey-salamat, nagpapaiba iba lang ako ng name kasi napansin ko tuwang tuwa sila pag ganon ang pakilala ko sa kanila alam naman nila kung sino talaga kao.

send mo na lang dito. rommelcarrascal@yahoo.com
salamat ulit.

Diamond R said...

@Sey-salamat, nagpapaiba iba lang ako ng name kasi napansin ko tuwang tuwa sila pag ganon ang pakilala ko sa kanila alam naman nila kung sino talaga kao.

send mo na lang dito. rommelcarrascal@yahoo.com
salamat ulit.

animus said...

hi Diamond R,
ang bait naman. :-)...nakakatuwa yung picture ninyo..madami din kasing pakistani na nagkalat sa may park dito sa amin, gusto ko silang kunan ng picture pero stolen shots lng sana.

Sey said...

nasend ko na po yung links sa email address mo! hehehe!

Anonymous said...

kailan kaya ako makakakita ng sandstorm? hehe! how i wish.

umaapaw din ang kaligayahan ko para sa you..

2ngaw said...

astig!likas na talaga sa mga Pinoy ang makisalamuha sa iba kahit hindi kalahi :)

Anonymous said...

Eee! Kakatakot pala talaga. Eh di pag merong sandstorm, stay indoors lang tlaga kayo.

Sagot mo sa comment ni Bulakbolero, di ka masyadong makwento? Hmm.. A man of few words ka pala, Kuya. :)

P.S.
Natawa naman ako sa comment mo sa blog ko. Para-paraan nga lang talaga ano. hehe. Open na ulit ang comment boox ko, pwede ka nang bumalik dun, Kuya. lol :)

Kamila said...

Alam mo, dito sa litrato ko toh na toh napatunayan na..na... na.. ANG TANGKAD MO!

anney said...

nakakatuwa namn yung indianong marunong kumanta ng bahay kubo! hehehe!pati pagsasayaw naituturo mo sa kanila. Dami siguro natutuwa sayo jan kasi nagkakapagbigay ka ng saya sa kanila.

musingan said...

ahaha.. lakas din ng trip mo no? ahahah... ako namna eh madalas akong magpretend na Indonesian or Malaysian.. kase medyo magaling akong mag Malay..

Uu nagsandstorm din dito.. pero salamat at katulad ng UAE.. tama lang ang sand storm dito sa Riyad,.. pero sa Jeddah nag zezero visibility talaga...

PrincEss said...

uu nga...nagbabago na ang weather! huhuhu! mainiiiitttttt na naman! waaahhhh!!

ang Pakistani dito sa ofis namen eh manyakol! hahaha! kaya di pdeng sumabay sa picture at feeling nila eh may gusto na sa kanila. hahaha!

bilib ako sa'yo ;-)

iya_khin said...

masaya talaga yan!!! minsan kahit nakakairita pag nakita mo sila tas naamoy matatawa ka talaga! ahahaha! joke! oo nga nagpapalit na ng weather dito..mainit na...nag-fog sa inyo dito umuulan naman.

Xprosaic said...

Naks! gutso ko rin matuto ng napakaraming lengwahe para kahit sino pwede kong kausapin sa lengwahe nila... hehehehehe

Unknown said...

muka ngang happy ka! Infectious talaga ng pag-ngiti. Kaya smile some more. You are friendly. pero ganun naman talaga dapat kapag nasa ibang bansa ka. Kasi kahit papano ang mga kasama mo sa work na ang nagiging pamilya mo.

Hindi ko pa naranasan ang sandstorm, obviously, pero parang ayaw ko sya. Hindi sya masaya. hehe..

Oyy.. Go go go ka sa pag grab ng award. sabi ni sey sa comment nya sa akin excited daw sya malaman ang 7 facts about you! ako din excited! Kaya gagawin mo yun ah? hehe.. Naaliw ka sa chat box ko pabalik-balik ka. hehe.. thanks..

oo close na tayo. Kasi dahil sa ni-link kita sa post ko nalaman ko na pangalan mo. hehe.. syempre naman di ko naman lagi tinitignan ang URL. Andun lang pala ang sagot sa mga tanong namin. Ngayon alam ko na ikaw si Rommel kaya close na talaga tayo. Grab the award. You deserve it!

Diamond R said...

@animus - marami talaga sila kahit saan naguumpukan lalo na pag walang pasok.nakakatuwa sila kunan kasi ang mga damit nila kakaiba.

Diamond R said...

@Sey -One acre of thanks Sey. pag aaralan ko yon.

Diamond R said...

@mommy-Razz- Salamat mommy Razz, Masarap sa pakiramdam pag masaya ka. salamat sa diyos.ito ang di mo pweding bilhin pag gusto mo

Diamond R said...

@LordCM-Likas nga sa mga pinoy ang maging friendly.kaya we survive kahit saang lugar dahil sa ugaling ito.

Diamond R said...

@leah-Yon ang sinasabi ng mga ka org. ko dati pag may open forum. nahihiya daw silang lumapit sa akin kasi parang suplado or baka di mamansin mapahiya sila. Kaya para di mangayari yan inuunahan ko na. pero mas gusto kong tahimik lang sa grupo. otherwise makikipag kwentuhan lang ako sa isang tao.
madaldal ako sa chat.pero sa personal tahimik masyado.

Diamond R said...

@kamila- Oo nga ano. ngayon ko lang napansin yan.nagmukhang maliliit ang mga pakistani.

Yon minsan ang tinatanong nila sa akin bakit daw ako matangkad samantalang karamihan kasing pinoy na nandito sa amin mababa lang. Yon ang alam nila. Ang biro ko sa kanila di naman ako Filipino I'm from Pakistan.

Diamond R said...

@anney- ako ang nagturo sa kanilang kumanta ng tagalog. tuwang tuwa sila.
minsan kukuhanan ko ng video. Kumakanta rin kasi ako ng hindi songs kaya gusto rin nilang matuto ng tagalog songs

Diamond R said...

@musingan- Naging katuwaan ko na ito tulad nila natutuwa din sila sa akin at least pag maykailangan ako lahat sila nag vovolunter. Pag nagbabaksyon nga sila pag balik nila may mga pasalubong pa yan sa akin.

Mabuti naman diyan di gaano ang sandstorm.nasa city kasi kayo kaya puro bldg. na

Diamond R said...

@Princess said - Karamihan kasi sa kanila mga labor lang kaya takot ang mga yan magpakita ng di maganda.pero pag medyo wala sa lugar sabihan mo lang ng Harami. magaayos na yan.
thanks sa pagbisita.

Diamond R said...

@Iya_khin- talaga uumuulan diyan. dito Foggy lang pero ngayon wala ng Fog sobrang init na kanina lang.

Diamond R said...

@xprosaic - masaya ito.kasi natutu ka rin. sabi nga nila 100 % daw ang pagkakabigkas ko.parang tunay na tunay.

Diamond R said...

@mayen- close na tayo.Diamond is my middle initial kaya yan ang ginagamit ko dito kasi mas kilala ako dito sa UAE sa middle name ko. Kaya ang blog ko ay one acre of Diamond dahil doon.connect connect lang ba.

Sana magawa ko nga yon kaagad.
thanks nga pala sa chat box.
mahalaga sa akin ang chat box kasi I blog for friendship. gusto kong maging kaibigan ang mga bloggers at maging closed sa kanila yon gusto ring makipag kaibigan lang.

Rap said...

ahaha.. bakit wala kang uniform kung uniform man yun suot nila... pwede bang maguwi ng sand jan tpos uwi mo dito sa pinas?.. ahaha... parang sand lang sa boracay, inuuwi.. ahahaha

Rome Diwa said...

I wide, bright, and sincere smile could change the world.

The Cuisineuer
Romepedia
Cruiseuer

Roy said...

sarap cguro makaranas ng ganito.

Ishmael F. Ahab said...

Pakistani na nag-otso otso. Aba dapat itong ma videohan at mai-share sa amin. :-D

Oo, maganda nga yang experience mo d'yan atsa litrato, ikaw ang pinaka-astig.

Buti fog yang nakikita mo sa umaga. Dito sa amin sa Manila eh usok tuwing umaga. Buti at may baga pa mga tao dito.

top commentators

Get this widget

Yiruma