Saturday, April 23, 2011

Good Friday-" I want to know what love is"

Bulakbolero ako kahapon.Nasa Abu dhabi City .Dala ko ang librong ipapahiram ko kay Laser kapalit ng Librong pinahiram niya sa akin eh pagtawag ko pumipikit na para matulog galing din sa lakwatsa. Kaya next time na lang ulit.

Kaya ako nasa AbuDhabi dahil kagabi napanood ko for the first time ang music videong ito ni Maiah Carey na" I want to know what love is" ikaw Iya_khin napanood mo na ito? Kong napanoond mo na ito good pero kung hindi pa panoorin mo kasi di lang sa maganda ang kanta pero ang ganda ng message at pagkakagawa ng video.

Suggestion ko lang if you want to know what love is? Ang una mong gawin mahalin mo muna ang sarili mo.Love yourself more than anyone else ever can. Dahil kong hindi mahihirapan kang gawin ito or maiintindihan.Tanungin mo pa si mam Sey at mam lhuloy o kaya si Jheng pot

Kung kaya lulubos -lubusin ko na ang pagpapaligaya sa aking sarili.Bibilhan ko si Diamond R ng Bagong Rubber shoes. May mga suggestion si Laser na shoes store na pinuntahan ko naman. Kaya lang di ko gusto ang kanilang mga design ng shoes pang matanda. Sina Nike, Addidas at Reebok pa rin ang pinagpiliian ko. (cool at swabe) at kay Reebok ako nagkasya.tulad ni Al Pasumangil gusto ko ang mga Branded. Alam mo na kung bakit dagdag pogi points din yon at feel mo talaga na mahal mo ang iyong sarili dahil di mo tinatawaran.

Request niya e kodakan talaga ang shoes kaya ito na yon. syempre isinuot ko na kaagad. Para sulit.

Magpapakuha sana ako ng picture doon sa pinay na sales lady na kamukha ni leah beside the maniquin mag ala maniquin pero nahiya ako. Magandang idea sana sa blog yon kulang pa sa kapal Moks. Pero next time lalakasan ko ang loob ko na tulad ni Leonrap at Jay rulez.

kaya sarili ko na lang ang pinagtabi ko sa tulong ni Photoshop.
focus on the shoes


Hiraman books mode

Para sa tanong ni Mayen kunti na lang 6 ft na ako ikaw na ang magimagine ng 6ft kasi sa pic di mo maiimagine yan..At tulad ng reaksiyon ni kamila sa photo ko with some Pakistani workers.Madalas ko din yan naririnig sa iba "ay ang tangkad mo pala" opo, may gulat factor. Di kasi ako obvious ang tangkad ko maliban na lang kung magtatabi tayo or may kasama sa pic.May mga ganon talaga.At sayo Al bibigyan kita ng Isang pulgada lang naman ang hinihingi mo pag nagkita tayo.

Ito ang video titigan niya ang mata ng the kid may naramdaman ka ba sa kislap ng mga mata niya.pwes ako meron parang nakita niyo na ang mata ko. wohhh. di ba mammoy_razz.

Akoni na ang magulo at walang magawa sa buhay at least napagsama sama ko ang gusto kong mangyari. Sa isang post. Pasinsiya na po sa mga nanahimik isinali sa kalokohan.

27 comments:

mommy-razz said...

aba aba, pormang model ah. oo na cge na payag na ako.. hehe!

gandang kanta nga yan..

Akoni said...

hahahaha....first time ko ata makabasa sayo ng ganito, super kuleeeettt na blog..hahaha, kadalasan kasi mga aral...nakakatuwa, hindi tuloy ako makaconcetrate sa laman ng kwento mo dahil sa mga name namin..hahaha..nice one..

-by the way, pahingi din ng HEIGHT Mo...LOL...kakainlab ang height mo.

PluripotentNurse said...

Yeah maganda nga ung kanta na yan!:)

Syempre kaw na ang malaki ang sahod kaya dapat branded ang mga gamit lol.

Peace. See u soon DR :)

mayen said...

akala ko wala ako. magwawala na sana ako at babasagin ang mga diamante mo. (teka nababasag ba yun?) bakit ganyan ang mga post ngayon mga bagong gamit. sana meron din ako. hehe.. matangkad ka nga almost 6ft. Akala ko nga more that pa.

Ang galing ng post na to ah? napagkasya mo kami lahat. hehe..thumbs na naman..

Nice shoes by the way!

Leonrap said...

anong ikinalakas ng loob ko?... ahaha... may inutusan ka na naman siguro pakistani or kung sino man yun para magpicture sayo....


pabili ako ng adidas jacket!!! ahahah utang!! LOL

Leah said...

Hahaha.. Naaliw ako sa post na to, promise.

Tama ka, Kuya. Dapat love yourself muna. Diba merong linya si Maja Salvador sa show nila ni Coco martin.. "Mahalin mo kaya ang sarili mo, para malaman mo kung gaano kahirap." ... Wala, shineyr ko lng yan. hehe.

Dapat muna, kilalanin mo nang lubusan ang sarili mo.. kilalanin ang mga flaws.. tanggapin mo ang lahat-lahat sayo at ng kung anong meron ka.. at mahalim ang sarili mo. That way, you can share the love..

Napasmile ako dun about sa shoes, pero that's true. Kung kaya mo namang bilhin, eh bakit ka pa tatawad diba? Still, meron tlgang times na kelangan mong maging masinop.. pero i think kung gusstong-gusto mo talga and you believe that you deserve it, then GO.. bilhin mo, kainin mo, kunin mo. Because you deserve only the best.. no less. :))

P.S.
Sana nagpa picture ka sa kay ms Sales Lady.. eh di napost mo dito sa blog yung picture.. Magkmukha ba talaga kami? hmm.. I doubt it. Im sure mas maganda ako. Bwahahaha!!!! Kapalmuks lang. :P

musingan said...

ay ayaw ko na magcomment.. ang haba ng comment ni Rap eh.. sinabi na niya lahat.. ehehehe.. joke.. natawa ako sa post mo.. parang hindi ikaw yan.. teka.. ikaw nga ba talaga gumawa nito? hahahha... tawang tawa taaga ako.. super like... huwaaaaa.. nasali pa pangalan ko.. anyway... maganda naman ang brand ng Reebok.. ehehhe.. sayang sana nagpapicture ka sa sales lady.. kung ako yan.. wala akong paki.. gora lang... yahoo. picture dito picture duon... eheheh... hmmm.. i am wondering kung ano sasabihin ni SEY sa post mo.... @Mayen.. 5'10 ang batang yan.. para hinid kana magimagine pa.. eheheh.. tatangakad pa yan.. kasi iinom daw siya ng cherryfer.. eheheh

~ JaY RuLEZ ~ said...

ang pugeeeeee..hehehe


ayos ang gala nyo sir hehehe

at maganda ang shoes..
ang tangkad nyo nga.
pahingi din ng isang pulgada :)


malakas talaga loob ko :)

happy easter sir!

Sey said...

sige na natawa ako! ang galing nito tatalgang nahanapan ng pwesto mga names namin ah! galing! naalala ko tuloy dati pag gumagawa ako ng love letter, title naman ng mga songs ang ginagamit ko para astig. nyahaha!

konti na lang 6 FT. penge din ako konting height kasi tulog ako nung namigay niyan. gusto ko tumangkad pa ng konti. wag ka na uminom ng cherryfer, ibigay mo na lang samin yun nila @Al at @Mayen! okay!

Ako pa alam mo kung ano ang gusto ko bilhin! Personalized Nike running Shoes. pag-iipunan ko yun!

Mahilig ka din pala magbasa. sige pag-uwi mo pahiramin kita ng books

LASER said...

dami papuri sa height mo mel! ngayon ko lng din narealize hehe matangkad ka nga talaga friend! yun book hiramin ko pa rin yan!

Kamila said...

parang naiyak naman ako sa video.. hahaha... at oo ikaw na matangkad nga.. di halata sa mga pics talaga...

Mr. Chan said...

prang bigla akong ginanahan magbasa ng book kasi sa mga title. Nice post!

Diamond R said...

@mommy-razz- Pormang model talaga. Mommy ka nga. ganda ng pagkakagawa ng video.

Diamond R said...

@akoni- sa dami kasi ng nangyayari sa akin sa araw araw minsan you just have to write it kaya lumalabas na madrama ang buhay.Pero gusto ko kasing magbasa ng mga blog na makukulit kaya hawa-hawa lang.

Diamond R said...

@Pluripotentnurse- Malaki ang sahod sana magdilang anghel ka.

ang branded na mga gamit talaga namang maganda compare sa wala. pag mga ganito minsanan mo lang namang bibilhin kaya dapat sulitin na.

Diamond R said...

@Mayen-Ikaw pa ang mawawala. Pinagkasya ko talaga kayo kasi masaya ako gusto kong kasama kayo. kahit na ang lalayo natin.pero sa puso malapit lang.isang click ka lang

Diamond R said...

@leonrap- Arabic ang kumuha sa akin. nagmagandang loob. Ito ang sabi niya habang kinukuhanan ako enjoy.

malakas ang loob mo dahil from PUP ka alam ko.

Diamond R said...

@leah- kamukha mo nga nag sales lady.sayang bawal lang ang babae kunan ng picture dito.

Diamond R said...

@jay rules- gumala gala parang pusang gala.nakakatamad din kaya ang lumuwas ng lungsod kasi napakalayo na aming camp sa AbuDhabi.

Diamond R said...

@musingan - Ako talaga ang gumawa nito. ano ang cherryfer na yan.ngayon ko lang narinig ito.

Diamond R said...

@Sey-ngayon lang ako nahilig magbasa ng books pero mga self help books ang gusto kong basahin.Pag uwi ko pahiramin mo ako.Let me know ano meron kang books.

Diamond R said...

@laser- Oo nga ako nga minsan di ko ito napapansin. But salamat sa diyos sa height. bihira nga naman ang pinoy na ganito ang height. salamat sa dugong banayaga ni papang.

Diamond R said...

@kamila- ang ganda ng video.galing no. di daw ito nagclick na videong ito. bakit kaya.

Diamond R said...

@Mr. Chan- Ganda ng books na yan.Treasure talaga to have them.

Diamond R said...

@Mr. Chan- Ganda ng books na yan.Treasure talaga to have them.

Ishmael Fischer Ahab said...

Ikaw na po ang may bagong sapatos. ^_^

Wow. Matangkad po pala kayo. Sino kaya mas matangkad sa ating dalawa? Matangkad rin kasi ako, lalo na kung nakatingkayad.

Sey said...

Tamang-tama kasi ako din mas gusto ko ang self-help books at mas marami ako nun. sige post ko titles ng mga books.

top commentators

Get this widget

Yiruma