Una. Sana maintindihan ko ang sinasabi ng mga pusa kahit saan ako pumunta. Kasi I love cats. Kahapon, habang naglalakad ako sa Abu dhabi City sa likod ng Crown Plaza hotel nakita ko itong kalyeng pusang ito at sabay lumapit sa akin at humalik sa paa ko(nakita niya ang nawawala niyang ama).talagang humiga siya at pinapahid niya ang mukha niya sa aking sapatos matagal yon. Amoy pusa na kaya ako or may mensahe lang siyang di ko lang maintindihan. Nakuha niya ang puso ko instantly.
Sa camp din meron din pusang lalag madalas nadoon sa may pintuan namin.Nakunan ko na ito ng video ibabahagi ko sa inyo some other time. Ganon din ang ginagawa niya sa akin pag nakikita niya ako pinapahid niya ang mukha niya sa paa ko habang tumitihaya at gumugulong gulong. Ngayon ko lang napansin ang ugali nilang ito pero natutuwa ako sa ginagawa nila.Napagisip-isip ko.. Di kaya Pusa ako noon na naging tao.
Pero Hari ng mga Pusa(lufeet lang)
Nakuha ko na ang cheki ko for my personal insurance reinbursement kahapon kaya ako pumunta ng City para maedoposit ito sa aking banko.Ang yaman-yaman ko na ang daming zero.Salamat kay Mr. Ani of the Insurance comp. Madami na itong sisiw at biik para sa aking multi million business.At makakain na ako ng tatlong beses sa isang araw.Thanks God.
Alam niyo naman ang kwento nito diba. Pero ang masasabi ko lang maging mahinahon lang at medyo maging makulit makukuha mo rin para sayo.May mga naging problema along the way pero pinakita naman nilang pweding itama ang lahat. Good Job.
Kaya nag iba ang tingin ko sa mga paligid ko kahapon.
Tulad nito
Ang ganda pala ng halamang ito(talahib) Di ko kasi ito pansin sa aming probinsiya tumutubo lang sila sa parang.Pero dito ornamental plants sila.Parang balahibo lang ng mga pusa
madalas kong palamapasin ito pero kahapon iba ang tingin ko dito lucky me to be here.
Pinaka malaking mosque dito sa UAE pangatlo yata sa buong mundo.lagi ko lang dinadaanan
Isa lang ang naalala ko dito. ang bagong blog ni Leah.
Gayan ang wordpress icon sa post niya.click here Di ko alam ang pangalan ng building na yan pero bilog siya astig diba?
Ang aking Paa-kinakatam
pagkatapos steelbrushing
Highlight ng araw ko kahapon.Pumunta ako sa isang Filipino Salon para magpalipas ng oras sa init ng araw.Gaya-gaya lang kung ano ang nakikita kong pinapagawa ng iba sabi ko gusto ko rin yan. Syempre tanong kaagad kong magkano baka mamaya ginto magulat ako.Kahit ba ang yaman yaman ko ngayon.
Dahil noong isang araw lang nakapag pagupit na ako nahiya naman akong magpagupit ulit kaya sabi ko magpapavacuum na lang ako ng mukha. Vacuum ang tawag ko kasi may ginamit siyang parang vacuum talaga ang sakit at Pagkatapos pinaso paso ng iwan ko ang tawag doon parang glass ng may ilaw sa loob. Hahiya akong sabihin na sensitive ang skin ko(oo saka ko na lang ipapaliwanag kung bakit) kasi pag katapos humapdi. Next time ayaw ko na ito.akala ko naman hihilamusan lang ako at lilinisin ang mukha ko.Ano ba naman yong ginawa ni Ate natakot akong bigla.Gusto ko lang naman marelax.
Next ,foot spa daw pero steel grinding ng ang description ko sa ginawa niya. meron siyang gamit na parang parang katam(wood planner kasi marami ako noon sa store ko.yong pang pakinis ng kahoy.
Ito ang di ko kinaya. Halos maihi ako sa kiliti ng upmpisahan niya nag mag steel brush ng aking talampakan.Oh my God. Anong nangyari sa paa ko at nag rereact ng ganon.Di ako na relax kasi sumakit ang buo kong katawan sa kakapigil dito.tinakpan ko na lang aking ulo ng towel.Tawa ng tawa si ate sa akin.
Mali ang ineexpect ko sa Foot spa. Ang alam ko yong Reflexology na nakaka relax.Hindi yong parang tinatalupan ang paa ko.
That's all folks para lang makapag update.
Umuwi akong happy feet. And take note may Diamond R signature.wohh... Thanks you for the link Sey
35 comments:
Ahahahhaha ikaw na nagpapamper sa sarili.... haircut, facial at foot spa! Sarap ng buhay! hehehehehehhe
napaka ganda ng abu dhabi.. grabi!
love ka ng mga pusa kasi ma-amo ka siguro tingnan.. :)
special treat sa sarili.. sana magawa ko din yan.. ang sarap ng feeling.
nakakarelax ang mga pictures kuya hehe..mainit po ba jan/dito sa pinas mainit na
Naaliw naman ako kakabasa nito. Nung sa unang kinukwento mo pa lang ang mga pusa pumasok na din saisip ko na baka hari ang tingin nila sayo at nararamdaman nilang hindi mo cle ire-reject sa pag humaliks sila sa paa mo.. cute..
Haha.. nag pa facial ka. Ako di ko pa experience yun. Ayoko din kasi ng kinukotkot ang muka ko. At sabi din ng marami masakit.
Foot spa ang love ko naman. Pero hindi ako nagpapa-liha. hehe..Kasi tumitigas lalo ang paa ko dun foot scub lang ako and massage. dapat sinabi mo kasi foot massage ang gusto mo. Yun ralaxing talaga.
At congrats mayaman ka na. buti ka pa. ilang zero na ba? Sana madami pang biyaya ang dumating sayo kaibigan. You desrve it!
Nice signature. Sey is really a blog expert. hehe..
awwwwwwwwwww. naglambing sa'yo ang pusa kasi mabait ka. nakakafeel sila ng good aura :)
Kainggit. Ako nga, kahit haircut, wala ng oras eh. haha.
enjoy summer!
ang yaman naman, padepo-deposit na lang hehe.
ang yaman naman, padepo-deposit na lang nga diamante niya hehe.
huaaaw naman....mahilig ka pala sa pusa jajaja..natawa ko dun sa sinabi mu kw ang nawawala nyang ama...jejeje...mdami talaga zeroz?! as in...huaaw naman husay good for you...sana ako din...jeje,,UAE ka pala...at ang gaganda ng mga fotos...mukang enjoy ding magpafoot-ispa...nekeneks nemen... (^______^)
yun oh! dapat lang naman na ipamper ang sarili. minsan lang yan :D
baka nga dating pusa ka, na nangarap na maging tao. kaya ito ngayon tao ka na..hehehe..alalahanin mo pare, malay mo...lol
ang social ng paa mo ah...tama yan, baka amoy daing na, hehehe, kaya lapitin ng mga pusa.hehe
naaliw ak dito sa blog mo..hehe
@xprosaic-pure indulgence.Mura lang kasi dito dahil mga pinoy.parang presyong pinas lang.kayang kaya.paminsan minsan pero ayoko nang gawin yong sa face. yong sa paa emphasize na lang na more on massage.
@mommy-razz- mag popost ako ng maraming picture ng abudhabi kasi maganda talaga siya lalo na yong pina metropolis kasi lahat building pare parehas ang taas at laki kaya maayos tingnan. pwede kang maglakad lang dahil di mainit kasi. Love siguro ako ng mga pusa kasi love ko rin sila. Kinakausap ko silang parang tao lang.
@emmanuelmateo- dalawa lang ang panahon dito taginit at taglamig. pero di naman kasing init ng saudi. mga 42 lang yata ang pinaka mainit .taginit na ngayon. hangang september na yon.
ganda ng mga view dito. kakaiba.puro gawa lang ng kamay.
@mayen- natuwa talaga ako doon sa pusa.at oo nag pasarap ako sa buhay kahapon.di naman masyadong mahal. kayang kaya lang ng isang ordinaryong ofw.
Thanks God for the insurance kasi di expected yon. Salita ko lang yong mayaman. Mayaman ako sa kaibigan lang at sa kaligayahan. pero sa material pagtratrabahuan pa.
@nimmy- lik ko naman yang sinabi mo kasi mahilig ka rin sa pusa kaya naniniwala ako sayo.
@charles_Dg- take time lang paminsan minsan kailangan din natin ito.thanks for the visit.
@ken-natawa nga ako doon sa bank kasi di naman ako sanay sa mg checke checke kasi puro cash lang ang pinagkakaperahan ko pinaliwanag ba naman sa akin na kailanga sa back account ko ito e deposti. Ok.
ang mga insurance claims ay ganon yata.
@lhuloy- kasi kong makalapit makalambing sila parang tagal ko na silang kilala or nakikita first time lang naman. kaya baka napagkamalan akong ama.
daming zero.talaga.hahhahah
oo nasa Abu dhabi ako at may foot spa dito.
@Bino -Yap tama ka. paminsan minsan bakit ba.Love yourself like a king
hi Diamond R,
ganda nga ng halaman. i like it! :-)
tama yan, kelangan paminsan-minsan treat natin ang ating sarili. matuto din tayong i-enjoy ang pinagpaguran natin. you deserve it!
@animus- Thanks. Alam mo naappreciate ko ang sinabi mo. Kasi minsan pag para sa sarili mo di mo magawa kasi iniisip mong gastos lang.pero kaya nagtratrabaho ko para dito.
Naiyak ako kakatawa sa steel grinding. Nai-imagine ko kung paano mo tinakip yung towel sa sobrang pagkakilit. Ako ganun kaso sa pagpapagupit naman.
Siguro nga pusa ka dati o kaya naman may nasesense ang pusa sayo. Kung ano yun, hindi ko din alam. hehehe!
Sige na ikaw na mayaman. Pabili ng biik ah. Sana magka-piggy bank dn ako.
Ganda ng signature mo. Lume-level up na din!
@sey- gusto ko sanang lagyan ng nakabike din tulad ng sayo yong aking signature. gaya gaya lang. pero pano yon? steel brush ang nasa isip kong tawag doon sa pinangkudkud niya ng aking talampakan.Construction kasi kaya yon ang naiisip ko.
haha! naiisip ko kasi ang tangkad mo tapos nakikiliti may takip na towel habang kinukudkod ang talampakan. hehehe! natatawa ulit ako.
Yung sigature ginawa yun sa photoshop ng friend ko. Text with image. tinitrace niya lang.
Natawa ako sa sinabi mong di kaya pusa ako na naging tao. pero Hari ng mga pusa. Wow! :D
At least nakapagrelax ka. Ayos yan!
Wow, pinamper ang sarili. Nice! Hindi pa ako nakakapag foot spa.. EVER. Totoo, ni minsan.. ni once, hindi pa. Ewan ko nga ba.. siguro wala lang time.. or baka.. ewan.. hesitant lang siguro ako.. hehe.. may kiliti kasi ako sa paa. Baka unang pindot plang, tatawa na ako.. haha.. kakahiya..
Anyway, salamat sa libreng plugging. harhar.. Oo nga, may pagkapareho nga ang design sa logo ng Wordpress.. Ang ganda ng mga pictures. Abu Dhabi yan, diba?
P.S.
Ang cute ng pusa.. Inampon mo na? hehe...
wahha ang mait ng pusa sa iyo.. tas ang ganda ng mga view shoot mo.. ikaw na talaga hehe :D
at todo relaxation ha hehe :D
Wow. ancool nung bilog na building!
nice way of rewarding yourself.. tama lang yan, nagpapahirap ka magwork kaya dapat lang na itreat mo ang sarili mo... cheers!
Sorry now lang napa-comment... waaaaaah! Nagpa-spa ka.. at napaisip ako sa pusa ah! Hmm... baka nga pusa ka.. at yung picture mo nung halamanan.. akala ko balahibo ng pusa hahaha
Uy inggit naman ako sa post mo! Wish ko sana sa birthday ko kahapon ay pamper day - pero di natuloy! Ok lang yung foot spa, it will be relaxing pag palagi mo ng ginagawa...
Well done for getting your cheque...
At ang ganda dyan ah...
At ang bait sayo ng mga pusa! Naisip ko kung andito ko mas magsasawa ka sa mga pusa. Lahat ng kapitbahay ko dito may mga alagang pusa eh, at friendly silang lahat!
Stay happy! =)
Kayo na po ang hari ng mga pusa. Siguro amoy pusa na po ikaw kaya lapit sila nang lapit.
Wow naman. Dito sa atin sinusunog lang yang talahib. Sa kanila ornamental na?
Hehe...magtanong po muna kayo sa mga girls bago po mag-salon at nang hindi mabigla. :-P
ah hinde! mas tingin ko aso ka siguro dati mel hehehe. lam mo ba sa sobrang saya ng mga writings mo, natutuwa pa rin akong basahin lahat ng comments ng bloggers pati. God bless friend!
natawa ako dun sa sinabi mong isa knag pusa dati... na nging tao lnag.. ahahaha.... abnormal!!! parang pimple lang na tinubuan ng mukha.. ahahaha
sa UAE talaga ang daming weirdo na buildings.. dami kasing nageexperiment na engineer at sa UAE nila ginagawa mga naiisip nila...
jan din ba ung underwater na hotel?...
Post a Comment