Miracles do happened. If you believe.
Promoted akong Prod.Mgr, mainit init at umuusok pa from QA/FoodTech sa commissary ng mga Dimsum sa Manila isang kilalang Dimsum chain.
Pinangarap ko yon at laging ipinapanalangin. Ngayon ipinagkaloob na ng buong maykapal.Salamat.
Una kong sabak magisa night shift. Sa kalagitnaang ng production line. Umakyat sa opisina ang steamer namin na nagaalala para sabihin sa akin na may problema ang mga nakasalang na dimsum di sila kumakapit - ibig sabihin may prolema sa quality ng meat ng buong batch. Para akong nabingi sa balitang ito. Natatarantang pumunta sa steaming area.Kitang kita ko ang mga siomai na humihiwalay sa wrapper nito.Nagdilim bigla ang paningin ko sa takot. ilang tray nito ang isa isa kong itinaob at hinalungkot. Hindi ito pweding mangyari.whole production for my shift ganito ang kalalabasan. Paano ko ito ipapaliwanag. Bumagsak ang mundo ko sa mga sandaling iyon.Wala na akong naririnig sa paligid or nakikita.Ang naiisip ko lang ay ang galit ng aming boss at kung ano ang sasabihin nila sa akin.
Umakyat ako sa office at naglock sa banyo ng mga ilang minuto sa di ko maipaliwanag na dahilan basta lumuhod nagdasal umiiyak na lang ako sa diyos ng taimtim may takot.Ganito ba kabigat ang responsabilidad ko. Kung dati taga sita lang ng mga problema at kailangan ayusin ngayon ito na.
pagkaraan ng ilang minuto bumaba ulit ako. lumuwag na ang aking pakiramdam.nawala na parang pagkabingi ko. Nakikita ko ang ilang mga molders na mga babae sa packing area na anguusap usap." Ok naman pala ang mga dimsum , tingnan niyo o ayos naman pala."
HIndi ako makapaniwala kong papaano nangyari ang mga ito parang panaginip lang ang mga naganap ilang minuto lang ang nakakalipas. Kung ano mang himala ito di na ako nagtanong.
Umakyat ulit ako sa office pumasok ng comfort room at muling nagdasal ng pasasalamat.
Iilan lang ang nakakaalam nito,few of my friends not even the company knows this story. This is my first ever miracle na nasaksihan na kaya palang magbago ang kahit na anong pangyayari sa buhay mo kong taimtim kang mananalangin.
51 comments:
lahat ng mga pangyayari sa buhay natin maliit man o malaki, nararamdaman mo man hindi, basta masaya ka at unti unti kang umaangat, miracle ng Diyos yun!
wow.. cant believe it... O_o
ako kasi eh di ko pa nararanasan yung miracles yung tipong magdadasal ka and den boom OK na ang lahat...
wow nice post... :)
miracles do happen. the mere fact that you wake up every single day is already a miracle. naalala ko tuloy nung nagtry kame gumawa ng siomai ndi ko rin mapadikit ang wrapper sa meat, humihiwalay sya so pinrito na lang namen... hehehehe
miracles do happen. \m/
Alhamdulillah...God is good.
very inspiring post pare...yan pinakagusto ko sa isang tao, ang magpasalamat sa diyos dahil sa mga nangyaring maganda sa buhay niya..
-'yung iba kasi, kapag may magandang nangyari sa buhay niya, sasabihin ang galing galing ko grabe, diba? tapos kapag sablay, sisisihin ay ang GOD..damn, diba?
Nice pare..very nice.
yah.. miracles do. in every little and unappreciated things happen, there's a small/big miracle behind it.
napaka galing naman na experience niyan.. mabait kang tao kaya nangyari yan sayo.. :) cheer to that..
i do believe in miracles kasi ilang beses na kong pinakitaan ni Lord ng himala.. kaya nga up to now, madalas ko Siya tinatanong, eto na ba yung tinatawag na 'calling' para magpari na talaga ko? pero hindi ko naman yun gusto, basta kuntento na kong maging supladong office boy. :D
sa lahat ng bagay may miracle, kita mo na lang ung paggising mo sa umaga, di mo man araw araw hinihiling yun pero eto tayo, gising at malalakas :)
Amen!
Thank God at nagkaroon ka nang himala noong day na iyon. At natuwa rin ako dahil kaagad nagpasalamat nang matanggap mo ang biyayang iyon mula sa Diyos.
@Moks- tama ka KUng aalamin mo lang ang human body kung papaano ito gumagana in perfect harmony miracle talaga na we survive.Thank you God for this life.
@EGG- May mga kaganapan sa ating buhay na minsan di natin kayang ipaliwanag pero di naman naman natin kailangan ng kapaliwanagan kasi alam nating God is Powerful if you have faith in him.This is one of personal Miracles that i'm greatful.
@japanese adobo - Everyday is a miracle.and we are greates miracle in the world.
about your siomai experienced pag ang meat medyo di na maganda wala na itong bonding capacity kaya di na siya magbobond.
yan ang isang dapat e consider sa mga nagsiosiomai. di siya ganon ka simple.
better lack next time.
@bolakbolero.Sg- yes we need just to be aware of it.
@Akoni - Thanks God. kung alam lang natin kung gaano ka fragile ang buhay natin we will be thankful always that we survived everyday.
no rooms to be bitter about life.
@midnight Driver - Parekoy, sinabi mo.SApol to the max.
@mommy -razz-para ko na ring narinig si mamang yan ang madalas kong naririnig sa kanaya. Thanks mommy.
Dahil sa paniniwala mo sa Kanya... may miracle talaga.
@supladong office Boy- Indeed,YOu are sa puso mo. Ang maramdamang you have a gift to see miracles is already a blessing from him and that is AWESOME.
@LordCm- AWESOME!
@Ishmael Fischer Ahab- Defining moments ko ang mga sandaling iyon. Kaya di ito makakalimutan.Wala sino man ang kailangan mag testimony para sa akin para maniwala sa kung ano ang pweding gawin ng diyos iyo.
awwwww. nice read here kuya. Miracles do happen. Kaya dapat thankful tayo lagi :)
inspiring post.. naks naman! ahahha...naniniwala din ako sa miracle... we should always be thankful kay God for all the blessings....
pero dun sa siomai/dimsum na iyon, kelangan ba talaga dumikit ung meat sa wrapper nya? di ko alam un ah... pag kumakain nmn kasi ako nun, wla me paki... basta kumakain lang ako!!! ahahahaha...
so next time pag kumain kami sa resto, pag nakita kong hiwalay ung wrapper sa meat, ipapatawag ko manager nila!!! magrereklamo ako!! ahahaha...
a prayer is really powerful. this story is really inspiring. thank you for sharing. =)
naniniwala ako sa miracles, heto nga at may hinihiling-hiling nga akong milagro sa Kanya right now..
hindi pa nangyayari ngayon, siguro kasi hindi pa panahon.. these miracles do happen when we least expect them to. Si papa God kasi may kakaibang way ng pagsurprise satin ;))
sang ayon ako sa comment ni moks...everything we see and have not is miracle! God bless bro!
sang ayon ako sa comment ni moks...everything we see and have not is miracle! God bless bro!
hi Diamond R,
naniniwala ako na mahal na mahal tayo ng Diyos. Na kahit anumang pangyayari o pagsubok, hinding-hindi Niya tayo pababayaan. God is good all the time!
"There can be miracles, when you believe" sabi nga din sa isang kanta. :-)
I do believe in miracles though sometimes I never see them happens or maybe I am too busy to realize that a miracle happened.
More than that, it's nice that you give Credit to God. It's very rare nowadays.
Paborito ko pa naman ang dimsum. Ngayon ko lang nalaman na pag hindi nakadikit ang meat sa wrapper pangit ang quality. Hmmm!!! Minsan nakakabili ako ng ganun. Akala ko hindi lang tama ang pagkaluto.
basta tiwala sa kanya...possible tlga...
congrats sir!
manager kna!
totoo po yan kuya.may kanta nga "There can be miracles..When you believe" Salamat po sa pag share hah.
magandang umaga po
wow Amen!!!
never hesitated about this one, meron lagi! =)
wow.. nice blog.. talagang ganyan.. lahat nakukuha sa dasal... nice one bro..buti at hindi ka napagalitan.. pero now alam na namin sekreto mo.. pano ba yan?
madali naman akong kausap eh...
ang pagsilang ng isang sanggol para sa aking ay isa ng milagro. Biyaya ito ng Diyos para sa akin.
Walang makakaangat pa sa husay ng ating paniniwala, pananampalataya at panalangin.
Maganda ang post na ito sir..
Wow. Nice article. Really nice. :)
Check out my blog! FOLLOW if you like!
http://meesterdapper.blogspot.com/
hi kuya..sensya na now lang comment, tinamad kase ako magblog hop, pero anyhoo..
ako tingin ko miracle ang bawat pag uwi ng tatay sa tahanan nila ng hindi dumapo sa isip na palitan ang misis niya.
miracle ang mag-aral ang isang college student ng mabuti.. dahil madaming temptation sa mundo ng isang kolehiyo..
miracle ang pag aaruga ng nanay sa kanyang mga anak ng walang reklamo..
miracle ang motivation ng isang manggagawa na magtrabaho araw araw ng buhay niya..
feeling ko ang dame na ring miracle na dumaan sa buhay ko.. feeling ko lahat ng blessing miracle.. lahat ng maliliit na pagkakataon miracle..
ang OA ko..hahaha..
Congratulations!
@nimmy-Oo nga Nimmy.Ang buhay ay puno ng mga pagpapala.Kaya dapat maging masaya dito
@Leonrap- Mahirap magkwento ng mga ganito kasi di ako magaling magsulat. pero kailangan kong ibahagi ito kasi memories namin itong dalawa.
@Superjaid- ganon nga kapowerful ang prayer na minsan na tatake for granted natin.Kung alam lang natin ang nagagawa ng mga panalangin.Salamat
@yanah- wag ka lang gumiveup sa kung ano ang gusto mo kasi kung yon ang magpapasaya sayo makukuha mo ito.
Keep on praying about it.gawin mo na lahat ng pangungulit sa kanya.
@Iya_khin - Ako din agree talaga ako doon. Meron lang mga ilang pangyayari na you will be amazed that you cant keep in yourself alone kailangan mong e share para lalo mong maunawaan ang kahulugan nito sa buhay mo.
@animus - i love that song kasi nakaka relate ako sa kantang yan. We are God's greatest miracle in the world.
@sey - paborito mo pala ang dimsum.Ngayon alam mo na pag ang dimsum nag unwrap or di dumidikit ang wrapper sa meat. di maganda ang pagkakagawa nito.
siomai emperor kasi ako. Pag may time mag popost ako ng tungkol dito.
@jay rules- Noon pa nangyari yan. thanks.
yong wala kang hihihiling kundi ma promote sa trabaho. mareconized sa mga ginagawa mo.
pero lumilipas din pala ang mga ganong pakiramdam.
@emmanuel mateo - Pinagpala ang mga taong nakakakita ng mga ganitong kaganapan sa buhay niya. ang you are one of them.Ipagpatuloy mo yan.
@chyng - Oo nga magugulat ka na lang. God is awesome.
@Paul - thanks,i followed you na rin.
@kamila- salamat kamila. Ang ganda ng ibinahagi mo about miracles totoo ang lahat ng yan.
@musigan -lahat nakukuha sa dasal at pananampalataya. Nagiging matatag tayo at malayo sa kaguluhan dahil dito.
Matagal na itong nangyari Al. ngayon ko lang naikwento.
@GLentot- Salamat ng marami
Post a Comment