Monday, April 25, 2011

Madramang Umaga.

Namamangha ako at namimilog ang aking mga mata sa napakagandang luntiang paligid malimlim ang umaga, malamig ang simoy ng hangin. Mamasa-masa ang mga dahon at damo.Tahimik ang paligid maliban sa huni ng ibon at lagaslas ng tubig sa batis sa magkabilang pangpang.

Ubod ng payapang nakahiga sa damuhan.Nakangiting pinagmamasdan ang sikat ng araw sa paligid na tumatagos sa mga sanga at mayayabong na dahon ng punog kahoy at mga saging. Ang mga paru -parung ligaw animoy mga anghel sa langit ay tuwang tuwang sinusundan ang liwanag papaakyat,paparoon 't paparito.Tulad ko ang dampi ng liwanag ay nakakahalina di masakit sa aking balat at hindi ito nakakasilaw sa aking mga mata.

"Donnnnn ?.Nono...?" pummailanlang sa kawalan, ang boses ni mamang - endearment na tawag niya sa akin tinatawag ako.


Nagising akong naghahabol ng hininga
Bago ko pa man makita si mamang sa aking panaginip.
Parang totoong totoo dinig na dinig ko ang boses niya.

Nalungkot ako na miss ko bigla si mamang. Nagpray na lang ako at di na ako nakatulog ulit pag ganiton nalalapit ka ng magbakasyon kung ano ano na ang naiisip mo.

Sana mabasa ito ng aking amo na gustong e move ang aking bakasyon ng July na dapat ngayong May na.Hindi lang siya ang nangangailangan ng aking presensiya meron pang iba.Kung di niya makaya ang isang buwan mawala ako sa kanyang paningin ganon din ang iba.Ang lagay sosoluhin niya ako.( drama lang sos -feeling important).

napansin niyo . I love morning light filtering from the trees



I just love looking at them kasi yan ang alam kong sikat ng araw sa probinsiya namin. Di tulad dito sa AbuDhabi nakakasunog ng balat at masakit sa mata.


Sa kaalaman ng lahat sa aming probinsiya di ka makakapag patuyo ng damit ng isang bilaran lang.Uso doon ang tagiptip sa damit. tinutubuan ng molds ang mga damit bago ito matuyo kaya sayang ang mga branded mong damit kung wala kang drier. Ang mga libro inaamag at ang picture natutunaw..
ang sikat ng araw laging makulimlim kahit di umuulan.
Tulad nito alas 10 na ng umaga yan.



Salamat sa pag tiyagang pagbasa.
Photobucket

45 comments:

Nimmy said...

Namiss ko bigla ang Mamang ko. Sana payagan ka ng boss mo kuya... :)

anney said...

Ganda ng mga pics! Yung 10 am parang 6 am lang ah. Makulimlim nga.

EngrMoks said...

HINDI KO PA NASUSUBUKAN YAN...NICE PAREKOY...

Bino said...

astig ang mga larawan ah.

Rap said...

ang laki ng signature ah.. ahaha...

san ka magbabaksyon, uuwi ka dito?...
ganda ng mga nature pics noh.. ang sarap magrelax oag ganyan... pag uwi ka dito, ung mga balikbayan boxes din namin dapat meron ah!!

Lhuloy said...

huaaawwww!!!
kulang na lang ng Diyosa!

asteeeg!

Unknown said...

Ang galing galing mo sumulat. Kailangan ko lang sabihin yun.

Ang ganda ng mga picture, san ba yang probinsya nyo? Sa Pilipinas ba yan? hehe.. Parang gusto ko ng ganung lugar. Ayoko kasi talaga sa mainit. Medyo nagsisimula na nga ang summer dito super init na.

Uuwi ka sa May? Wow, b-day month ko yun! Pasalubong ah? hehe.. Close naman tayo diba? Joke lang. Malay mo makalusot lang.

Sana makauwi ka at hindi na magpa-pampam si boss mo. Tama ka hindi lang sya ang kailangan mong samahan. hehe..tsaka I'm sure you deserve a break. Good luck!

Akoni said...

isa na naman makabagdamdamin mula sayo...drama lang din...

Sana makauwi kana agad para makasama mama mo, or if sa july wag kang mag alala baka ako ang makasama mo...haha..july din ako..

Anonymous said...

na touched naman ako don.. kong ganyan mo na missed mama mo, doble ang ang nararamdaman niya para sau.. i know the feeling..:(

khantotantra said...

cool pics. green. Parang forest pero hindi. Ansarap tignan sa mata ang green na environment. relaxing at malamig sa lugar na yan lalo siguro kung madaling araw

Sey said...

hahaha! sinosolo ka ng bosing mo? sabi na panaginip eh kasi feeling ko pilipinas lang may luntinag paligid (bias much). Ganda ng pangatlong picture. Yung light gusto ko.

Bakit ganon ang sunshine sa inyo? Ah siguro dahil sa kapal ng mga puno kaya hindi makapasok ang sinag ni haring araw. Pero masarap talaga ang sunchine sa probinsiya. Walang katulad. parang kahapon lang sabi ko sa nanay ko, "bakit kaya dito masarap ang sikat ng araw pero sa manila sumasakit ang balat ko?" kaya ayun bago ako umuwi nagpa-araw muna ako.

at.......sumisignature ka na rin ah! hehehe!

Sey said...

@Mayen May din birthday mo? nagulat lang ako pasensiya na kasi May din ako!

aubreygraze said...

wooow. san po yan? ang ganda nung ilaw! :D

Axl Powerhouse Network said...

ooh ang sweet.. kakamiss yun mga ganyan...

i like the shoot
lalo na yung light ray ang ganda ng labas sa scene :D

eMPi said...

Makakapagbakasyon ka rin. Mabilis lang ang araw. Tc sir! :D

Kamila said...

nagkaka-molds? HUWAY??? Hahahah pero lam mo bukod sa pagbabasa ng sulat na ito.. hindi ko ma-imagine na ikaw mismo nag-tipa niyan.. matangkad na mama na nagtitipa.. la lang.. mahirap sa isipan..

hahaha.. pero na-curious pa din ako.. parang forks lang sa twilight ang lugar niyO!

MiDniGHt DriVer said...

napakagandang pagpapamalas ng nararamdamn parekoy! Ang mga litratong ito ay natatandaan ko pa nung una mo sya ipinakita sa blog mo.

Sa paguwi mo, sana ay magkita kita tao.

Diamond R said...

@nimmy - Oo nga eh. pero kung di naman Iisipin ko na lang na kagustuhan ng diyos at may plano siyang iba.I apply may karapatan naman silang mag chance ng date. Just pray na lang about it.

Diamond R said...

@anney- Makulimlim talaga sa amin napansin ko rin ng ginamit ko ang google earth. Madalas ang lugar lang namin ang may cover na clouds parang sinasadayang lilim sa aking pinakamamahal na bario.
kaya may drama effect ito

Diamond R said...

@moks - ang ganda niya kunang ng picture. at sa amin lang yan pwede dahil sa climate at geographical condition.

nakakamiss ang lugar namin

Diamond R said...

@bino - salamat.

Diamond R said...

@Leonrap- bakit nagkaganon nag signature ko nagmumura sa laki at di ko na maedit. pero trial lang yan. di pa yan ang signaturure ko. testing lang kong kaya ko na.

Diamond R said...

@lhuloy - oo nga mga diyosa at fairy. nag liliparan.

Diamond R said...

@mayen - pwede na. kasi parang hindi pa.pero salamat. yong panaginip ko kasi ang ganda. gusto ko sanang ilarawan sa salit pero di kaya. mahirap pala gawin yon.
mukha bang wala sa pinas. wow birthday mo yon. Advance malapit.

sana makauwi pero kong hindi Si God na ang bahala.

Diamond R said...

@akoni - makabagdamdamin. gusto ko ang salitang yan. Napansin ko pag nagsusulat ka pala ng tagalog madami kang matutunang salita. practice lang talaga. OO nga sana makauwi pero kung di naman Si God na lang ang Bahala may plano siya doon. kaya Ok lang.

Diamond R said...

@mommy-Razz-totoo yan. wala na ngang ginawa si mama kundi ipag pray ako. Iba ng prayer ng isang ina sa anak.Ipalalaban ka ng patayan.

Diamond R said...

@khantotantra- Malamig pag madaling araw. magubat talaga sa likod lang ng bahay namin yan. Wala pa yan sa totoong gubat. dahil sa laging basa ang lupa kaya green ang mga dahon at laging mahamog.

Diamond R said...

@Sey - i googled our area nagtataka ako laging may cicle of white clouds doon mismo sa lugar namin bakit kaya? napapaikotan din kami ng tatlong malalaking bundok yong harapan lang ang wala dahil deretso ng dagat.

ang bario namin nasa gitna ng dalawang ilog. kaya fertile ang lupa.

Diamond R said...

@Sey - wow sabay kayo ni mayen.

Diamond R said...

@aubrey - SA bicol sa sorsogon sa dulo ng walang hangan.

Diamond R said...

@AXl powerhouse production Inc. Gusto ko ang mga ganyang eksena. I love capturing the rays of light.

Diamond R said...

@empi-long over due na ang bakasyong ito dapat december pa.

salamat.mabilis nga lang ito talaga

Diamond R said...

@kamila - wow parang Forks sa twilight ang ganda naman noon. pero yong laging malimlim at umuulan oo ganon na nga.nagkakamolds talaga kasi ang taas ng humidity sa aming lugar.

thanks nagustuhan mo ang wala kung kwentong ginawa.

Diamond R said...

@kamila - wow parang Forks sa twilight ang ganda naman noon. pero yong laging malimlim at umuulan oo ganon na nga.nagkakamolds talaga kasi ang taas ng humidity sa aming lugar.

thanks nagustuhan mo ang wala kung kwentong ginawa.

Diamond R said...

@kamila - wow parang Forks sa twilight ang ganda naman noon. pero yong laging malimlim at umuulan oo ganon na nga.nagkakamolds talaga kasi ang taas ng humidity sa aming lugar.

thanks nagustuhan mo ang wala kung kwentong ginawa.

Diamond R said...

@midnight driver -Oo nga yon gusto ko lang ma sabi ang aking nararamdaman na dala dala sa paniginip.Na wala naman tayong magagawa dahil mga amo natin sila. Kya dumadrama ang pagsipa.

Ishmael F. Ahab said...

At madramang umaga nga. Ok lang po yan. Konting tulog lang yang July. Wag lang nga niyang iusog sa susunod pang buwan yung bakasyn mo.

Mukhang ok probinsya mo ah. Hindi ganoon kainit. Bagay na bagay lalo na at summer na ngayon.

Unknown said...

ang ganda dyan, parang fresh lahat! kelangan mo nga rin ng isang mgandang break konting unwind at mkasama ang mga love ones.

Kench Alegado said...

Wow ang ganda nung mga picture, ang sarap naman magpunta dyan. Nakakawala ng stress yung mga ganyang lugar. Hindi katulad dito sa Manila.. hmm..

Ka-Swak said...

sa probinsya parekoy 10 na ng umaga malamig pa rin ang araw, dito 5 am pa lang masakit na balat...hayzzzzzz nakakamiss ang probinsya...

glentot said...

Umuwi ka na kasi!

musingan said...

hi po.. nabasa ko rin.. I was so God Damn busy yesterday... ehehhe..

anyway... nga pala... ako rin sana this july na ang baksyon ko... kaso namvie next year.. ehehehhe..... ok lang.. ayaw ko pa naman umuwi eh. kailangan ko pang magpaka boro dito.. ayaw ko muna makita ang mga taong minsang nanakit sa damdamin ko.. maliit lang kasi ang zamboanga... kung baga kaya ako narito is becuase gusto ko hugasan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko...

Kura said...

Grabe! Kailangan ko ng pala. Mahihiya si Balagtas sa lalim ng mga salita mo sir. hahaha! Anyway.. I luuurve your pics. Yung mga sinag sinag effect. Promding promdi ang dating. Keep it coming. Tagal ko ng di nakabisita sa blog mo. makikibalita lang. hihii!

Kura said...

Grabe! Kailangan ko ng pala. Mahihiya si Balagtas sa lalim ng mga salita mo sir. hahaha! Anyway.. I luuurve your pics. Yung mga sinag sinag effect. Promding promdi ang dating. Keep it coming. Tagal ko ng di nakabisita sa blog mo. makikibalita lang. hihii!

musingan said...

ahahaha.. yang pinaggagawa mo no.. talagang sinusulit no.. ahahha.. naalala ko ang minsang mag pa foot spa ako.. ayun.. super nakikiliti ako.. nahihiya rin ako magpa foot spa.. kasi di maganda ang paa ko.. eheheh.. nakakahiya.. eh... musta na ang pusa?

top commentators

Get this widget

Yiruma