Friday, April 1, 2011

Constant Change: what to do yani?

Naginit ang ang ulo ko sa isang kaganapan nitong umaga. "come here!come here! jalde(bilis)" tawag ko sa mga laborers na nag tratrabaho sa" lawa ng pagasa" with matching hand gesture and indignant facial expression.Akala mo kung sino akong sheik na makausisa at makatawag.(ako na anak ng diyos na makapangyarihan sa lahat)

Sino ba naman ang di magagalit, pag aari ng "God Almighty Properties Inc"Sinisira.Sanay na ko sa mga constant change by nature sa lugar na ito and those transformation are beautiful in my sight. sparkling blue lake to Bed of salt pero ngayon my shovel at fence What is this-
A construction?

Paglapit ng isa." Sino ang Engineer dito" usisa ko?" Wala ngayon" sabay turo sa isang Pana malamang ang foreman.

Bigla kong naalala ang isa naming itik na pasaway."never mind"sabay jogging na lang ulit na parang wala lang.

Next year wala na akong makikitang lawa pag tagulan o kaya acre of salt sa taginit sa lugar na ito na napamahal na sa akin dahil sa ginagawa nilang construction. Kaya ang mga picture sa "season of hope " ay di na masusundang muli. Mananatili na lang silang ala-ala ng isang magandang kahapon.

Creation reflects God's greatness as a painting reflects the genius of an artist.The world abounds with beauty to be sure.Kaya masakit ang mga eksenang ganito.Wag lang nuclear power plant ang maisipan nilang itayo.


Ito ang bagong kaganapan sa aking lupang kinatatayuan.
Ganito ito Dati. Click here

Acre of Salt
Temporary fence of the new project on going on sa" season of hope lake"
Shovel on site-I hate this view.

Sana lang Acre of Diamond Tower itayo nila dito.

24 comments:

bulakbolero.sg said...

ganda ng mga composition ng larawan.

ganun talaga pre, hindi natin maiiwasan na yung mga magagandang tanawin ngayon e bukas wala na at may mga buildings na. kasama yan sa civilization. ang maitatabi nalang natin ay katulad ng mga kinunan mong larawan.

Kamila said...

awwww.. kaya ang sarap sa province eh.. kahit na sabihin mong di umuunlad ang lugar..di naman sinisira ang kalikasan.

Kamila said...

ay nakalimutan ko kuya.. di ba sabi ko penge nung para sa photoshop.. yung tutorial ba yun.. chineck ko sa email ko..pero di ko nakita mail mo... eto ulit email ko.. kung may time ka lang.. kamil_maykel23@yahoo.com... chalamatss!

Jag said...

Ang swerte mo nakakita ka pa ng ganyang tanawin though it's sad to think na mawawala na ito sooner or later...

Thanks for sharing this...dito ko lng nkita ang ganitong kakaibang tanawin...

musingan said...

ahahaha.. sayang naman ang lawa.. aalisin na ba? ano pala ang work mo dyan...?

Diamond R said...

@Bulabolero.sg- Oo nga sinabi mo pa. Matutu na lang tayong tumangap ng maluwag sa ating kalooban. Lahat at nagbabago at di permanente. Kaya ang ito ang kagandahan sa may camera. you save them for the future kahit sa mga kwento na lang.

Diamond R said...

@kamila - Yon ang kagandahan sa probinsiyang mahal di nila ginagalaw ang mga puno ay tumatanda ng 200 years. na di pinuputol.
I will resend sa bago mong email add. ngayon na. just let me know kong natangap mo kasi nakalimutan ko kasi dati lagyan ng subject malamang na delete mo na ito.

Diamond R said...

@jag - Masuwerte nga ako kasi nakita ko ang kagandahan nito bago pa ito nawala. wala nga itong pangalan ako lang ang gumawa.

Diamond R said...

@Musingan- General. ang work ko dito. General Store keeper ang tawag nila sa akin.In short kargador sa atin.
ewan ko ba kung bakit ganon ang term nila sa warehouse man dito.

kaya pag sinabi mo ang work mong ganon naiintindihan nila.

Akoni said...

nakakapanghinayang naman. Pero at least may naiwan na alaala sayo na maipagmamalaki mong nasaksihan mo ang dating kagandahan niya. pero still nakakapanghinayang..

nash :-) said...

hello, I'm your newest follower...

what a sad scene...kakalungkot namang makita na nasisira ang mga magagandang view :-(

if you have time please check on my blog
www.itsmenash.blogspot.com
www.nashlovetonzi.blogspot.com

have a great weekend!

Anonymous said...

ang init talaga siguro dyan ano...

Sey said...

Sayang naman yung lawa ng tubig na nagiging lawa ng asin. Darating yung araw yung mundo puro na semento wala nang lupa. pati dito yung mga farmlands ginagawa ng mall. Nakakapanghinayang ng sobra.

Unknown said...

kahit baka di mo na makita yan muli atleast nakita ng dalawa mong mata ang kagandahan ng lugar na yan... yan ang problema natin nyan sa darating na panahon na baka ang mga magiging anak natin eh wala ng makitang mga natural creation lahat baka maging artificial na at puro mga building at iba iba pang mga simbolo ng makabagong pamumuhay....

musingan said...

maswerte ka at meron pang ganyan.. pero asyang lang at aalisin narin nila... bakit man daw?kalawak lawak ng desrto ay dyan pa napili nila...

Anonymous said...

ganyan talaga ang buhay, only change ang permanent sa mundo.. hehe!

Anonymous said...

aww ang ganda naman..

haist nasira naman...

sana mabalik uli sa dati..

morning sir!

jedpogi said...

shinuhada! minu sawi? hehehe....

anney said...

Nakakapanghinayang naman. Such is life.

Ishmael F. Ahab said...

Yan ang mahirap sa ating mga tao eh. Hindi natin na-a-appreciate yung gawa ng Diyos. Hindi natin na-appreciate yung mga subtle beauty ng mga likha Niya kaya kung anu-anong structures na lang pinaggagawa natin.

Para dito sa Maynila. Titibagin ang mga parke at tatayuan ng mga malls at magtataka pa ang mga tao kung bakit sobra sobra ang init at pollution.

HalfCrazy said...

Hey there!

Well, there goes industrialization and modernization. Putting up of buildings here and there.

I am not an engineer, nor familiar with engineering (although I am from a very popular engineering school dito sa Pinas) but isn't that a bad foundation for a building construction? I mean there's sand and then there's water nearby.

See you around.

Kristeta  (kalokang Pinay) said...

hay, ang sad... di ako against sa change pero minsan talaga ang change hindi for the better ( or better lang for some people...)

Anonymous said...

awwwwwwww....

nalungkot ako. :(
sayang naman..

hindi ko maintindihan kung bakit kailangang gawin ng mga tao ito sa kalikasan. hindi ko alam kung bat hindi tayo makuntento sa ganda na ibinibigay ng Diyos at kailangan pa nating sirain ito. ang lungkot. ang lungkot talaga.. :(

Anonymous said...

Hay.. nakakalungkot ano? Sabi nila, changes had to me made for the betterment of the majority raw. Hmm.. saan ko nga ba narinig yun? Anyway.. oo nga, andaming makikinabang, syempre trabaho rin yan.. Still, on what cost?

Yun naman kasi lagi ang scenario. Yung mga kapatagan, ginagawang mga malls and golf areas. Yung mga prestine beaches, ginagawang public resorts. Yung mga bundok at burol, sinusunog at minimina for coal.. :(

It's the sad truth. Nakakalungkot lang talaga.

Kaya nga dito sa amin.. mas gusto kong dito na lang sa probinsya manirahan. At least, everyday, naappreciate ko ang kagandahan ng nature. Kung andun ako sa syudad, maiinis lang ako siguro.. :)

P.S.
Ang ganda ng mga kuha mo, Kuya. Better save those pictures na lang.. kasi in the nest months/years to come, baka wala na yan... :((

My Tasty Treasures
Ako si LEAH
Everyday Letters

top commentators

Get this widget

Yiruma