Saturday, April 9, 2011

My Dogs.

May Dahilan kong bakit malambing at loyal ang aso sa taong nagaalaga sa kanila.Bakit ba di ito alam ng iba?

Ito nga pala si Samsam- Ang unang aso ko dito UAE.Di ko alam ang lahi nya pero para siyang askal pero tawag ko sa kanya arabian dog.Nagulat na lang ako isang umaga may tutang lumabas sa silong ng carvan ko doon pala siyaIpinanganak ng isang askal(meron din niyan dito sa UAE).Di na bumalik ang nanay niya after two weeks kaya ako na ang nagpatuloy sa pagaalaga at pagpapadidi sa kanya.
Kapatid niyang si Ronron
walo sila ibinigay ko yong iba sa pet shop para maibenta sa iba. Si Ronron lang ang iniwan ko para may kalaro si Samsam
Pag sobrang attached sayo ang aso mga tingin mo pa lang nagkakaintindihan na kayo.Ganon kami ni Samsam.

Sabi ba naman ng isang kabayan sa akin ang taba naman malaman, masarap ipulutan.
Nagdilim bigla ang paningin ko sa kanya. Bigla kong nakalimutan na tao siya at aso ang alaga ko.
Wala namang ganyanan pare.

Sa ngayon pagkatapos manakaw si Einstein ang pangalawa kong dog di na muna ako nag aalaga ng aso.
Masakit pa.Kahit kahapon umaasa pa rin akong makita siya sa mga pet shop.

31 comments:

Ishmael F. Ahab said...

Ang cute cute naman ng iyong doggy. Yung mga alaga ko rin dito eh. Malambing at loyal talaga. Kaya nga aso ang pabrito kong alagaan e.

Blair Villanueva said...

ang cute ng puppy mo! :D

Akoni said...

Ang kyut...kawawa naman ung nawala mong aso...gusto ko din mag alaga ng aso, pero puppy lang gusto ko..kapag malaki na ayaw ko na, natatakot ako...hehe..may phobea kasi ako sa aso, nakagat na ako minsan...raawwwrrrrrr..arf.arf.arf.

EngrMoks said...

pare angku-cute anung lahi nyan?

Leah said...

Awwww... super cute, Kuya rommel.

Ako rin, naiinis kapg merong nagsasabing mataba ang aso ko't parang ang sarap maging pulutan. Mga engot... :( Inggit lang sila kasi supersweet at protective sa akin si Teddybear at Pokeybear. :)

Aww.. I remember Einstein. Okay lang yan... malay mo, baka one day eh bumalik nga sya. still, don't expect too much na lang kasi baka masaktan ka lang.. :)

Ingat po Kuya Rommel.. :)

iya_khin said...

haay...kahit gustohin kong magkaaso kaso di ko carry talaga...mag phobia ako...nalapa na kasi ako ng aso dati na ER ako,sinabi ko rin yun sa post ni moks sa blog nya....tingin nalang ako sa pics!!

nawala yung isang pet mo?!!haayy

Diamond R said...

@Ishmael Fishcer Ahab- Masarap talaga magaalaga ng aso kaya lang di advisable pag nasa abroad ka kasi yong palipat lipat. nakakasakit ng damdamin pag kailangan iwanan mo dahil di mo siya maisasama.Pag sa bahay kasama mo silang tatanda.

Diamond R said...

@Blair villanueva - thanks for visiting. Oo nga ang cute talaga niya kakaiba siya compare sa ibang ordinaryong aso.ang mata niya maamo

Diamond R said...

Akoni- si SAmsam ang cute niya noong puppy pa lang siya. pero ng lumaki na nakakatakot kasi ang lakas niya.Kaya di ko na siya naisama ng lumipat kami ng ibang lugar.

Diamond R said...

@Moks- alam mo di ko talaga alam pero ang laki niyang aso.

Diamond R said...

@Leah- Oo nga bakit ganon sila. walang modo. si Eistein na miss ko. ang bait kasi niya di mahirap alagaan.At ang mahal niyang aso.

Diamond R said...

@Leah- Oo nga bakit ganon sila. walang modo. si Eistein na miss ko. ang bait kasi niya di mahirap alagaan.At ang mahal niyang aso.

anney said...

Ang cute namn ng mga aso na yan. Walangya namn yung nagnakaw ng aso mo. Pati aso ninanakaw.

Anonymous said...

Namimiss ko na magka-aso. pag nag move out na ko dito at nagka apartment, bibili kagad ako ng dog.

Anonymous said...

ang cute.. pero may phobia din ako sa aso.. hahahaha

Apple Bee said...

cute dooogs! pero takot ako sa aso. haha! =))

jedpogi said...

ang cute pengeng isa!

Kamila said...

hindi ko alam kung bakit malambing at loyal sila sa atin..bakit? never pa talaga ako nagkaroon ng aso na super attach sa kin...

Unknown said...

ang cute nung nawalang aso. pero si sam sama uber cute din. pet lovers are usually a good person. naks. :)

musingan said...

alam mo.. ever since.. I really like to have a pet.. I mean ASO.. kaso hindi talaga pwede sa amin ang magalaga eh... eheheh// pero cute naman...

Anonymous said...

yup! oo nga dati pag nangungulit si samsam mulagatan mo lng sya, parang batang be-behave na yan ahehehe! naalala ko pa kung panu mo sila pinangalanan...sam-sam...mic-mic...nash...at kako ron-ron na lng yun isa bwahahah! na mis ko tuloy sa J143 pag pinupuntahan kita sa store kagad pagkakita sakin ni samsam sobrang saya niya pag sinasalubong ako, talon sya super taas parang gusto akong yakapin, lahat ng labours hihinto tapos panoorin lng sya habang linulundag ako hehehe!

Diamond R said...

@anney -Oo nga cute talaga siya at sobrang mabait ang mukha niya at yong eyes parang nagpapawa lagi.

YOng nagnakaw kay eistein ewan ko kung ano ang pumasok sa isip niya

Diamond R said...

@will - Bili ka tapos pakainin mo siya gamit ang kamay mo pag tuta pa lang para malaman niya na ikaw ang master niya. di na kayo mapaghihiwalay pagkatapos niyan.

Diamond R said...

@mommy-razz - oo nga kasi si akoni nakagat pala kaya meron kang phobia.Sorry naman doon.

Diamond R said...

@apple- mawawala ang takot mo sa aso pag meron kang pet na isa. Pag araw araw maghihintay siya sayo dahil excited syang makita ka mawawala ang takot mo sa kanila.

Diamond R said...

@jedpogi - kung nandito ka lang ibibigay ko siya sayo pusa gusto mo rin?Madami diyan mura lang sa pinasa ng aso.

Diamond R said...

@kamila- They trust you with their life and would give it up to protect you.They know that you care for them and love them too, just like a pack leader would.

Diamond R said...

@mayen- may magkaiba silang personality pero yong bond niyo sa isat isa ang di matatawaran. Tama ka- animals lovers are good person in general.

Diamond R said...

@Musingan - YOn nga ang mahirap pag nasa city ka. Advantage lang sa akin.dahil i have a big area na malayo sa maraming tao.Kailangan mo kasing maging sensitive sa iba na ayaw ng pet.

Diamond R said...

@laser- ron, at least alam mong sayo galing yong name ni ron-ron.at si samsam sekreto na lang baka di magustuhan na pinangalan ko sa kanya ang aking pinakamamahal na aso. Ganon pa man pag mahalaga sayo ang mga tao you connect them sa mga mahahalaga sayo.Asan na ang blog mo

PluripotentNurse said...

Cute naman ng mga doggies mo hihi!

Enge ako!:)

top commentators

Get this widget

Yiruma