Friday, April 1, 2011

Assumitis -Ang maling akala "sickness"

Hindi po melting ice yan kundi Asin.Maraming nagkakamali sa akala.


Salamat sa napakagandang si Sey- ng 14th street sa pagbahagi nito. Isipin mo yon malalang sakit na pala ito buti at naagapan pa.

Assume- to suppose something to be true
Pero mali pala at sa huli

May gana pa ang ibang magsabi ng "just go with the flow"
ang sadya pumunta ng Baguio pero nakarating ng Bacolod dahil nagkamali yan ang nangyari sa isang kakilala ko.

Pero sa akin ito.

Natatawa ako sa sarili ko. Nag alarm pa ako sa aking cell phone para ma remind sa pagbabayad ng Credit card.Yon pala Mag aasume di lang sa kung magkano ang minimum na babayaran ko - ayon, sa huli short ang binayaran ko ng kunti lang kaya kailangan kong maghabol last minute para mag bayad ng tama.Mas mahal pa ang ginastos ko at ang dami ko pang nasayang na oras.Isang dial lang nag assume pa.

Tsk tsk. ang buhay nga naman minsan.

Kaya next time.Wag bara-bara Magplano ng maayos at siguraduhin ang kung ano ang dapat gawin para succesful sa kong anuman ang gusto mong makuha or hinahangad.Nagplano na rin lang naman lubos -lubosin na.


Paano kong Multi million project na ang pinaguusapan dito. Hahayaan mo bang maging ganon na lang ang kalabasan ng iyong negosyo dahil lamang sa kapabayaan or katamaran.

Hihintayin mo pa ba ang multi million project para gawin ito. Dapat ngayon pa lang ginagawa mo na ito.

Seryosohing ng may kasayahan ang lahat ng gagawin maliit or malaki at seguraduhing ang layunin mo ay natutupad.Yan ang mga nagtatagumpay sa buhay.


Lahat tayo ay may kakayanang gumawa ng isang bagay na gusto mo kung gagawin mo ito at paninindigan hangang sa huli.

What do you think?

(Makapag update lang kasi wala akong magawa ngayon.)



17 comments:

Vhincci Subia said...

Tama! 'Wag maging assuming... Asin pala 'yon... Haha!

World of Vhincci

Unknown said...

Tama naman lahat for me. Ako i used to have credit card but I canceled it after 2 years. It's becoming a burden to me. hindi ako makaipon kc yung iipunin ko binabayad ko lang dun. Ganun din ako mas malaki pa yung binayaran ko kesa ginastos ko.(impulsive kasi ako) so nung nag offer sila ng masmababang amount kesa a actual na utang ko binayarn ko na lahat at kinancel. ngayon mas ok na ako. bibilin ko lang ang kaya ko and planado lahat. (well most of the time, hehe).

Rhea said...

i like your point in here :)

Ishmael F. Ahab said...

Ayon nga sa kasabihan sa English, "Haste makes waste."

Kung bara-bara ang iyong paggawa at hindi mo muna pinag-iisipan ay talagang masasayang yung oras at effort mo.

jedpogi said...

korek ka jan tol....

halojin said...

hehe :) asin pla yun! kung hindi ko pa binasa naku! napag kamalan kong yelo hehe.. hello kuya diamondR? hehe... oo nga tulad dapat wag assuming! hehe,, sa pag ibig pag assuming ka masasaktan ka .. ala lang base on experience lang hehe kinumpara pa sa love eh noh?

Kamila said...

huyystt.. tama.. wag lagi assume ng mga bagay bagay.. di ko alam kung kailan ako nag-aassume... ang alam ko lang gusto ko ng life na exciting.. yung di ko alam mangyayari bukas.. wala lang exciting ang buhay.

Kamila said...

wala toh sa blog roll ko..? bakit ganun?

Gumamela said...

akala ko snow asin pala :)

agree ako dun sa dpat laging maayos ang pagplano sa lahat ng bagay para malaki ang chance na maging magnda ang outcome :P

Rap said...

diko maimagine ung asin na pic... dinudurog un para maging "normal na asin"? hehehe


agree ako sa last sentence mo kuya... tama... kung determinado lng tayo at paninindigan natin na gusto nga natin gumawa ng isang bagay, itoy gagawin natin... dapat may isang salita at itoy ginagaw.. hindi puro salita lang, wala naman ginagawa. ^^

Anonymous said...

hahaha! akala ko ice..

musingan said...

now ko lang man ito nakita... nasaan kaya ako ng ipost mo ito? marahil nasa ulap ang aking mata...

Rome Diwa said...

I was deceived too! Many times we fail because we never plan ahead. Sometimes we plan but we never follow it. hehehehe


The Cuisineuer
Romepedia
Cruiseuer

Sey said...

bakit kaya ngayon nag-update toh sa BR ko! anu nanaman kaya ang nangyari sa blogger?

Anyway may alam akong sakit sa ganyan....Assumitis. mahigpit na ipinagbabawal sa trabaho namin yan kasi baka ma-misinterpret namin ang needs and client. maraming tao daw ang may saki na ganyan sabi ng boss namin.Kaya simula non, bukambibig namin ang Assumitis para sa mga taong nag-aasumme kahit hindi alam ang totoo or dahil feeling lang nila yun ang totoo.

Kaya iwasan ang sakit na Assumitis dahil wala itong magandang maidudulot bago mawalan ng multi-million dollar project. hehehe!

YanaH said...

true.. it really pays for us to check the facts o kung anu mang sirkumstansya meron tayo bago to umakto. hindi uubra ung bira ka ng bira at iniisip mong ganito ganyan dapat ng hindi binabase sa facts na meron ka..

para in the end eh walang mali sa magiging desisyon mo at hindi ka mahihirapan to stand by it.. ;))

Chyng said...

i assumed di na dadating ang pldt bill ko kasi its been 3 months, wala pa din.

ayun dumating last week. tumataginting na 4500! grabe!

Sey said...

toinks!!! nahiya naman ako dun, hehe! mabuti naman may naibahagi akong makabuluhan, kaya tandaan, bawal maging Assumitis.

top commentators

Get this widget

Yiruma