ang nanahimik ng 26K dh. chain link fence sa aking open yard- gustong sirain
Na pwedi namang galawin ang temporaray G.I fence na ito.(photo after namin maiurong)
Pumunta akong Dubai kahapon. Di ko makalimutan ang isang malaking sign board na kumuha ng aking atensiyon along Sheik Zayed road.
"Open your heart and you will live more"
at bigla kong naalala ang isang eksena sa trabaho sa aking neighbour hood department- ang Workshop.
Madalas sa trabaho natin di maiwasang maging paranoid sa mga paulit-ulit na problemang hatid ng isang tao na nabinibigyan natin ng ibang kulay ang di naman dapat.
Try to focus sa kong ano ang problema lang at makinig ng mahinahon. Kung nasa kaiinitan siya ng kanyang emosyon iparamdam na tama ang paglapit niya sayo dahil bahagi ka ng solusyon.
Nitong nakaraan araw lumapit sa akin ang punong abala ng aming Workshop.
Para sabihin niya na kailangan namin iurong ang chain link fence ng aking teritoryo - ang Warehouse open yard
Dahil panakot ng supplier ng diesel hirap siya mag maniobra ng kanyang tanker kung kayat di na siya mag dedeliver kung di ito maiayos. Fine , problema nga ito.
Dahil pinagsisikapang kong maging isang mabuting tao(kakahiya naman tumatanda na). Di ko na pinakawalan ang aking mga linyang "are you crazy 26,000 dh sisirain mo lang? leave me alone and solved your own problem!"(madalas niyang bukang bibig yan gagayahin ko sana) pero hindi naging accomodating ako. I walked with him; inspected the area tried to help out, talked to some people- and we did it wala pang isang oras. Tapos.
Wag maging reactive. Isipin mo na lang na pag may lumapit sayong tao, anghel ang tingin niyan sayo.
Applicable yan sa lahat.
Just open your heart
and live more.
16 comments:
Dealing with our emotions is hard. As we grow older we learn hot to manage it. Im glad you did.
The Cuisineuer
Romepedia
Cruiseuer
Ang bait naman ni kuya. Good vibes na good vibes :)
dont worry kaya mo yan harapin ang mga problema dyan... kaw pa.. ang laki mong tao eh.. ehehhehe... anyway,.. alam mo bang napanaginipan kita last night... gumagawa ka daw ng video blog mo.. at tawa daw kami ng tawa.. magkakasama daw kaming mga kablog mo sa kwarto ko habang pinapanood ang video blog mo... ehehehehe teka.. gumagawa ka siguro no?
@ rome - Oo nga pero maganda naman na take life easy kasi wala talagang mapapala sa mga pagalit galit. salamat
@Nimmy- Salamat nimmy gumagaya lang sa pagiging cool mo.
@Musingan- Sa tulong ng diyos makakaya. About the video ako ang natutuwa manood ng mga videong ginagawa niyo wala akong talent sa ganyan pero parang gusto kong gawin.wala akong star quality pang director lang ako.Noong highschool nag theater Arts ako pero wla ding effect sa akin.
wow nice naman to..thank you for sharing =)
pumunta ka sa tiretoryo ko di ka nagsabi! sana nag meet tayo madadaanan mo lang building ko along the way sa jebel ali freezone! tsk! nakalibre sana ako ng lunch!
ah! u never fail to make me smile mel! at this time u did well again. life keeps throwing u difficult tests, u keep passing again and again...also becoming better along the way. God bless friend!
Just open your heart and live more.
Super like it. :)
natutuwa ako lately sa mga post mo kuya kase napaka positive mo.. hhehehe
una, dapat iisipin na may mabubuti pang tao sa mundo...
pangalawa, kung hindi sila mabuti, tayo na lang ang maging kind sa kanila... hehhe :) nice one
Tama nga naman. Kailangan mo talaga ng mahabang pasensya pagdating sa mga ganitong eksena.
Buti at naresolba ang problema nyo.
ayos ito sir.. tama nga naman..
naisip ko tuloy.. wag palaging negatibo ang ating pagtuunan ng pansin sa kinaiinisan nating tao, mas lalo lang tayong maiinis. May mga bagay na hindi natin nakikita dahil nandun ang ating atensyon na maari maging daan para naman mawala ang ating inis.
magandang araw sir
tama.. heheh..
"Open your heart and you will live more"
really need that quotation. sometimes we tend to forget the true meaning of our existence w/c is to be love one another :)
thanks for sharing!
Ey! Ang bait mo naman... hehe! Anghel na cguro tingin nya sa'yo... :D
World of Vhincci
Post a Comment