Saturday, April 16, 2011

Consultation Experience.

naka shade kasi lumuluha ang aking mata.




" See your Troubles as Blessings"

Sa waiting area ng "patient with appointment" ng Hospital napansin ko lang lahat ng Muslim sa tuwing pumapasok, matanda bata titigil muna at sabay babati ng Assalamu alaikum ng ubod ng tamis galing talaga sa puso. Ang lahat naman sasagot ng alaikumussalam. Tapos magkakanya-kanya na ulit.

Humahanga ako magandang asal na ito dito. Ito ang nagpangiti sa akin sa masalimoot na araw na ito.


Nag breakfast,nakatulog, nagmeryenda at nag lunch na umabot ng halos mahigit 5 oras sa paghihintay Sa nakalocked na clinic.Tapos magugulat lang n aibang doktor ang makakaharap ko. Ano ang gagawain niya sa akin? makikipag kwentuhan or sasayawan ko(yong audition pa rin sa PBB -ni Jengpot ang nasa isip ko)

Very accomodating naman si Dok.Binuksan ang computer pero walang lumabas ng history or record sa file number ko so nagtitigan na lang kami. Ang ibig sabihin nito lahat ng record noong 2010 burado na sa system nila or na virus.
Kaya balik hintay ulit.Para kunin ang file( hard copy). Balik ulit ako sa kandungan ng isang Arabic na ka bonding ko na tagal ng aming pagsasama sa waiting area.Sign language ulit siya pag kwekwento.

Sa bandang huli Ang sabi ng kasama n Dok e re re schedule na lang ako ulit sa attending physician ko. E yon naman ang dapat. bakit pa ako pinaghintay Pastelang yawa naman. Magbayad na daw ako sa counter.

WHAT?

Muntik na akong maglumpasay(drama lang). Ang babayaran ko sa perwisyo, paghihintay at walang kwentang kaganapan ay 365 dh.(4,212.7 pesos)(mabigat kasi di naman pinupulot ang Dirhams dito.Budget na halos ni mamang yon ng ilang lingo.

Wala akong magawa kundi ang magbayad. halos ayaw bumitiw sa aking mga palad ang dirhamis.

At binalikan sina Dok pero wala na ang dalawa doon.

Tinanong ko ang isang isang attendant doon ito ang sabi sa akin. Next time daw pag di ko kilala ang doktor na haharap sa akin kaagad agad sabihin na hindi kita kailangan at wag nang pasasalitain. kasi pag may lumabas na salita sa bibig niya sa harapan mo- 365 dh consultation fee na yon.

Umalis na lang akong may dala dalang bagong aral sa buhay.

Kaya wag kayong magtataka kung bakit naging parang audition piece ang mga nangyari ito sa akin kasi kailangan kong pagsumikapang tangapin ito ng maluwag at masaya sa aking puso yon lang ang naisipan kong gawin.

Madrama ang mga naganap. What to do yani? Ganon lang talaga ang buhay kailangang magpatuloy na lamang.

Ano ang troubles doon na blessings.?
Meron akala mo lang wala.

... have patience with everything that remain unsolved in your heart.
umuwi akong natulog at masyang nag blog na lang of this experience na parang naging katuwaan lang. see my previous post PBB audition.

resolve to transform stumbling blocks into stepping stone and vow to turn your wounds into wisdom.

Kaylan man di hahayaan ng diyos na ikaw ay mapariwara sa isang karanasang hindi kinakailangan.


37 comments:

TAMBAY said...

nabigla naman ako sa singil, ang mahal sa kabila ng wala naman talaga ginawa ang doctor. No choice tayo pag ganyan dahil yan na yata ang sistema nila eh...

dito sa atin di pede yan hehehe...

Habaan mo pa ang pisi ng iyong pasensya sir..

magandang araw sayo :)

Anonymous said...

mababait talaga mga muslim hehe! muslim ako.. :)

natawa ako jan "Pastelang yawa naman" bisaya yan diba? asa diay ka gikan nga province dong, hahaha!

ikaw na ikaw na ang mananalo sa big blogger haus, ilang ulit mo binanggit jan sa blog mo ah, hehe..GOOD LUCK!

Emmaleigh said...

Kaylan man di hahayaan ng diyos na ikaw ay mapariwara sa isang karanasang hindi kinakailangan.

tama! gaano man kabigat ang isang problema, may dahilan ang Diyos at hinde Nya tayo pababayaan.

Akoni said...

Ayyuunnn don pala hinugot ang entry audition...hahaha..astig.

pero grabe naman noon ang mahal naman noon, nagsalita lang 365 dirhams? OMG...

egG. said...

grabe..ah.. walang nanyari sa paghihintay mu... buti na lang mapagpasensya ka po...

haayyy un lang... wolo long... grabe naman kasi yun appointment parang wolo long.. wanubeh...

pero yaan mo na.. bloghop na lang tayu lol... hehehe :D

kita kits sa PBB haws char!!!

Anonymous said...

kung ako siguro yon, baka naghuramintado na ako sa tatlong daang mahigit na riyales na papakawalan ko. ako na naghintay ako pa magbabayad? hmp!


Kaylan man di hahayaan ng Diyos na ikaw ay mapariwara sa isang karanasang hindi kinakailangan.

i love that. =)

musingan said...

huwat? bakit ka pinagbayad? eh wala namang ginwa ang doktor sa iyo? di ka ba nagreklamo? grabe naman yun...

anyway... kokorrect ko lang.. pag salam mo..

it's actually

Assalamu Alaikum

tapos sasagutin naman ng

Alaikumussallam..

ehehehe..

anyway.. kakatuwa ang post mo sa Audition.. naku pano yan.. mukhang pareho kayo ni Lhuy na nawidang ako.. ehehehe...

Diamond R said...

@Istambay- medyo hinabaan ko ang pisi ko kaya tumahimik na lang ako pero kinaumagahan pumunta ulit ako kasi parang may mali talaga pero pag fri sarado sila so nagdecide na ako na siguro tangapin na lang ito dahil ganon talaga ang sistema.Next time mag ingat na lang

Diamond R said...

@mommy- Razz- Oo nga kakaiba sila.talagang sumusonod sila sa itinuturo ng imam. Madalas magdasal at gumising ng umaga para magdasal sacripisyo yon. sobra.
naririnig ko lang yan mommy di ko alam kong bisaya yan. pero cute pakingan. Oo nga natutuwa ako diyan sa bloggers house na yan. pero just for fun ng may pagkaabalahan

Diamond R said...

@Emmaleigh- kaya minsan wag masyadong mag paapekto gawin lang nag pwedi ng mahinahon try lang ba.Di naman tayo pababayaan ng diyos kung wala kang ginagawang masama. Naniniwala ako doon. Salamat sa pagbisita.

Diamond R said...

@akoni - Doon mismo. kaya sa gitna ng mga kaguluhan ang nangingiti lang ako. kasi ninanamnam ko ang pakiramdam ng audition. ayon tagumpay.

Para akong na harashed sa binayad ko.hay buhay.

EngrMoks said...

ganun kamahal pare? heheheh nacurious ako sa PBB na yan ah...anu ba yan? wala na kong update sa mundo ng blog ah...hehehe

Diamond R said...

@EgG- Wala ng nangyari,pinaghintay ako ng matagal tapos ako pa ang pinagbayad. galing no.kay God na lang ako magsusumbong.

Diamond R said...

@rainbow box - rose kumusta ka na. Mukhang busy ka masyado. oo nga. pigil na pigil lang talaga ako. pero gusto kong maghurimentado

Kamila said...

Isa yung pasensya sa mga values na yo-yo kong natutunan.. ibig sabihin minsan inaaply ko, minsan hindi.. minsan oo.. kaya ayun... ngayon naalala ko na naman.. hahaha...

iya_khin said...

oist! bunganga mo lalagyan ko yang ng sili! hahaha

wala ba akyong insurance?!! shuhada mahal naman yan! bakit ka ba nagpapaconsult?

iya_khin said...

oist! bunganga mo lalagyan ko yang ng sili! hahaha

wala ba akyong insurance?!! shuhada mahal naman yan! bakit ka ba nagpapaconsult?

Superjaid said...

grabe naman!bat ganun kamahal takte

Vhincci Subia said...

ay talaga naman oh! kainis nga yan! pero ang maganda, 'di ka na mabibiktima next time! sayang nga lang yung 365 dh...

World of Vhincci

Anonymous said...

nakasmile din ako... sana manalo ka dun sa pakolo na big blogger.. hehehe

Rap said...

curios lang ako dito kung sino inutusan mong picturan ka... ahahaha...

Diamond R said...

@kamila- bata ka pa kaya ok lang yan. Pero pag tumatanda na kailangang maging matino na.

Diamond R said...

@Moks -Ganon kamahal dito ang mga ganitong hospital dito kasi ako naconfine noong maaksidente ako kaya no choice. Yong pagpapasok mo palang may bayad na 130 dh. wala ka pang nakakausap na doktor niyan. tapos pag nakaharp mo na ang doktor na kaappointent mo ang consultation fee 360 dh. tapos ikaw di ang babayad ng kung may exray na gagawin at kung ano ano pa. Pag my insurance mababa lang siguro yong insurance kasi namin di tangap ng hospital na ito. kaya ipapareimburse ko pa ito baka next year ko pa makukuha. YOng PBB puntahan mo yon link ni Jhengpot.

Diamond R said...

@Iya_khin - meron kaya lang iba ang insurance namin pipitsugin siguro kaya di accepted. kaya ipapareimburse ko pa next year ko pa mkukuhan.

Nabanga pala kasi yong sasakyan namin noong oct. 26 last year. parang follow up lang ito to check kong ok na ang nafracture kong buto. at yong left eye ko kasi naluluha kaya gusto kong patingn

Diamond R said...

@superjaid - ginto nga. Mamumulubi ka pag dito ka naospital. Buti na lang may mga insurance ang mga tao dito. kaya lang pag mga ganitong follow up check up wala kang choice kundi magbayad from your pocket.

Diamond R said...

@vhincci Subia- gusto ko ngang maglumpasay. sayang ang 365 Dh. ko

Diamond R said...

@vhincci Subia- gusto ko ngang maglumpasay. sayang ang 365 Dh. ko

Diamond R said...

@Musingan - Naririnig ko lang kasi ganon pa la yon pag isinulat. thanks. ma edit nga mamaya.
salamat Al.

Diamond R said...

@Kikomaxxx- salamat kiko, katuwaan lang ito. pampalipas ng homesick at oras.

Diamond R said...

@Leonrap - Paraparaan lang. yong isang pakistani doon na may kapatid na naospital kinaibigan para ako kuhanan game naman.pagkatapos kuhanan biglang iniwanan na.

x'tian said...

kuya, wala ka bang insurance??? ang mahal nmn ng binayaran mo, grabeh!

Ishmael F. Ahab said...

Pamatay yung doktor diyan ah. Talo pa ang mga holdaper. Sa kanila salita lang magbabayad ka na agad. Eh paano kung kalokohan lang sinabi nila, babayaran mo pa rin?

Sa tingin ko, parang abuso naman yung ginawa ni dok.

Diamond R said...

@Xtian- Damam insurance lang ang tinatangap ng hospital na ito.Iba ang insurance card namin.small timer siguro.

Diamond R said...

@Ishmael Fischer Ahab - Ganon na nga.Pero di na sila makakalusot sa akin next time.

jedpogi said...

don't worry sa binayaran mo tol... kikitain mo yan ulit!

Ka-Swak said...

mahal naman...wala ba kayong medical card na binibigay ng company? sa amin kasi dito free lahat eh.

Sey said...

" See your Troubles as Blessings" I always do that to lessen the navigate away from negative thoughts.

Ano gagawin mo sa PBB? kapag need ng voted sabihin mo ah! mag-vote ako! Ang tangakad mo!!! naalala ko sayo yung officemate ko dati na simpleng magbitiw ng salita pero rock! haha

top commentators

Get this widget

Yiruma