Ang tunay na mukha ng isang Diamante,It is simply shining as it is, shining as shiningness.
Pagpupuri sa isang taong karapat dapat lang purihin.
Noong mga nakaraang araw Sa Yahoo today story nailathala ang top preferred names in America Si Jacob pag lalaki or Isabella naman sa pag babae ang sumisikat na pangalan ng mga baby. Opo ,pati yan pinoproblema nila. At wag na Kayong hihirit kong bakit di kasama si Edward diyan. Dahil wala rin kasi akong pakialam.
Eh ano ngayon...? wala lang, ang alam ko wala ng gaganda, babango pa, sa pangalan ni Manny Pacman Pacquiao of the Philippines.
Nagmumura ang ganda niyang lalaki.
Pasinsiya na po. Di pa kasi ako makatulog sa sayang dulot na naibigay na thrill ni Pacman kahapon. Basta feeling ko kamukha ko na si Pacman.Skip meals din hangang ngayon.Makakain na nga after this.
----------------------------------------------------------------------------
For the first time nakinood ako sa bahay ng may bahay kahapon kahit ayaw nila(joke) para lang makapanood ng balita sa TV Dahil my TFC sila kami wala.Sa gitna ng bagyo sa Bicol at baha sa maynila umaapaw ang galak sa puso ng mamayang Filipino di alintana ang sama ng panahon.Papaano mo palalampasin ng mga ganito di bali ng magmukhang kawawa at makanuod lang. Yong tipong nakikisilip ka sa tv ng kapitbahay sa siwang ng bintana sa may squatter area. sabay sasaraduhan. oh no. (di na totoo yong dalawang huling linya drama lang hehehe.)
Kung si President Obama may "longest 40 minutes of my life" sa helicopter raid na naganap in Pakistan.Meron din si mommy Dionisia- at kahapon yon.
Kung ang lahat ay masaya sa bakbakang naganap. Naramdaman ko ang takot na bumabagabag kay mommy Dionisia sa ABS-CBN news kahapon, Nakita ko kasi sa kanya ang di matawarang pagmamahal ng isang Ina sa anak sa tuwing napapasabak ito sa anumang hamon ng buhay. Kung makapagdasal siya talo pa ang ginawang laban ni pacman sa ring. She wrestle with God in prayer-Ito ang tunay na laban ni mommy ang tunay na laban ng buhay na ligid sa kaalaman ng lahat Ramdan ko ang anumang bagabag na meron siya sa kanyang puso dahil walang higit na masasaktan kundi ang Ina pag nasaktan ang kanyang anak.
Happy mothers day Kay mommy Dionisia. Symbolo ka ng isang ina kahapon.
Congratulations Manny Pacquiao Ikaw ang Mukha ng salitang inspirasyon.
Wala daw siyang hiningi na di ibinigay ni Manny, of course 15$Million dollars yan mommy ano pa ba ang di kayang ibigay ni Pacman sayo. Pero alam ko hindi na yan ang gusto mo.Kundi ang di masaktan si Manny.
Did you wrestle with God in prayer? our mother does all the time para sa kanyang anak. Naiintindihan ko yan dahil nakikita ko yan kay mamang. Yan ang nararamdamn ni mommy Dionisia sa bawat labang hinaharap ni Pacman.
Kaya pwede lang idol last na ito para kay mommy na lang. Tutal wala ka ng paglalagyan ng mga panalo mo.
At dahil diyan Ito ang panalong pangalan sa puso ni One Acre of Diamond
1.Dionisia pag babae
2.Manny Pag lalake
Suma total- my conclusion sa labang ito.
May Manny dahil may Dionisia.
May PANALONG PACMAN Pag pinagsama mo ang dalawang ito.
Yan ang wala ang iba.