Saturday, February 25, 2012

Big Miracle

Habang hinihintay kong magdownload ang 3 idiots sa utorrent nanood muna ako ng"Big Miracle" sa CineRoyal sa Dalma Mall kahapon.Ayos naman ang pelikula

Kumusta naman ang 3 idiots- Ayon, hangang ngayon dina download parin sa awa ng diyos.(bitter)

INSPIRING!  ang "Big Miracle" kaya panoorin niyo. Kung ano ang big miracle doon.

Pero wala akong planong mag kwento tungkol dito kasi wala me kakayahan sa mga ganon.

Habang nanonood pumapapak ng tortella chips na may ubod ng linamnan na cheese sauce and salsa. Bakit parang mas lalong sumasarap ito  habang nanood ka sa sinehan. Ang cheese wohh!.Parang gusto ko ulit manood dahil sa salsa and cheese lang.

Kumusta naman ang gastusin sa panonood sa Abu Dhabi.may kamahalan kompara sa pinas ng kunti lamang.

35 dh (400 php) yong ticket
30 dh (346 php) combo 3 ( tortilla with drinks and small pack of chocolate( na di ko na nakain. noong nasa labas na kao hinahanap ko di ko makita nalalag yata sa upuan sayang.)

TOTAL 746 php


More fun ngayong 2012.

Photobucket

Friday, February 24, 2012

Pasaway- 3 idiots update

Sa ikakatahimik ng aking isip I  requested to block my Credit card  ngayon. Pagkatapos ng isang linggong pagalala. 

Kinailangan ko lang naman gumastos
99 dh for card replacement fee to block my card.
120 dh for the one week membership  sa www.howtostaylegal.com na walang kwenta.

Uullitin ko ang website na ito www.howtostaylegal.com at (  inset ang malutong  na mura  na may kasamang kidlat dito )Warning : Stay away from this site!

Dios ko mio pardon.

Remember yon 3 idiots na binili kong Video cd- Hindi ang pesteng yawa di kami magkaintindihan Dahil sa pagkadisperado kong mapanood ito talagang nag hanap ako ng movie with english subtitlle online na pweding e- down load.

.Pagmasdan niyong mabuti  ang mga nangyari in order

I typed 3 idiots english subtitle ito ang mga lumabas

Sa pagkahayok sa 3 idiots  naging sunod sunoran na ako sa kung saan ako dalhin

hataw click lang click.

Na excite me ng todo
Yes! na excite me ng tudo sa Download.
Oppss.




Okkk.get the file you want at blazingly fast speed.


Sigi na nga.Nahulog na sa patibong. let me see. try natin ang 7 day unlimitted download walang choice  eh. Wag na munang kakain ng isang linggo. manood na lang ng  3 idiots.
other than booking for Flight. first time kong gamiting sa mga ganitong transaction ang credit card kong nakatago pa at nakakandado para di mailakabukan. 

Ang bilis ng mga pangyayari.ito na ng purchase details ko. expected ko 20.93 USD lang pero naging 31.91 USD.What to expect ganyan talaga ang lakaran sa mga ganitong transactions kaya madala ka na wag ng magtataka.Nakaisa diba?No time na kasi magbasa ng mga nakasulat doon sa taas kung ano ang mga damage na maisasama.

Ang pinakamasaklap wala kang madodownload na movie dahil dadalhin ka lang sa kung ano ano mga website na legal (peste) at  babayaran mo ulit ang kung meron man itong movie na hinahanap mo.

sa madaling salita waste of time and money. 


Bigyan niyo na nga lang ako ng link kung saan mapapanood ang 3 idiots na yan.Please!!!!parang awa niyo na.

Photobucket

Tuesday, February 21, 2012

Piliin Mo Ang Pilipinas feat. El Gamma Penumbra

Choose Philippines video is a web sensation sa ngayon sa tingin ko lang.World Class walang kukuntra diyan.Tatayo ang mga balahibo mo kung tunay kang Filipino sa ganda at puso na meron sa pagkakagawa nito.

Mabuhay tayong lahat.



Photobucket

Monday, February 20, 2012

They Fall in love

Photobucket



Kung ang mga pusa sweet sa isat-isa ang tao pa kaya. Patatalo ka?


Ang larawang ito kuha mga dalawang buwan na ang nakakaraan.Watch out kung ano ang mga itsura nila ngayon.

Sunday, February 19, 2012

11 kautusan

Di na ako magpapaligoy ligoy pa alam niyo na ang kung ano ito kasi madami-dami na ang nababasa ko tungkol dito kaya pagbigyan na.

Nakakatuwa magbasa ng mga ganito pag follower ka ng gumagawa. Nakikilala mo ang blogger kahit sa mga ganito lang.Kalokohan or kaseryosohan pero tungkol sa kanya diba ayos yon.

kung ayaw mo naman ng mga ganito tumbling ka na 'wag kasanang matisod.

Salamat kay Jhengpot at kay AL sa pag tag sa akin.

Kailangang kung sumunod sa sumpang utos na dala nito kaya ito na.

11 random things about me

1.Mukhang mabait pero may katarantaduhan tinatago sa loob.May takot sa diyos.
2.Boring akong kasama pag madami.Ibang usapan na pag tayong dalawa lang kasi ramdam mong mahalaga ka sa akin.
3.Hindi ako tumitingin ng mata sa mata laging lampas lang sa public places para suplado ang dating(naks)
4.Maaga akong natuto ng mga kalokohan sa buhay.Sigarilyo noong lima, bayolente at nagkulong ng pinsan sa loob ng kwarto sa edad na 6.Nananaksak ng lapis noong grade 1, nag padugo ng ulo noong grade 2.
5.Palihim na naglalagay ng bulalak sa altar ni Papa Jesus tuwing hapon pag wala ng tao sa simbahan ng walang nakakaalam.
6.Pinakulong sa salang pagnanakaw ng sariling ama dahil sa kanyang mga patubuing niyog
7 Batang cubao sa edad ng 15 at kumikita sa edad na 17.
8 Tinalikuran ang mundo at sumunod kay Kristo sa edad ng 20 at nag misyon ng 10 taon
9.Nakapatapos ng kolihiyo sa sariling sikap na maligaya.
10.Nanalo ng lawsuit noong 2003 sa pangaabuso ng kanyang amo (sa larangan ng labour law naman)
11.Pinagtratrabahoang maging milyonaryo in pesos kahit sa pananalapi  lang sa lalong madalaing panahon.

ang lufeet nito bahala na kayo kung maniniwala kayo sa mga katarantaduhan ko.

Hangang part 2 lang ako kasi di ko na kaya.kasi dalawa ang kailangan kong sagutin.

Mga katanungan ni Jengpot.

1. Ano ang ibig sabihin ng pangalan mo?

Rommel Si ama ang may gusto nyan kinuha niya sa pangalan ng isang German Marshal noong world war 2.ang mapangahas at matapang na si Erwin Rommel na kilalang dessert fox. Gusto ni amang makita sa akin ang mga katangiang taglay nito Erwin.I reminded him of the world war 2 araw-araw.oras-oras.

Diamond - Apelyido ni nanay no need to explain.

Acre -Malaki, matikas, malapad  yon parang ako at ang mga pangarap ko sa buhay.

One Acre of Diamond - Hindi pweding acre of diamond lang magagalit si Russell H.Conwell kaya dinagdagan ko ng 'One" ang title ng blog ko para maging akin ito.

2. Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng magiging presidente ng Pilipinas maliban kay Pnoy sino ito at bakit.

Pweding si Vilma star for all season o si Nora Aunor Walang himala!.Seriously Pag uwi ko ako na lang.

3.Wagas experience mo about love.

Wala kasi hindi pa siya wagas na wagas kunti na lang wagas na.

4.Anong kulay ng puso mo ngayon seryoso?

Dark RED.bakit mo natanong ito at seryosong seryoso ka talaga sa kulay?

5.Sa anong bagay mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?

Ice cream in cone.

6.Sinong karass mo maliban sa akin?

Si mommy razz.

7.Kung papalitan mo ang pangalan mo ano ito?

Gwapo Ilovyou masarap pakingan pag tinatawag ka.

8.Anong ginagawa mo pag malungkot ka?
 Naghahanap ng kasama para madamay. Nagdadasal

9.Ano ang gagawin mo pag nakita mo ang kasabay mo sa dyip na may nakalabas na kulangot sa ilong?

Kuya/Ate, sabay turo may dumi ka yata sa ilong.

10.Gaano ka kasarap mag mahal (wagas na wagas)

Premium, masarap dilaan. Slurrf.

11.Ano ang gusto mo itanong sa iyo ng mga tao.

Kaylan ang ipapalabas ang susunod mong pelikula idol.


 Ang mga katanungan ni Al Diwallay

1.What is your favorite and hated food and why?

Favorite: chicken Inasal kahit araw-araw na di ako magsasawa.kaya panalo sa akin ang mang inasal. Bakit: basta masarap sa akin ang dumaan sa apoy at may mga sunog-sunog.
Hated: kahit anong atay.nakakasuka ang lasa niya.

2.If you were to sing in front of many people what song would you sing and why?
This is the moment. Kasi moment ko yon para ramdam na ramdam

3.(Fill in the blank) If I could _____ just, and why?

If I could just read minds.. may pagkatorpe kasi ako minsan.

4.Except from the one you truly love is there's somebody that makes you feel special?

Yep marami.

5.(Fill the blank again)This 2012 I promise i will____and will not___ and why?
Dumudugo ang ilong ko sa mga tanong mo Al.

This 2012 I promise I will share more of my blessing and will not forget how blessed I am.
why? this is a second life, a second chance. Hindi lahat nabubuhay sa isang tragic accident.


6.3 things you regret you did in 2011.
1.Bumili ako ng LG Laptop kaagad instead of Macbook.
2.Invest on a business na di inaral ng husto.
3.Basta- basta nagtiwala sa pagpapahiram sa di masyadong kilala.

7.3 things you regret of not doing in 2011?
1.travel
2.love.
3.and have fun more.

8 If you could make things right what would it be? why?

Hindi hinayaang walang ginawa ang management sa complain namin regarding our driver 2 days bago nangyari ang aksidente.

9.In your own words.. why do you think GOD HAS CREATED YOU?

Kung hindi ako ginawa ng diyos, walang one acre of diamond na sumasagot sa mga tanong mo ngayon.Milya-milya man ang pagkakalayo masaya na nakilala ka kahit sa paraang ito.Nagiisa lang me.

10.What is love for you.

Nabubuhay ako dahil lang sa pag-ibig wala ng iba.

11.If given a chance to talk to your ex(s) what you would say to them?and why.

seryoso ito.malay mo mabasa.

Ex1-Z.. Madalas kong e type ang pangalan mo sa facebook para hanapin ka at magbakasakaling lumabas ang pangalan mo tagal mong tumago paramdam ka naman?


Hangang dito na lang ako.at di ko na kinaya ang iba.11:16 PM sabi ng clock ko.
wagas na wagas ito.






Photobucket

Friday, February 17, 2012

Panaginip

Nanaginip ako  kagabi.

Sa isang kwarto kasama ko ang owner na aming kompanya.Mahinahon niyang kausap ang isang  matandang engineer na may sakit na nakahiga sa kama  (di kosiya  mamukhaan) bagamat ramdam ko may pagaalala ang kanilang mga boses.

May bago daw kaming project ang problema sino  ang hahawak nito.
Nabangit ng boss ko ang pangalan ko na ikinabigla ko  - maliban na lang daw kong tatangapin ko ang posisyong yon.

Bakit ako? Hindi ako Engineer boss.

Aspeto ng management lang naman daw ang hahawakan ko dahil may mga technical engineers na magpapatakbo nito.

Mobilization na ng project ang mga sumunod na eksena at pumipirma ako ng LPO.


Friday ngayon. 8:30 na ng umaga ng magising ako
Tinanghali , bagamat maganda ang aking pakiramdam sa aking panaginip.

Magandang OMEN ito.

Bakit nasa costruction site ang aking panaginip? 

Ito kasi ang aking playing ground ng halos anim na taon na.Dito umiikot ang aking buhay.Binubuo ang aking mga pangarap.
Marami ng lumisan. Nandito pa rin ako.At mananatili hangang kailangan pa ang aking serbisyo.



Photobucket

Tuesday, February 14, 2012

Huwag kayong maingay

May binabasa akong libro.

Na inspire kasi ako sa post ni Leomer. Marami na akong naririnig  na usap-usapan  at nababasa tungkol sa librong ito. Mukhang kailangan ko na talaga basahin.

According to the New York Times " The Alchemist" has been translated into 67 different languages. This gave Coelho the position as the world's most translated living author according to 2009 Guiness World of Records.


Photobucket

Saturday, February 11, 2012

Sapilitang Pagibig at ang OFW

Gusto kong mamilipit sa tawa habang kinukwento sa akin ng ka roomate kong si"tatay" ang nagpainit sa kanya sa labor office dito sa AUH  ng kumuha siya ng Overseas Employement Certificate(OEC).

Hindi daw siya bibigyan ng OEC  kung di muna niya uunahing magbabayad ng Pagibig, Ganon lang ka simple ang sinabi ni madam OEC na abala sa kung ano man ang kanyang ginagawa di man lang daw siya tiningnan ng saglit.Sa madaling sabi may kasungitan.

Na highblood ang may kalusugang si tatay! Kulang na lang manigas at mawalan ng lakas.Hindi na daw siya bata para mangailangan ng Pagibig dahil kung pagibig lang ang paguusapan marami na siya nito. - Ayan tuloy.

At kaylan pa kasi naging sapilitan ang Pagibig  na yan na dati namang hindi!


Mandatory na daw kasi ngayon ito. Bago ka makakuha ng OEC kailangan may maipakita kang official receipt  na nagbayad ka ng Pagibig funds.

Magkatapat lang ang table ni Madam OEC at Madam Pagibig  kaya nguso lang ang kailangan para magabayan ka sa tamang pupuntahan ayon kay tatay.

Ang galing diba? Sure ball nga naman ang pagibig funds ni madam wala kang kawala.Yan ang tinatawag na coordination o teamwork in action.



Ganon pa man masaya naman na ngayon si tatay.Naitanong ko lang minsan kung kumusta na ang kanyang mga pag ibig. Pupuntahan niya raw si madam OEC para batiin sa araw ng mga puso at matanong ang lagay ng pagibig funds ng makapag housing loan rin.

Kung OFW malamang ganito rin ang mga kaganapan sa inyo.Masaya diba?
Photobucket

Wednesday, February 8, 2012

Ang bilis!

Mabilis lang ito.Kasingbilis ng araw kung lumipas.

habang di pa nagkakagulo ang mga adik sa Valentines day

Gusto ko lang munang makapag update dahil mukhang inaamag na ang aking blog doon sa kailalilaman ng mga blog roll niyo kung nandiyan pa ako.I'm back  ng masinagan naman ng araw.

Na miss kong mag patubling-tumbling at magpagulong gulong sa mga blog niyo at magkalat ng kung ano- ano.

Pagpasinsiyan muna ang pang aabala kong muli sa mga walang ka kwenta -kwentang post.



Umagang kay ganda bagamat struggle ang araw sa pagsikat. 

Bago naging chocolate ang Cacao meroon muna itong matamis na pulp na  masarap sipsipin

Kung may barakong kape ang Batangas. May maurag na kape ang Bicol

at ang wlang kamatayang kagandahan ng  Cadena de Amor.
Valentines na valentines ang dating ng post kong ito di lang halata mula sa chocolate  napunta ng chain of love saan ka pa? dito lang sa blogospero.



Photobucket

top commentators

Get this widget

Yiruma