Monday, March 14, 2011

Babalik Ka rin

Dalawang dating kasamahan ko- Crane Operator at Auto Mechanic ang nag resigned sa trabaho dahil gusto nila ng mas malaking sahod.Umasa silang mag aalok ang kumpanya ng karagdagang sahod ngunit kabaliktaran ang nangyari.Walang sinayang na sandali at salita.

Resignation approved.

Sila ang nagulat.



Umuwing may paghihinayang ngunit huli na ang lahat.
Pagkaraan ng 6 ng buwan na walang ibang mapasukang trabaho. Pikit matang nakikiusap sa companya kong pweding makabalik. Ang offer mas mababa ng kalahati sa dating sahod.Tinangap nila ito kaysa sa wala.

Isa lang ang segurado ako, natuto ng leksiyon ang dalawang ito at ang marami pang iba.
--------------------------------------------------------------------------------------

Hawak na ang hinahanap binitiwan pa.

Sakit ito ng karamihan.
'Wag magpadalus-dalos sa mga balakin.Magisip mabuti

Sumanguni 't makinig ng makasiguro sa hakbang na iyong gagawin

Hindi lahat ng binabalikan ay naghihintay at muling nakukuha.


(Let me know kung may nangangailangan sa inyong kompanya na serbisyo ng dalawang ito.Si Crane Operator ay magaling magluto)
Tulungan natin sila.

25 comments:

Axl Powerhouse Network said...

sabi nga nila.. kung anu meron matuto ka magpasalamat kasya sa wala at hirap kang maghanap....
every single day is a blessing kaya dapat wag silang mag inarte maraming walng trabaho ngaun :D

Akoni said...

tsk..tsk..hindi talaga makuntento ang tao sa kung anong mayroon siya..bakit hindi nalang magpasalamat?

Nice blog ulit -puno ng aral..

may ganyan din akong kasamahan dito, nag-e-exit, tapos makikiusap na pabalikin...buti nalng tinatanggap pa ult ng boss namin, pero may condition, isang buwan na kaltas sa sahod...hehe..

Call Me Xander said...

Hayyy... buhay nga naman. Sabi nga ehh be careful what you wish for. So nag wish ng mataas na di naman dapat. Masama din magnais masyado. Kawawa naman.

Anonymous said...

wow. ambaet mo naman pala! hehehe


kadalasan kapag ang Pinoy nasa abroad, mababa ang self esteem niyan at morale kaya nakakagawa ng kung anu ano. intindihin na lang sila. hehehe

Rap said...

waaahhh... nag file na din ako ng resignation ko.. ahahaha kasi may pending offer sakin... sana nga lang tanggapin pa nila ako next month.... kung hindi man, i believe na may mangyayayring maganda, naniniwala ako sa kakayahan ko! ahaha..

iya_khin said...

hahaha! yan kasi padalos-dalos.
ako bago ako umalis sa dati kong kompanya nanigurado muna ako na sureball ang lilipatan ko! hinantay ko muna na may offer letter ako bago ako kumaripas ng takbo.

relak-relak lang kasi!!!

Diamond R said...

@Axl Powerhouse Production Inc. -Tama
Pag sinuong mo pagkakataong ito dapat nakahanda ka sa lahat ng posibling mangyari. Kung di naman hinay hinay lang.

Diamond R said...

@akoni - eka nga eh, exercise caution in your business affairs. kasi lahat ay nagiingat. Naiintindihan ko both sides. Ang HR iwas sa pweding maging epeckto nito kaya let them go baka lahat magayahan

Kulang lang sa paghahanda.ganon talaga . may panalo may talo.

Diamond R said...

@a boynamedxander - Naawa nga ako kasi ang pamilya nila ang mahihirapan.Maraming paraan para humingi ng umento.ito ang pinaka pangit na paraan kaya di tama. take it or leave it parang ganon.may halong katigasan.

Diamond R said...

@Mr.Chan. Akal ko may pupuntahang iba kaya malakas ang loob which dapat lang naman kong meron opportunity pero kung wala sana magtiyaga na lang muna.Tama ka medyo mababa nga ang self esteem.at kulang lang talaga sa gabay. di naman nila naiisip na ganon pala ang mangyayari. nakakaawa. Kung magkakalahi lang baka pagisipin mo na.

PluripotentNurse said...

May idea ka kung magkanu ang sinasahod ng isang Crane Operator?
Curious lang ako. U got fb ba? add mo naman ako nurselloydie@gmail.com thanks!

Diamond R said...

@leonrap - Iba-iba talaga ang tao. Alam mo naman ang kakayann mo at kung handa ka naman why not. pero kong hindi yon ang problema. May risk at yon ang di naiisip kaagad.

Diamond R said...

@iya_khin - simpli lang naman ang dapat nasa iyo ang alas. ganyan dapat ang ginawa nila kasi di ka naman pweding pigilan kong ayaw mo na dahil meron kang ipapalit.

musingan said...

buti naman at napost mo ito... im planning na mag exit na next year eh.. stay for good in zamboanga na... peor dahil dito... pagiisipan ko ulit ng maraming beses///

Diamond R said...

@PluripotentNurse - Ranging from 2,500 dh to 4,000 Dh( 1dh=11.9 php)Depende rin kasi sa experienced yan at sa company.ADD kita sa FB kong di ko naman madalas buksan.

Diamond R said...

@Musigan- Ikaw pa, kung magpalit ng trabaho parang nagpalit lang damit.Pero ang mahirap sa paglipat lipat minsan di mo alam Acre of diamond na pala ang kinatatayuan mo lumipat ka pa sa ibang lugar.Nakakalimutan natin kung ano ba talaga ang ating gusto at mag focus doon.May mga problema minsan like napapagod pero hindi ang lumipat ang magaayos nito.kundi ang sarili mo.

Let's pray maging tama ang maging hakbang natin and be happy sa anumnag kalabasan.

Sey said...

Sayang naman. Sa buhay talaga madalas hanap tayo ng hanap ng mga bagay na wala sa atin kasi hindi natin ma-appreciate kung anong meron tayo. Ang akala natin kung ano ang gusto natin yun ang makakabuti pero hindi naman pala tapos kapag na-realize natin eh huli na ang lahat. Tama ka, hindi lahat ng binabalikan eh kayang maghintay. Magpasalamat dapat tayo at meron tayong trabaho.

Kristeta  (kalokang Pinay) said...

Kawawa naman sila, pero tama ka, dapat talaga ay pagisipan muna ang bawat desisyon lalo na sa panahon ngayon. May kasamahan din ako na umalis dahil lang napikon sa systema, wala pang ilang linggo nakikiusap na - kaso freeze hiring na kami... so tiis sya sa kung nasaan sya na mas hindi maganda ang systema at pasweldo....

Ang hirap no?

glentot said...

Naku, you gotta admire them for having the balls to do it, pero yun nga, sugal yun and looks like they lost this time... sayang lang kasi ibinaba nang sobra sobra yung sweldo nila tsk tsk...

good moral lesson...

2ngaw said...

parang dito sa kumpanya namin, hamunin mo sila ng resignation dahil nagpapataas ka ng sweldo, malamang approved agad dahil kaya nilang kumuha ng limang kapalit mo...

sana nga lang matuto tayong makuntento at maghintay, darating naman yan kung para sayo talaga...

emmanuelmateo said...

tama ka po..tayo rin ang magsisisi sa huli.

MiDniGHt DriVer said...

awww.. saklap... pero naiintindihan ko sila, ninais lamang nila na magkaroon ng mas magandang kita sa ibayong dagat. yun nga lang, hindi kagandahan ang naging resulta.

Anonymous said...

before mo iwan ang isang bagay, mag isip isip ka ng ilang beses, at dapat makontento ka sa bagay n mayron ka.. db.

Anonymous said...

masaklap man ang pangyayari per dapat matutu na sila...

Anonymous said...

hindi ko naamn sila masisi s pegresign nila kasi karapatan nila humingi ng mas malake... too bad hnd cla sinuwerte. mali lang kasi naisip nilang paraan

-kikilabotz

top commentators

Get this widget

Yiruma