Friday, March 11, 2011

You are a Child of the Universe

Pili nut Tree-Canarium Ovatum
Ang tikas!Yan ang Pili ng bicol uragon.

"You are a child of the universe no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should".-(Desiderata)

Acting inadequate ka ba o pakiramdam lang ? some people do. Your feeling small will never help you and is not encouraging to hear at all.Think otherwise, of who you are and what you can do.Listen to your self.It's Ok to feel good.Does this sound selfish? It is Ok to be selfish when you understand that being selfish is simply an act of self-care.

Pinaguusapan namin ito ng aking kasamang Filipino ng minsan sa aming opisina ang isang Engineer namin ay nautosan kumuha ng tubig sa kusina dahil akala ay office boy (anong magagawa natin baby face,maliit at nakat-shirt and jeans). Kung di pa ito nangyari di siya magigising na iba na pala ang buhay na ginagalawan niya wala na sa school. Ngayon nag iba na siya ng style corporate na ang kanyang dating and i'm proud of him.Nothing is wrong to feel comfortable in jeans and shirt pero ilagay ito sa tamang lugar. Maraming makikita sa ating mga kilos kung ano ang ating paniniwala sa ating sarili.at kung di tayo magiingat yon ang iisipin ng iba sa atin.

Pero pakatandaan lang na higit na mahalaga ay ang pagkilala mo sa iyong angking kagalingan yon ang di matatawaran at mababago ng iba. Ipagsigawan mo ito sa buong mundo and be proud of it.



-------------------------------------------------------------------------------------------------

Para sa kaalaman ng lahat ang kahoy na nasa taas at sa ibaba ay ang puno ng PILI na kilala lang at marami sa Probinsiya ng Sorsogon.Kuha ko noong nakaraang bakasyon ko.
Maraming nakakaalam ng PILI nut pero kung di ka bicolano malamang ngayon mo lang nakita ang puno ito. Para sa inyong lahat Ito.Natuwa lang ako sa Post ni Ishmael Fishcher Ahab ng Before the Eastern Sunset sa post niyang craving for pili nuts.

Ito ang thesis ko noong college (oo naman nag college din ako,natawa ako doon) I developed and utelized the pili pulp as flavoring for Ice cream. Pumasa naman ito at di ko na kasalanan yon.(tumawa ulit).
Ang naalala ko lang noong bata pa ako ang ice candy na gawa sa pili pulp. Nilalaga ang hinog na pili tapos yong pulp ( between ng shell and the skin) ihahalo sa gatas nagkukulay ubi. exotic ang lasa ang sarap.na miss ko bigla.




The Pili trunk and the fruit

19 comments:

Nimmy said...

ang gandang puno naman nyan! ang tikas!

Kristeta  (kalokang Pinay) said...

Korek! Kaylangang kilalanin mo ang iyong sarili at ang iyon kakayahan - dahil pano maniniwala ang iba sa iyo kung ikaw mismo may duda sa sarili. And same goes with loving yourself...

And bigla ko naman na miss ang pili nut! Bicolana ang nanay & syempre pati sya na miss ko rin....

musingan said...

wow galing... kaw po kumuha?

Sey said...

first and foremost I want to commend you the great shot. Ang galing ng picture. I have a friend na taga Bicol. Pag nauwi siya dun para magbakasyon, nagdadala siya ng pili nuts pagbalik. Ang sarap-sarap.

Ang galing ng thesis mo. Elibs ako. Tingin ko kasi mahirap yun.

TAMA ka, dapat tayong kumilos ng nararapat pero huwag kalimutan na ang mahalaga ay kung sino ka.

Kamila said...

bigla akong nacurious sa pulp.. hehehe.. pero totoo lang oo nga.. kaya nga dapat lagi lang tayo stay in between... wag masyado mayabang..pero wag din masyadong mababa ang tingin sa sarili..which hindi ko naman ginagawa..sinasabi lang hehee

Gumamela said...

may puno kami ng Pili malapit sa bahay nmin sa catanduanes.

3 months na lang at uuwi na ako. i m so excited!

Ishmael F. Ahab said...

Salamat sa link Diamond. :-)

Natuwa naman ako at parehong pili ang bida sa blogs natin ngayon. Isang matikas at matibay na puno na may masarap na bunga.

Tama ka sa sinabi mo tungkol doon sa engineer. Katulad niya, kumportable ang pakiramdam ko kapag naka-shirt at jeans lang. Pero, kung ano ang okasyon ay yun ang dapat suutin.

Pwede palang ilagay sa ice cream yung pili pulp? Astig ah. Dapat ipalaganap ang kakaibang ice cream na ito. Ito ay isa na namang magandang oportunidad bilang isang negosyo para sa mga taga-Bicol.

Ishmael F. Ahab said...

@Bhing:

Yey! Uuwi ka na. :-D Makakatikim ka na uli ng pili.

Diamond R said...

@nimmy - Matikas na kahoy ang pili at ang dagtang nanalaytay sa kanyang katawan ay kayang sumilab at gumawa ng apoy.

Diamond R said...

@kalokang pinay - thanks for visiting. GAling ng pili di lahat kilala ang punong ito.

Diamond R said...

@musingan- Oo natsambahan ako ang kumuha.feeling photographer lang.
wala kasing nakakakilala sa punong yan.
salamat.

Diamond R said...

@Sey- Salamat. naagustuhan mo ang kuha ko. About the Thesis ayos naman ang nakuhang ratings nito. Dahil di sila makapaniwal na ang tinatapong balat eh mapapakinabangan pala at kakaiba ito.

Diamond R said...

@kamila - Tama - may sarap sa tama lang. hindi extreme. Tulad ng PILI.

Anonymous said...

yan pala ang hitsura ng punong kahoy na pili nuts ah.. hndi pa talaga ako nkakakita niyan. tnx for sharing diamond R.

Diamond R said...

@bhing -galing! na try mo ng kumain ng PIli pulp hindi lang ang pili nut.
uso yan sa bicol.

Diamond R said...

@Ishmael Fischer Ahab - Oo nga natuwa nga ako sa post mo dahil sa Pili.Oo nga malay mo maging flavor of the month ang pulp. Ang sarap talaga ng pulp ng pili pag naihalo sa milk.

Akoni said...

maganda ang pagsasalarawan mo tol..lahat dapat nasa tamang lugar!

Ka-Swak said...

kasing tikas mo ang puno na yan pre! turuan moko gumawa ng ice cream na yan hehehe

RAV Jr said...

tama ung post mo about self respect... pero nawala ako dun dahil sa pili, hehehe... ang sarap ng pili lalo na kung roasted! hehe at kahit marami nyan dito, di pa rin ako nagsasawa sa pili hehe =D

top commentators

Get this widget

Yiruma