Tuesday, March 15, 2011
Caution: May nag Open Up
Never trust anyone here! madiing nyang bilin sa unang araw ko sa trabaho. Umalingawngaw yon sa aking pandinig hangang sa ngayon.
Noong kasama ko pasiya sa trabaho ako na ang pinagpala sa lahat.Tuwing umaga kasalong magalmusal ng parata at chai.Nagagalak siya dito maski ako man.kung ang lahat ay takot at nangangatal sa bagsik niya napakabait ng diyos at siya'y iba sa akin.Minsan nga He would embraced me and kissed me sa chicks out of joy sabi niya pagpapasalamat dahil nandito ako(Pangkaraniwan na yon sa isang muslim dito sa gitnang silangan at walong halong malisya ito)
Isang araw nag open up siya ng nararamdaman.
Ano daw ang problema ko. Pinagsisikapan niyang maging malapit sa akin pilit naman daw akong lumalayo. Bigla naman akong nahiya sa sarili ko para pagsikapan ng ganito.
Iba ang pakiramdam lang sa kung ano katotohanan. Yon ang iwas kung sagot sa kanyang tanong.
Ang totoo? I exercised caution.
Dahil we have conflict of interest.May magkaiba kaming trabahong dapat naming gampanan ng magkahiwalay.Tama na ang magandang samahan at nagtutolongan.Na niniwala akong sa trabaho dapat pakaiwasan ang mga ganitong eksena.Ayokong dumating ang oras na maging sunod sunuran sa sinasabi niya o kaya ang di makatangi sa utos niya.May pagkademanding pa naman.
May supplier kasing minsan kinakausap siya at pumanig dito kahit I disagree hingil sa mga descrepancy sa deliveries nila. Shu hada?
Ako na ang Paranoid. Kung ang mga ganitong bagay lang ang sisira sa diskarte mo sa buhay exercise caution and pray a lot.Ano ang sasabihin mo sa iba na closed kayo.Magpatuloy ngunit maging maingat.
Uulitin ko ang mga linyang ito at hayaang tumurok sa iyong puso.
"Execrcise caution in your business affairs
"magsagawa ng pag-iingat sa iyong pakikitungong pangpinagkakaabalahan
for the world is full of trickery.
sapagkat puno ang daigdig ng panlilinlang
but let this not blind you to what virtue there is
ngunit huwag mong hayaang bulagin ka nito sa anumang naririyang kabutihang loob
Many persons strive for high ideal"
maraming mga taong nagsusumikap para sa mataas na mga pamantayan."
Labels:
Abudhabi,
Personal Experience,
words to ponder,
Work
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
24 comments:
oo nga naman daming ganyan dito!! kunwari mabait sayo yun pala kumukuha lang ng idea kasi sa huli magbubuhat sila ng banko nilang ikaw ang nagpanday! Shu hada talaga!!
base sa lahat ng posts mo po sa mga linggong ito, napapatgtanto ko na nagkakamali ka yta ng propesyon/bikasyon... dapat nagpari ka, hehe... magagandang aral po ang napupulot namin sa mga posts mo =D tyyy!
I think kahit saan yata merong ganun. Iyong tipong good samaritan then afterwards they will stab you in the back. Mahirap lalo na kapag naging close na kayo kaya dapat palagi tayong nag-iingat.
Ang trabaho ay trabaho. We should be professional in that sense. May natutunan ako at nakarealte ako sa post mo.
parang natakot tuloy ako.. hahah..ewan ko lang..di pa naman ako kase nagwowork kaya di ko alam paano ang makisama pa..di ko pa nararananasan.. siguro sa trabaho., pero siguro kung personal na experience..siguro okay lang isipin na madaming tao din nagsusumikap maging mabait.. hehehe
kaya ako dito, hindi ako nakikipagkaibigan sa ibang lahi...hehehe..HI and HELLO lang ako sa kanila...
natawa ako sa comment ni prop, akala ko kung anu na...hahaha..tama siya, may aral ang mga post mo, parang batibot...keep on posting.
na, you are so right! thanks for sharing..have a nice day ingat lageh!
tama lang siguro ang ginawa ko dito.... hindi ako masyadong nagtitiwala sa mga taong nasa paligid ko... dahil hindi ko alam kung anu ang mga sinasabi patungkol sa kin pag wala ako. salamat sa post mo. :D
ganun talaga pare, may mga tao na iba ang ginagawa nila sa sinasabi nila at may iba ding tao na iba yung pinapakita nila sa kung sino talaga sila.
piliin lang ang mabuting kaibigan, mag ingat palagi.. gud morning diamond R.
tamang ibukod ang samahan sa trabaho. pag trabaho eh trabaho..
pero importante din ang pakikisama, wag lang nating hayaan ang sarili na mangibabaw ang samahang ganito sa trabaho.
@iya_khin-Minsan para tayong laging bago.Maybe because it's a good feeling to hear beautiful words or to feel special. Pero maging maingat lang kasi you know who are sincere at sigurodo di mo yan mahahalata kaagad.Pero sa kagipitan nandoon siya. Ang masyadong showing yon ang Mababaw may hidden agenda yon. at magingat sa patibong.
@Prop-ito ang epekto lang ito ng pagkabagok ko.Kumukolo sa kaloob-looban.Mga gusto kong sabihin sa ilang taong malapit sa akin pero malayo sila kaya dito ko na lang e share. salamat sa pagtiyagang basahin
@sey - lahat ng tao instinct ito may dahilan lagi sa ginagawa mo.Kaya dapat maging instinct din ang kung papaano mo ito sasalain.Meron lang talagang garapalan ang pagkilos. karaniwan na ang tunay magandang adhikain ay di halata.hindi kasi sila showy.
@kamila- ang kailangan sa trabaho ay team effort. hindi personal o pangdalawahang special na pagsasamahan or kung iilan lang.Hindi kasi ito healthy.Nagkakasira ito. Professionalism ang kailangan.frienship ay dapat labas dito. Magulo ang isang companya kong ito ang umiiral kasi personal enterest ang nasusunod. Gawin lang ang nararapat para sa lahat.
@Akoni-salamat
@laikka- thanks ikaw din ingat sa mga may di magandang adhikain. Pero magpatuloy na magmahal sa iba.
@empi- Sinabi mo pa. di masamang magparamdam ng pagmamahal pero wag humingi ng palit kakaiba na ito lalo na sa work. sA dami ng kailangan gawin sa trabaho mag focus doon pag labas saka gawin ito.kung ito ang hanap mo.
@Bulakbolero.sg- Oo nga. Alam mo lang talaga dapat ang focus mo at wag mawawala dito.
@mommy-razz- tama.pagsa work concentrate on work lang. pag uwi saka hanapin ang mga kaibigan.
it's really only to be on top..
buti nalnag di ako bisor =)
@Istambay - Yon talaga ang nararapat.Marami kasi ang gumagawa nito for their own selfishness.
Tama yan... kasi sa work iniiwasan ang conflict of interest kaya kelangan mag set ng boundary na ang closeness eh hanggang certain level lang para mamaintain pa din ang professionalism with respect sa mga dealings... hehehehhehehe
Tama ka diyan. Dapat talaga tayong mag-ingat sa lahat ng bagay. Maraming manggugulang at manloloko sa mundong ibabaw.
ito sana ang comment ko kahapon na hindi ko mapost post dahil sa kabusyhan,..
thanks pare sa pag post nito... Uu.. mahirap magtiwala .. lalo na sa ibang lahi.. dahil hinid natin kabisado ang ugali nila... eheheh..
yun lang...
Post a Comment