"Go placidly amid the noise and the haste, and remember what peace there maybe in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons."(Desiderata (first stanza)
Honestly ano ang nararamdaman mo sa mga salitang ito.Kasi sa akin ibang klase ang dating nito.Naluluha,natutuwa, di ko maintindihan basta may lakas itong dumudurog sa aking puso.OO na, I'm a peace loving person. Pag pumapalya ako dahil sa kahinaan ko pakiramdam ko wala akong silbi sa mundong ito(Nagpapakabait mode)
Mahirap bang gawin ito? Hindi naman. Maraming aayon na higit madaling gawin ang maging mabait kaysa maging salbahe sa kahit na sinong tao.
Kung nagagalit ka sa maling dahilan lalo na kung alam mong ikaw ang may pagkukulang wag mo itong patatagalin. Wag kang matutulog na di mo ito itinatama.Mahirap ng multuhin ng sarili mong kunsinsiya at duon ka gulpihin.
At wag na wag kang magtatanim ng puot sa iyong puso.
Kung nagawa mo na ito. Wag kang mabagabag.There is hope. May isa pang magandang pwedi mong gawin upang gawin ito kaaya aya sa inyong dalawa.
ano ito?
Do something na di mo pa nagagawa sa kanya na pweding magbago ng buhay nya kong may kakayan ka namang gawin ito.
Isang halimbawa:
Kahapon araw ng sweldo. may isa akong worker na expected mo na na di siya happy kinaumagahan.Dahil lahat ng demonyo ay naguudyok sa kanyang magalit sa tuwing nakikita niya ang maliit niyang sahod.Nararanasan naman ng lahat yan.Click here usapang Overtime
So, kahapon umousok siyang pumunta sa akin galit ang mukha nangingitim. Nag demand ng ilipat siya sa ibang site. Now na!at madami siyang sinabi na di maganda,nakakapanting ng tinga.Alam kong mayproblema siya at ano pa ba ang aasahan mo sa isang taong giving up na. Alam ko pwedi naman siyang ilipat kung saan niya gusto pero di naman pwedi ang ikaw ang magcocomand sa gusto mong mangayari.Ano ang magagawa natin ganon talaga ang kanilang style.
As expected. ginawa ko ang normal na gagawin ng isang companya a isang taong siya ang magdidikta sa kung ano ang dapat gawin.
Isang umousok na HINDI PWEDI. at di mangyayari iyan. Patigasan na kung patigasan. Di ko rin nakakalimutan nag mukha niya na parang binagsakan ng boundary wall sa katagang ito (ang sama-sama ko sa totoo lang nakakaawa siya inunahan niya kasi ng init ng ulo)
Magalit na ang magalit.Nakinig ako problema niya pero hindi nakahanda ang puso kong umunawa sa nararamdaman niya. Na dinala ko ito hangang sa bahay. Kaya kagabi I post DEsiderata.Dahil inuusig ako ng aking kunsinsiya.
Ang magandang nangyari ito yon.Kinaumagahan.
Ito ang una kong ginawa pag dating na pagdating ko sa work. Inayos ko ang kanyang pagkakaperahan para maging masaya siya. Nangako ako sa kanya na di ko man permanenteng maitataas ang basic niya bibigyan ko siya ng extra 2 oras sa bawat araw at 5 oras bawat beyernes.ibig sabihin may Overtime siya na aasahan.Yon lang naman ang gusto niya.Biglang lumiwanag ang mukha niya at kumislap ito.Kasabay ang napakatamis na ngiti na parang walang nangyari kahapon.
Masaya na siya ngayon at masaya na rin ako.
Kung mananatiling masaya ang ating puso sa araw -araw aasahan mong higit na maganda at maliwanag paligid na ating ginagalawan.
24 comments:
Ang bait naman ni boss, pwede ba akong mag-apply jan? pra namn next time ako naman ang laman ng blog mo, isang prop na ngayon ay trabahante ko, isang sutil na dapat nang paalisin, hehehehe
sir, gusto ko rin mag apply dyan. hehehe. sana lahat na lang ng boss tulad nyo
gusto ko bumaet pero di ko magawa.. ehehhe... just the right material I need for now... thanks...
Wow, galing naman nyan
ang galing mong boss... :)
ang saya saya kapag may napapasaya taung tao, dba.. tuloy mo lng yan.
hehehe.. totoo lang mas magbibigay ng happiness talaga sa atin ang magpasaya ng ibang tao kaysa ang pasayahin ang sarili natin hehehe :)
@Prop-nagsisi lang kasi nagkamali.Mahirap na.Ang kakulitan minsan epektibo rin talaga.para makuha mo ang gusto mo.Wag lang gigive up.
@KRN - ay salamat sa pagdalaw.
@musingan - baka ibang kabaitan yan kaya di mo magawa. Bosing salamat sa pagbisita.
@tim- OO nga gagawin ko ito para gawin din sa akin. biglang wrong motives.
thanks for dropping by
@kikkomax - sa totoo lang dapat ko nga itong ikasaya tama ka kasi may kapalit itong mas maganda na di natin alam at di kayang sukatin.
@mommy - Raz- Iba ang saya pag may nagawa kang magpapaligaya sa ibang tao kahit simpling bagay lang. yong tipong pag comment lang sa blog.thaNKS MOMMY.
bravo! ang bait! kunin mo ako! dali! hahaha
Happiness nga naman kung ituring itong ginawa mo. God bless you!
isa lang masabi ko.. wow na wow.. bravo :D
meron ka na naman pong napasayang tao.hehe
keep it up po and God Bless
@nimmy- isipin mo yon dahil sa ginawa kong yon aba madaming biglang gustong magtrabaho kasama ako. Ang saya sana nga maging ganito na lang lagi.Bakit kasi minsan di pwedi.
@empi - maliit na bagay lang kung iisipin mo dahil di naman ito makakaapekto sa aming companya pero alam kong malaki ang maitutulong nito sa isang ordinaryong trabahador. Minsan kailangan sila ang unahin bago pa ang ibang concern.
@AXL Powerhouse Production Inc.- Ginawa ko ito dahil nararapat.Appreciate kong maraming natuwa.He deserve it naman.Some workers at marami niyan they deserve such kind of gestures and consideration.
@emanuelmateo -I think accomplishment nga itong masasabi na may mapasaya kang tao. Lalo na pag usapang trabaho ito at malayo ka sa pamilya mo.
not just commendation or recognition. Medyo challenging angmga nakaraang araw somehow alam kong tama ako sa bagay na ito.
galing galing mo bossing!!
clap cla clap!
masarapa talaga magpasaya ng tao..
iba ang feeling...heaven ba...
:)
heartwarming ang ginawa mo. hehehe. sir saludo ako sayo..
;-)
good lesson.
parang garbage truck rule. whenevr you feel anger, dont dump it to others.
Post a Comment