PAPA Don. Si Amang maharlika.
two years ago na kuhanan ko ng larawan ang lugar na ito.at tamang tama ang fathers day para maibahagi ko sa inyo ang connection ng mga picture sa akin bakit ko siya kinuhanan.
May ala-alang nagbigkis sa aming dalawa ni amang ang larawang ito.
Ito kuha sa kabuuan ng ilog malapit sa aming bahay sa kaliwang side .napapagitnaan ng dalawang ilog ang aming bahay sa Bicol. Ang puno ang sentro ng kwento ko ngayon.
May pagbabago na sa punong ito dati rati nakaangat pa ito at ang mga ugat ay payakap sa tubig
Malalim pa ang tubig dito libtong ang tawag
Pwede kang pumasok sa loob at may may kaluwagan sa loob may vacuum kaya may hangin makakahinga ka
kabilang pangpang dito ako tumatayo habang binabantayan si papang at naghihintay sa kanya. Malamok.
2 years ago papa, umuwi ako doon sa atin sa Bicol. Tulad ng madals kung gawin pinuntahan ko ang isang bahagi ng ilog na malaki ang naging bahagi sa ating buhay dahil sa minsan may pinagsaluhan tayong trahedyang tayong dalawa lang ang nakakaalam at nagbigkis sa ating mag-ama.
Ok lang yong isinasama mo ako sa inuman mo para tagabantay mo at tagabuhat paguwi pag lasing ka na.at gumugulong tayo sa mga palayan dahil sa bigat mo pero nakakauwi din tayo.
Pero dito sa ilog na ito sa mga ugat ng punong ito di ka naman lasing ano ang nangyari sayo ng pumasok ka sa ilalim inabot at di ka na lumabas?
ano ang gagawin ng isang bata kundi ang lapangin ng lamok at maghihintay sa kung nasaan ka na.Natatakot na ako at gusto ko nag umiyak magisa di naman ako makalapit sa pinasukan mo dahil maliit pa ako.
Doon ako natotong manalangin kay papa Jesus na tulungan ka at gabayan.
Padilim na noon at namumutla na ako.Hindi kita pweding iwanan umiiyak na ako sa pagaalala.
Walang ano-ano lumabas ka pagkaraan ng mahigit isang oras sa tubig.Humahangos.
Ang sabi mo madilim sa ilalim at di mo na masalat ang pinasukan mo nawala ka.
Nakita mo ang takot sa aking mukha. Ipinatong mo ang iyong kamay sa aking ulo na parang wala lang nangyari sayo at ibinigay mo sa akin ang supot ng mga hipon.
Sa murang edad ko noon gusto kong itapon ang mga hipon sa ilog ano ang gagawin ko sa mga ito kung mawawalan ako ng isang ama.
Pa, hanggang ngayon anglinaw linaw pa ng mga sandaling ito sa akin.
Ang dami mong dinaanan at ginawa para sa amin pero bilib ako sa inyong mga ginagawa.
You're one and only.
Kung nasaan ka man alam ka man ngayon alam kung masaya ka na dahil kasama mo na si Lord.
Patuloy niyo po kaming gabayan at bantayan.
Happy fathers day Papa.
20 comments:
Isang nakakaluhang storya ng mag-ama. gusto sana kita hug pare, pero pwedi apir nalang? kung ano un nasa situation mo nun, baka natae na ako sa takot...happy father's day sa iyong papa!
happy father's day sa iyong papa at sa lahat ng ama sa mundo :)
nakakatouch naman ito.haist...
sigurado ako masaya si papa mo ngayon para sa iyo,sa mga narating mo.
at mahal na mahal ka din ng papa mo katulad ng pagmamahal mo sa kanya.
nawala man siya sa mundo.binabati ko pa din siya nang maligayang kaarawan ng mga ama...
the best talaga ang mga tatay natin lahat...
magandang umaga!
binabati ko pa din siya ng
napaka laking punongkahoy naman yan..
ayy wala na pala ang tatay mo, kakalungkot naman.. good morning diamond R..
Belated Happy Fathers day sa iyong papa :D
awww.. naiyak ako. i'm sure happy si papa mo kung asan man sya ngayon kasi napalaki ka nya ng maayos. oi ang ganda lugar nyo. taga bicol ka pala. pupunta ako dun this weekend hehe..
Ay wow.. touching... pero naguluhan lang ako ng konti.. papano siya nakapasok? at saan siya pumasok? sa puno? sa ilalim ng alin? anyway.. now ko lang ito nakita at nabasa.. dito sa iffice... mamaya tignan ko ulit ang mga picture kasi hindi lumalabas sa akin eh... happy fathers day sa iyo ....
hoy inadd kita sa FB mo di ka namamansin.. hmmp...
@Akoni o ayan Apir.Pak.Kung ano- ano na ang naiiisip ko bakit di siya lumalabas.Kinain ng mga hipon.
@Bino- salamat.dalawa na ang chance kong manalo sa pakulo mo sa damuhan pweding tatlo?
@Jay Rules-naiiyak nga ako habang naaalala ko ito.Marami kasi kaming na mga memories ni papa na di ko makakalimutan kasama siya. Favorite nya yata akong kasama dahil babae and dalawang sinundan ko at mas bata pa ang sumonod sa akin bunso namin. kaya no choice ako but masaya.
@mommy razz- home sweet home na si Papa 11 years na ang nakakaraan.Mommy may mas malalaki pang kahoy sa amin di lang yan maliit pa yan.more than 100 years old na mga kahoy.
@mr.Chan- Salamat po.sayo din at sa lahat ng ama
@Mayen-Oo nga kaya pakibati na lang ako kay hanging amihan sa bicol.
matagal ko nga tinatago ang mga pictures na ito dahil lang sa ala-alang ito. bigla kong naalalang e post para maging permanenteng naka save na dito.
salamat mayen. happy fathers day sa papa mo.
@Musigan- Kung familiar ka sa mga punong kahoy na malapit ang ugat sa gilid ng ilog. pag lumubog ka sa tubig sa gilid nito. may maluwag na space sa ilalim ng puno na pwedi kang pumasok at makakhinga ka kasi ang tubig naka level lang din sa tubig sa labas.maraming hipon at isdang naninirahan doon kasi di masyadong nagagalaw.si papa lang yata ang malakas ang loob na pumapasok doon. kaya lang nalibang yata sa loob di nalito na kung saan ang palabas. Sana naipaliwanag ko sa iyo at naintindihan mo.
@Musigan- Parang wala naman akong nakikitang friend request . check ko ulit.
hayzzz!
nalungkot ako sa post mo ngayon. at least may maganda kang memories sa papa mo. ke pangit o mabuti, ang alaala ng magulang patuloy na magiging gabay natin sa pagtanda.
happy fathers day sa lahat ng tatay!
Ang ganda ng mga pictures, Kuya Rommel.. at ang ganda ng story. Isang Father's Day special nga ito..
Naiyak po ako dito.. "Pero dito sa ilog na ito sa mga ugat ng punong ito di ka naman lasing ano ang nangyari sayo ng pumasok ka sa ilalim inabot at di ka na lumabas?" .... :(
Pero sabi mo nga, kasama na nya si Lord ngayon. Masaya na syang talaga dun..
Happy Father's Day po! :)
ahahahha... oks na.. naipaliwanag mo na ng maayos.. asus.. naacept mo na ang FB ko.. weee...
this is quite touching... iba talaga pag puso na ang nangusap...
Post a Comment